1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Epilogue


After 1 year,



Yawn.

"Hmm.." kinapa kapa ko naman yung kama.

"n-Nadiel?" sabay bangon ko. Wala na nga siya sa tabi ko? Saan naman kaya nagpunta ang lokong yun?

Nagtaka naman ako ng may makitang libro sa kama ko.

Tiningnan ko ito. Napakaganda. Hindi naman siya yung typical na libro pero parang ginawa para talaga sa isang tao.. Natukso tuloy akong buksan.

At basahin ang nilalaman..


'Nung mareject ako, sabi ko sa sarili ko.. Hinding hindi na ako maniniwala sa Love na yan. Letche! Pinaasa lang ako at pinagmukhang tanga!

Gabi noon, kagagaling ko sa bar at kakabreak ko lang sa isa sa mga girlfriend ko. At papunta na rin ako sa isa pa sa mga girlfriend ko na ngayo'y nasa park. Habang naglalandian kami.. may dalwang couple ang dumaan sa harap namin. Sumakay yung babae sa likod nung lalaki at parang silang tangang naglalaro. Nung una akala ko hindi sila couple. Sino bang makakaisip na magnobya pala yung dalwang ulagang yun. Tinatakluban nung babae yung mata nung lalaki at inuutusan kung saan dapat dumaan. Parang silang mga bata. Kaso nung tumabi sila sa tabi namin at maghawak kamay, natawa na lang ako. Hindi yun ang una at huling beses na nakita ko sila.
            Naalala ko pa month ng march noon, nung magkasalubong tayo. Nakakainis dahil hanggang dun pa ba e makikita ko siya, but this time hindi niya kasama ang boyfriend niya. Sinubukan kong asarin siya at tawaging ‘cute’. Pero hindi pala siya ang maaasar kundi ako, shet a! anong ginawa mo at sinira mo ang salamin ng sasakyan ko pati na ang laptop ko!
Pero hindi naman talaga ako nagalit, sayang nga lang e at nakatakbo agad siya..
            Birthday ni mama, palagi na lang niya akong naaasar sa maling oras. Nagkita na naman kami. At hindi ko akalaing.. nakakatuwa siya.
            Summer, dun nagsimula ang katuwaan. Tama, sa simula pa lang, katuwaan na ang makasama siya. Ang pagtripan siya. Kaso may sinabi sya tungkol sa isang bagay na kinaiinisan kong marinig, ‘bakit kaming mga playboy gustong madaming girlfriend?’ Gusto ko ng palayasin siya nung mga oras na yun. ayoko kasi sa lahat ng pakelamera. Pero ang sinabi ko sa kanya ay totoo, minamahal lang ako ng mga babae dahil sa pangalan ko at image ko. Hindi ko rin akalain.. na mahahalikan ko siya nung oras na yun. at aaminin ko, nagustuhan ko ang mga labi niya. Virgin kasi.
            Dahil tuwang tuwa ako sa kanya, bukod sa inaalipin ko siya, naisip kong magpanggap kaming magnobya sa harap ng mama ko. akala ko mas matutuwa ako kung pahihirapan ko siya. Pero may time na pakemera siya, at nung sabihin ko ang mga katagang yun ‘bakit pa ako magseseryoso kung may boyfriend ka naman..’ aaminin ko, hindi yun kasali sa katuwaan.
            Sumama siya sa celebration ng MO. Sa totoo lang hindi sakin okay yun dahil makikita ko na naman silang magkasama ng boyfriend niya. Pero yun din ang pinakanakakatuwang gabi para sakin. DARKKISS? I just stole your 2nd kiss.
            Dumating yung araw na nagkalabuan sila ng boyfriend niya. Wala naman talaga akong pake, sa totoo nga lang at natutuwa pa ako dahil lahat ay sumasang-ayon sa plano ko. tama ako, hindi talaga sila magtatagal.Sa bawat luha niya, mas naiinis lang ako. angtanga tanga mo kasi na nagpaniwala ka agad na kayo na talaga.
