Naglakad lakad naman kami ni Bret. Kung saan mapunta ang paa namin.
"This is it!!!" biglang may sumagi sakin ng pagkalakas lakas. Medyo masakit nga e. Mabuti na lamang at nandyan si Bret para saluhin ako.
"Are you okay?" ngumiti ako. At parehas kaming napatingin sa paligid. Lahat ay may inaabangan. Lahat ay nakangiti at parang excited na excited sa mangyayari. ??? Anong mangyayari? "I think, it's time already." nagulat naman ako ng makarinig ako ng kumakaripas na takbo ng isang kotse :o :o
Ang bilis. Ang tulin. Ah!?
Tumigil naman sya sa harap namin ni Bret. At.. bumaba ang isang lalaking naging dahilan ng hiyawan ng lahat ng tao sa kapaligiran. Kahit si Bret naamaze sa kanyang tayo. Sa kanyang galaw. Ang mga tingin na yun.
"NADIEL ATHAN LORENZO FORTALEJO!!!" lahat yan ang sinisigaw. :o Si Nadiel. Nakatingin sya sakin :o
"Alam mo bang model sya ng mga sikat na magazine company sa malalaking industriya. At malaking pasasalamat ng Modeling Organization ng school na dito Pumapasok si Nadiel. Modelo sya ng bawat estudyanteng gustong magmodelong gaya ko. Hinahangaan ko sya, Arkin." hindi.. hindi pwede to.
"Ang gwapo talaga nya."
"A Prince wanna be."
"Aww.. sana maging kaklase ko sya this year."
Ang daming humahanga sa kanya. Lahat ng mata ng mga estudyante ay sa kanya lang nakatingin. Hindi ko alam na ganito pala kataas ang Nadiel na kinakalaban ko.
"Dadaan sya dito!" kinabahan ako. Papalapit si Nadiel sa pwesto ko. Hindi! Si Bret--
"Waaah! Ang gwapo nya talaga. Ang bango pa."
thump.thump.thump.
Hindi ko alam kung napansin yun ng iba. Pero.. parang nagslow ang lahat sakin nung sabihin ni Nadiel sakin ang mga salitang yun.
"Let's meet, later." kinabahan ako. Tumingin naman ako kay Bret :o
"Nakita mo ba yun, Arkin. A perfect man, right? Kahanga hanga talaga ang mga Fortalejo." parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko sa mga sandaling yun. Tinutusok ang puso ko ng libo libong karayom. Ang mga ngiti ni Bret at ang mga tingin ni Nadiel. Parehas akong nilalabanan ng konsensya ko.
Pagkatapos ng sunod na klase ko. Naisip ko sanang puntahan si Bret. Kakalimutan ko muna siguro yung tungkol kay Nadiel.
"Hi." may lumapit naman sakin.
"May boyfriend kang model, diba?" tiningnan ko lang sila. At medyo tumango ako. Si Bret ang tinutukoy nila.
"Wow. Ibig sabihin, matangkad at gwapo ang bf mo. Ang galing naman. At nakakasama pa nya si Lei Lan Fuenzalida at Nadiel Fortalejo." ??? Nadiel na naman.
"Siguro."
"Ako nga pala si Richel Padilla. No. 1 fans ng Modeling ng FMU." nakipagshake hands din ako.
"Arkin Ramirez."
"Sige. Kita na lang tayo muli." ngumiti naman sya.
Wow! :) May mga kakilala na agad ako sa first day of school ko. Medyo nakakaexcite din pala yung laging ganito no :D
"AH!!--HM!!" ang sakit. May bigla bigla na lang humahatak tapos nileaned pa ako sa pader. :o Nagulat naman ako ng makita ang lalaking nasa harap ko at inch lang ang layo namin sa isa't isa :o
Si NADIEL!?