            Kung may pagsisisihan man ako sa lahat ng katuwaan na ginawa ko sa kanya, yun ay yun isinama ko siya sa Hongkong. Natakot ako noon, nung makita kong muntik na siyang hawakan nung gagong yun. sa totoo lang nandilim ang paningin ko nung mga oras na yun na halos patayin ko yung gagong yun. Ang laki ng konsensya ko nung mga oras na yun, the only thing I know, though I’m not sure na mapapatahan kita.. is to kiss you. Your 3rd kiss..
            Binigyan ko siya ng phone, pero hindi ko akalaing bibigyan din siya ng bf niya. Tuloy mas nainis ako. kung hindi niya gagamitin ang cellphone na binigay ko, talaga mapapatay ko siya!
            Gabi na nun, nung makita ko siyang bumaba sa isang sasakyan. Pagtingin ko dun sa driver, si Bret at sakay nito si Hedie. Nagtaka ako lalo na nung makita ko siyang umiyak. Umiiyak ka na naman dahil sa kanya. Akala ko pa na nakita mo ako. mabuti na lang dumating si Gavin. Hindi na pala nakakatuwa na makita ko siyang nasasaktan at umiiyak. Naiinis na ako. sinubukan ko siyang pasayahin at icomfort, pero mas lalo lang pala siyang masasaktan. So ganon mo pala kamahal ang Bret nay un!?
            Dumating yung event na pinakahihintay ko. pero di ko akalaing isasama ko siya.. para ano!? Para sa Bret nay un. Malungkot pa rin kasi siya. So I tried my best to cheer her up, I winked at her in the middle of the event. I don’t care anymore kung may makapansin. Basta gusto ko na ang babaeng ito. He don’t deserves her. Kaya naman kinausap ko yung boyfriend niyang yun, sigurado na ako sa sinabi ko at sa ginawa niya. At dahil binalewala na siya.. soI guessed this is now my turn.
            Nakakatawa man, pero aaminin ko, nagselos ako sa pinsan ko. Sobrang close kasi nila. Kaso.. hanggang ngayon pa rin pala hindi pa rin siya nakakaget-over sa Bret nay un. Sa inis ko bigla ko na lang siyang hinigit kung saan. I kissed her.. kahit alam kong mali. Pero totoo yung sinabi ko, na natutuwa ako na wala na sila. Nakakainis kasi kung kelan nagkagusto muli ako sa isang babae, saka naman ako hindi tinitingnan nung babaeng yun.
            Napagdesisyunan ko din na itigil na pakikipagfling sa iba’t ibang girl. Pero sa tuwing makikita ko siyang kasama si Gavin, naiinis ako. Gusto ko na lang siyang kalimutan at the same time, angkinin. Nasuntok ko pa nga si Gavin nun e, sa sobrang selos. Akala ko kasi hahalikan ka niya.. Hindi ko kasi kaya. Na mapunta pa siya sa iba. Lalo na nung may balak siyang makipagbalikan sa boyfriend niya. Nagalit talaga ako nun! Hindi na ako nakapagpigil at tinanong ko kay Gavin kung nasaan siya para masundo siya. Doon, inamin ko na Gusto talaga kita.
            Tapos nakilala niya na si Ate Jave. Akala ko nga sunod sunod na okay na kami e. ang saya saya pa nung hinalikan niya ako kahitsa pisngi lang yun. naramdaman ko ulit kung gaano kasayang mainlove. Kaya nga kahit sinabi ni Lei lan na mahal niya ako na may sakit siya, mas pinili ko pa rin siya.  Kasi gusto kong maging masaya. Kasi ayoko ng uling masaktan siya. Lumaban naman kami e. ginawa ko ang lahat para walang maramdamang konsensya kahit maging makasarili pa ako. ayoko ng uling makitang iiyak ang taong yun.
            Kahit mahirap, alam kong lumaban siya. Kahit mabully siya o mapag-usapan. Pero syempre hindi ko hahayaang gawin nila yun sa kanya. Kaya naisip kong pasayahin siya, nagresearch ako ng maaaring magpasaya sa kanya. I gave you that necklace, kasi narealize ko.. para lang akong buwan na palaging nagtatago pero hindi kailanman nawawala. Habang tumatagal kasi.. mas nararamdaman ko na hindi na tayo magtatagal. Hinalikan kita.. our 5th kiss. Then our 6th kiss nung nagkasakit ka.
            Magkatabi kaming  natulog magdamag. Tapos gulat na gulat at takot na takot siya na akala mo may ginawa ako sayo. Kahit gusto ko yun gawin.. hindi pwede. Kasi nirerespeto ko siya. Bago ko yun gawin, gusto kong makasiguro na akin siyang talaga. Gumagawa ako ng memories gaya nung photo album para kung sakaling maghiwalay kami.. alam kong hindi siya panaginip. At yung kinatatakutan ko, nangyari nung 18th birthday ni Lei lan. Ang takot ko talaga nung dinala sa hospital si Lei lan. Hindi ko na talaga kinaya noon ang sakit at konsensya. Bumalik ako sayo, nandilim ang mga tingin ko nung makita kong inaaway ka ni Raf. Ayokong may ibang nananakit sayo.. ayokong nasasaktan ka.. ang galit ko talaga nun. Kaya naisip ko na umuwi na lang tayo. Naglaro tayo baka kasi sakaling makalimutan koyung about kay Lei lan, pero hindi pala. Sa huli naging mahina parin ako.. niyakap kita ng mahigpit. Sigurado na kasi ako nay un na yung huling beses na mayayakap kita ng ganong kahigpit.
            Ang tagal na nung huli kaming nagkita.. nagpagupit siya ng buhok. Ang cute niya. Natutuwa ako. Kaso nakakainis kasi mas lalo silang naging close ni Bret.. as usual ni Gavin. Pero mas may nakakainis na nangyari. Ang mga taga Issues Department kung ano anu na namin ang mga kinakalat. Kaya nung nalaman ko yun, sinigurado kong masisira lahat ng mga kagamitan nila. lahat ng recordings na may kinalaman sa kanya. At yung mga taong inapi siya, sinigurado ko ring magdurusa sila. Wala silang mga karapatan para gawin ito sa kanya.
Kahit ano pa lang iwas natin, magtatagpo at magtatagpo pa rin talaga tayo. Lalo na nung nagdinner kaming apat, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sayo ng paulit ulit. Ang hirap kasing magpanggap lalo na at ang lapit natin sa isa’t isa. Namiss talaga kita.. Tuloy kahit magkasama kami ni Lei lan ikaw, ang naiisip ko. Pati si Lei lan nasasaktan ko.. kasalanan ko ba yun? Namiss talaga kita e..
Kumuha siya ng mga damit nung araw nay un. Masakit mang aminin pero halatang nagmamadali siya para iwasan ako. tuloy sa pagmamadali niya, mas nagkadahilan akong lumapit. At dahil umiiwas siya.. naisip ko na lang na puntahan siya sa play kahit hindi ako sigurado na makikita ko siya sa stage madalas. Nagulat na lang ako dun sa last part na siya ang lumabas.. at nagkiss sila ni Gavin. Ang galit ko talaga nung mga oras na yun! Narealize ko na mukhang nagkakamabutihan na sila ni Gavin, gaya nung isang araw magkasama sila sa condo. May mga bagay na nangyari sa kanila na dapat kong hindi malaman...
Muntik na nga akong magdesisyon na isuko na lang siya sa pinsan ko. Pero isang nakita ko siyang papunta sa department ko. naisip ko na siguro hindi pa oras. Lalo na nung mastock kami. Bakit ito ginagawa ng tadhana? Ramdam ko.. at alam ko hindi ko kayang mawala siya. Kaya kahit na ano pang pagpapanggap ang ipakita k okay Lei lan, mas nangingibabaw ang tunay kong nararamdaman. Kaya siguro naisip din ni Lei lan na pakawalan na ako. naiintindihan na niyang hindi ko kaya.. that day masaya ako na tapos na. Pinakilala ko siya kay Lola at kay Alana, pati na kay mama. Pinakilala ko siya sa mga taong mahahalaga sa akin. Gusto ko man siyang ipakilala kay papa, pero mukhang imposible pa ngayon.
Kaso nung dumating si mama, hindi ko akalaing magkakaproblema na naman kami. Masyado ka kasing mahina. Hindi ka man lang nagtiwala sakin. Matagal ko na rin naming alam na mangyayari ito. Kaya this time pinaglaban ko siya.
Kahit gaano kadaming pagsubok ang dumating, pangako ko na hindi na ako magpapatalo.

Kasi Mahal na mahal kita,

I REALLY LOVE YOU THE SAME WAY I’M THINKING OF YOU ALWAYS..




WILL YOU MARRY ME???

Chapter 95


Nakausap na namin ni Nadiel si Gavin tungkol sa mga nangyayari. At nasabi niyang alam naman na daw niya ang tungkol dun.

‘Mukhang.. wala na talaga siyang nararamdaman sakin e.’ napatungo siya pagkatapos sabihin yun.

‘Baliw ka ba! Ang tagal mo kayang naghintay sa Ate ko. Tapos ano! Dito lang pala kayo magtatapos.’ Nakikinig lang ako sa usapan nila. wala akong masabi dahil wala naman na akong alam sa nakaraan nila Gavin at Ate Jave.

‘Nakausap ko si Jave tungkol samin. At siya ang nagsabi mismo sakin na pumapayag na siyang maging legal na Fortalejo since yun naman talaga ang gusto ni Auntie noon pa.’

‘At pumayag ka naman!’


‘Hindi ninyo naiintindihan!’ nung oras na yun.. nakita ko kung paano tumulo ang mga luha ni Gavin sa mga pisngi niya. ‘..hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko. Yung pinipilit mong suyuin ang isang taong.. kahit wala ka namang ideya kung kahit konti man lang ay may nararamdaman siya sayong pagmamahal..


Kung napatawad na ba niya talaga ako.”


Awang awa talaga ako kay Gavin nung makita ko siyang nagkakaganon. Kung may magagawa man lang ako..

“Magbihis ka na.” sabi naman sakin ni Nadiel. Sumunod naman ako.

Pumasok ako dun sa kwarto kung saan inaayusan din si Ate Jave. Pagpasok ko, napatingin pa siya sakin at ngumiti. Tuwing makikita ko siyang nakangiti.. naiisip ko lang kung may pagmamahal pa ba siya kay Gavin? Wala nab a siyang pakealam kay Gavin? Kahit wala akong alam.. alam ko at nararamdaman kong mahal na mahal pa rin siya ni Gavin.


“Hija gusto mo bang magpaextension ng buhok?”

“Hmm.. I think dagdagan mo nga yung buhok niya pero hanggang dito lang.”  tinuro niya yung part ng leeg. “Tapos lagyan mo ng bundot yung parehong harap.” Kinindatan ako ni Ate Jave pagkatapos. Hindi ko alam kung anong binabalak niya. E birthday niya ito.

Habang inaayusan kami. Naisip ko namang buksan ang topic na tungkol kay Gavin,

“Magkabirthday pala kayo ni Gavin no?” matagal siya bago sumagot.

“Ah oo! Hahaha. Tumatanda na nga ako e.” ngumiti na lang ako para maging tugon.

Parehas kaming natahimik pagkatapos ng tanong kong iyon. Ewan ko ba, pero nailang kasi ako sa tawa niya. Parang.. hindi naman talaga siya masaya.

“Hindi ko ata nakikita si Gavin?”

“Hmm.. hindi naman kasi nagrereply sa text namin ni Nadiel.” Oo nga. Hindi ko pa rin nakikita si Gavin. Magsi-6 na pero hindi ko pa siya nakikita? Imposible naman na masyado siyang nag-aayos? May ganon bang lalaki?


“Bakit nga pala.. hindi ka agad pumayag na maging isang Fortalejo?”

“Nung una.. mas gusto ko kasi talagang gamitin ang apelyido ng yumao kong ama.” Nagtaka ako sa sinagot niya.

“Nung una?” at nung tanungin ko yun. parang siyang may naalala. Nalungkot ang mga mata niya.

“Tapos na po. Maaari niyo na pong isoot ang mga kasuotan niyo.” Kung siguro hindi agad umepal yung nag-aayos samin, naitanong ko sana kung ano ba talagang ibig niyang sabihin sa sinabi niya.

Pagkatapos naming magfit. May biglang dumating na balita.

“Nandyan na ba si Gavin?” yun ang tanong ni Ate Jave dun sa maid na pumasok.

“Pasensya na po. pero gusto ko lang po sanang iabot sainyo ito.” May inabot yung maid na sulat.

Napatingin ako kay Ate Jave na napangiti naman sakin. “Dati kasi pagnagbi-birthday kami, lagi siyang dumarating pagkatapos kong mag-ayos, kasi escort ko siya.” Sabi niya habang binubuksan yung sulat.

Binabasa niya yung sulat habang may nag-aayos ng dress niya.

Nung matapos siyang magbasa. “h-Hindi pala makakarating si Gavin..” hindi siya nakatingin sakin nung sabihin niya yun.

“t-Tara na?” mabilis siyang naglakad at iniwan na lang basta yung sulat. Eksakto naming dumating si Nadiel.

Sinundan namin si Ate Jave.

“Nagtext na ba sayo si Gavin? Asan na daw siya?” tanong ko kay Nadiel.

“Hindi siya makakarating.” Nagtaka ako sa sinabi ni Nadiel. Nagsalita pa siya pagkatapos pero pabulong.. “..aalis siya papuntang New York.” Nagulat ako sa sinabi niya.

Tuloy napatigil ako.

“May nasabi ba siya kung saan siya pupunta?” napalingon naman ako kay Ate Jave na tumigil din para lang tanungin yun.

“Ano bang pakealam mo—“

“Nadiel!” napasigaw ako. kasi naman bakit niya yun sinabi kay Ate Jave.

“Oo nga naman. Anong pake ko.. kailangang pumunta na ako sa selebrasyon, madaming naghihintay sakin—“
“Sigurado ako na hindi na babalik si Gavin.” Nagulat ako nung bigla na naming nagsalita si Nadiel. Anong gusto niyang palabasin sa sinabi niya?


“..ang expression ng mukha niya nung isang araw. Siguradong hindi na nga siya babalik. Tama ako Arkin diba?” tumingin siya sakin pero seryoso ang tingin niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami. “Mauna na kami. Kailangan na mahuli ang may kaarawan.” Iniwan naman namin si Ate Jave na nakatayo dun.


Madami ng tao. Nung makita ko pa nga yung mga pagkain, nakaramdam ako ng gutom. Uhhh..

“Pwede na bang kumain?” bulong ko kay Nadiel.

Nakakunot-noo siyang tumingin sakin. “Patay gutom ka talaga!”

Nagpout lang ako.

Naghintay ako gaya ng ibang tao. Si Nadiel mahinahon lang na umiinom ng wine. Dahil nainip naman ako sinubukan ko na ring uminom ng wine pero—


“Pasensya na po sa paghihintay. Pero hindi na po makakarating sila Miss Jave at Sir Gavin. Ipagpatuloy na lang po natin ang celebration.” Nagtaka ako dun sa sinabi ng speaker. Tumingin ako kay Nadiel at nakita kong nagha-half smile siya.

Agad ko siyang kinulbit.

“Ano yun?”

“Tss. Di mo gets? Sinusundan na siya ng Ate ko.”
 agad akong napatayo pagkasabi niya nun. At aalis--

“Saan ka pupunta?”

“Susunod! Kailangan malaman ko kung maabutan ba ni Ate Jave si Gavin! Tara!” hawak ko pa ang dress ko at ready na akong tumakbo.

Pero lumapit lang siya at inakbayan ako.

“Hayaan na lang nga natin sila at kumain na lang tayo. Gutom na ako.” pero hindi naman kami pumunta dun sa hilera ng mga pagkain.

“Lagpas na tayo oh!” tinuro ko pa yung mga pagkain. Pero mas hinigpitan lang niya yung pagkakaakbay sakin.


“May sarili tayong candle light sa loob!” (0.O  )

Chapter 94


Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na café. Gutom na rin kasi ako pero libre niya ito. Kung nagtataka kayo kung bakit kami nagkasalubong, dahil yun sa hinahanap niya ako.

“Taguan pala ang drama mo ngayon..” nagpray style ako para makiusap.

“Please naman, wag mong sabihin kay Nadiel ang tungkol dito.” Sumubo naman ako ng isang cake pagkatapos makiusap. Alam ko naman kasing susundin niya ako.

“Bakit mo ba siya tinataguan?”

“Mahabang kwento..”

“Wag mong sabihing hindi pa kayo nagkakaayos kahit wala na si Lei lan.” napatigil ako sa pagkain.

“Ayos na nga kami e.”

“Yun pala e—“ bigla kong sinubo sa kanya yung kutsara ko na may lamang cake.

“Vjddfsdmv. *lunok* Bakit mo ginawa yun?”

“Ang daldal mo kasi—“ napatigil ako nung makita ko si Nadiel sa may pintuan nung café. Nagkatinginan kami. Yung expression ng mukha niya—

“Ano ito Gavin!” pasigaw kong sabi sabay tayo. Inayos ko na mga gamit ko.

Pero pinigilan niya ako. “I’m sorry Arkin, pero..” agad kong binawi ang kamay ko at iniwasan siya.

Nung magkasalubong naman kami ni Nadiel, agad ko siyang iniwasan. At gaya ng inaasahan ko sinundan niya ako.

“Arkin!!!” hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ko napansing tumulo na pala ang mga luha ko. Agad kong nilagay ang braso ko sa mukha ko para takluban ang mga mata kong lumuluha. *sob*

“I’m sorry..”

“Arkin! Nadiel!”

“b-Bitawan mo nga a-ako!..” hindi ako makapagsalita. Naiinis ako sa kanya!

“Bakit ka na naman ba umiiwas!” mas lalo lang akong naiyak nung tanungin niya yun.

Kaya agad kong binawi ang kamay ko at tiningnan siya sa mga mata.

“Hindi mo ba nakikitang masyadong komplikado ang lahat!



..hindi tayo pwede sa isa’t isa..” tumalikod ako nun pagkatapos.


Pero bago pa ako makalayo. May isang sasakyan na tumigil sa harapan namin.

Bumaba yung sakay at nagulat kami nung makita siya.

“Ate..” ngumiti siya pero malungkot ang mga mata niya.

“Don’t worry Nadiel and Arkin.. I’ll make sure na maaayos ko ang lahat. Wag na kayong mag-alala.. nakaisip na ako ng paraan para hindi tumutol si mama.”

Hindi ko alam ang ibig sabihin ni Ate Jave nung oras na yun.

Ang hindi ko alam.. si Gavin pala ang mas lalong masasaktan.

“Gavin, salamat ah at pina-stay mo kami ngayong gabi sa condo mo.” Naririnig kong nag-uusap sila Nadiel at Gavin. Pero nandito ako sa may balcony at nakatingin sa labas. Wala talaga akong naiintindihan sa mga sinabi ni Ate Jave..

Paano naman niya gagawin yun? Eh galit nga samin si Mrs. Fortalejo.. :’(


“uy.” Nagulat ako nung bigla niya akong nipoke.

“Asan si Gavin?”

“Masyado kasing malalim ang iniisip mo kaya hindi mo na napansing nakaalis siya.” Nanigaw ako nung sinabi niya yun. feeling kotuloy kahit malamig at gabi, e biglang uminit!

“I-ibig sabihin! t-Tayong dalwa lang..” lumayo ako.

Pero bigla niya akong hinigit kaya napayakap ako sa kanya.

“Ah—“

“namiss ko ito.” Yung pagtibok ng puso ni Nadiel. Gaya din kung paano tumibok ang puso ko. ang sarap sa feelibg.. nayakap ko ulit siya.

Pero.. hindi naman kami pwede—


“Palagi kitang nakikita noon. Inis na inis ako sainyo ni Bret. Tss.. mga teenager! Nakakainis! Kung mainlove kayo sa isa’t isa.. akala niyo kayo na talaga. Ang saya saya mo lagi. Pag siya ang kasama mo.. parang wala ng bukas para maging masaya ka. Inis na inis ako sa inyo..


At nung makita kita nung araw na yun na galit na galit..” hindi ko man maintindihan ang mga sinasabi niya, basta ang mahalaga yakap ko siya.

Baka kasi bukas.. malaman ko wala na siya sakin.


“..nalaman ko na Gusto pala kita.”

Magkatabi kaming natulog ni Nadiel sa iisang kama ni Gavin.


Kinabukasan din, bumalik kami sa mansion nila. At nagtaka kami sa mga nagkalat na maids. Dun pa lang sa garden nila, madami ng inaayos. May mga nilalagay na tables at kung ano anu.. Nagkakatinginan na lang kaming dalwa sa bawat makita namin.

“Manang, ano pong nangyayari?” hindi na ako nakapagpigil na magtanong habang si Nadiel ay naglalakad na pataas papuntang office ng mama niya.

“Hindi ninyo pa po ba alam na nalalapit na ang kaarawan ni Mam Jave at ni Sir Gavin.” Nagkinang ang mga mata ko nung malaman yun..



“..at isasabay na rin po ang pagpayag ni Mam Jave na maging isang tunay na anak Fortalejo.” (0oO  )


Except for that.


Nung marinig ko yun. hindi agad ako nakakibo. Unti unting nabuo lahat ng nalalaman ko.. step-sister si Ate Jave. Hindi sila magkadugo ni Gavin. May relasyon sila noon, at mahal pa rin ni Gavin si Ate Jave. Ngayon.. kung papayag ng maging Fortalejo si Ate Jave.. magiging.. Magiging tunay na magpinsan na sila ni Gavin..

At siguradong masasaktan si Gavin.


Ito lang ba ang paraan para mapatawad na kami ni Nadiel?..

Chapter 93


“Good Eve po.” Bati ko naman.

“Ma.. kailan pa kayo bumalik?” napatingin ako kay Nadiel. Talaga itong taong ito, di man lang batiin muna ang mama niya diba.

“Mabuti na lang magkasama kayong bumalik.”

Ngiting ngiti naman ako. dapat nga magsasalita ako— “..may gusto rin akong sabihin kay ms. Ramirez.”

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero kinabahan ako. Bakit.. parang seryoso ata ang sasabihin sakin ni Mrs. Fortalejo. Hindi man lang niya pinansin si Nadiel. May nangyari kaya? Mukhang badtrip ata ang mama ni Nadiel.

“Sige na, sumunod ka na kay mama. Hihintayin na lang kita sa kwarto.” Tumango ako.


Pumunta ako sa office ni mrs. Fortalejo.  At habang papalapit ako ng papalapit, mas nararamdaman ko yung pintig ng puso ko. Bakit!? Bakit parang may hindi magandang mangyayari?

“Halika maupo ka.” Naupo naman ako.

Inalok niya ako ng kahit na anong maiinom pero hindi ako humingi. Bagkus mas gusto kong malaman ang gusto niyang sabihin at bakit.. ako lang ang gusto niyang makausap.

“Mahal mo ba ang anak ko?” kahit kabado ako.. Masaya akong sumagot ng..

“Opo. Sobra.”

Kung alam lang ni mrs. Fortalejo na marami kaming pinagdaanan ni Nadiel, sigurado na magiging masaya siya para samin. Napakaswerte ko na gusto rin ako ni mrs. Fotalejo para sa anak niya.


“Kung ganon layuan mo na ang anak ko.”


(0.O  )


Tama ba ang narinig ko? thump.. thump..


Hindi ako makapagsalita, lalo na nung umiwas ng tingin si mrs. Fortalejo. “Gusto kong layuan mo na si Nadiel.” iling ako ng iling. Ano ito!? Bakit niya ito sinasabi?

Bakit! Bakit naiiyak ako..

“Nag-b-biro lang naman po—“

“Ayoko ng nakikitang magkasama kayo. Tigilan niyo na ang larong ito.” hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. bakit! Bakit sinasabi ito ni mrs. Fortalejo. Diba dapat natutuwa siya!..

“p-Pero hindi naman po kami naglalaro. Mahal po namin ang isa’t--“

“Tama na! ayoko ng naririnig ang mga salitang yan! Alam ko na ang totoo..


Hindi talaga kayo.” gusto kong magpaliwanag pero may mga sinabi si mrs. Fortalejo para tumigil na ako.


‘Mali ang pagpili ko sayo. Hindi ikaw ang nararapat sa anak ko..’


Ang huling salitang yun ang pinakamasakit. Iyak pa rin ako ng iyak habang bumababa ng hagdan. Naramdaman ko na lang na nagtext siya.. dahan dahan kong binasa ang message niya.

From: Nadiel
Matagal ka pa ba?

Napakagat ako ng labi. Shet! Ang sakit sakit! Lalo na at hinihintay pala niya ako. paano kosasabihin sa kanya na wala na kami. Na hindi kami pwede.. ayoko. Ayoko talaga! Bakit ganon.. bakit kung kelan ang saya saya na namin..

From: Nadiel
Basta hihintayin kita dito sa kwarto ko. Gusto kong malaman ang mga sinabi ni mama.


Tuwing maaalala ko ang mga sinabi ng mama niya.. *sob*


‘Nalaman ko ang mga pinaggagagawa ni Nadiel. Nalaman ko na marami siyang naging girlfriend. Matagal ko na naman alam yun, pero hindi ko akalain na pati sa harap ko magagawa niyang magloko. Sinabi niya na magkasintahan kayo kahit.. hindi naman talaga totoo. Nagsinungalin kayo sa harap ko. Nagawa mong magsinungalin..’


*sob* Tama ang mama ni Nadiel.. hindi lang si Nadiel nagsinungalin. Pati ako. ako na pinagkakatiwalaan ni mrs. Fortalejo! *sob* Hindi ko akalain na mangyayari ito. Wala akong ideya.. shet hindi ko na talaga alam ang gagawin. Kahit si mrs. Fortalejo.. galit na sakin. *sob*


Buong gabi ako umiyak. Ilang beses ding nagtext at tumawag si Nadiel.. pero kahit isa wala akong sinagot. Siguro nga.. mas mabuting layuan ko na siya.


Hindi ako pumasok ng isang araw kaya naman ngayon ang dami kong hinahabol tapos sinod sunod pa ang mga quizzes. Nakakainis nga e! Ngayon din ako nakaduty sa pool. Ang dami ko talagang ginawa. Kayo ba naming dalwang sunod na araw na absent. Ugh..


“Arkin, may naghahanap sayo.” Napalingon naman ako nung sabihin yun ng kaklase ko.

Tatayo na sana ako ng marinig ko pa ang mga bulungan nila.

“Totoo pa lang talaga na sila?”


Medyo nagtaka ako sa sinabi nila. Parang may kutob ako nab aka si Nadiel yung tinutukoy nila. Kaya naisip ko na imbes na lumabas, sumilip na lamang ako. At tama ako.. si Nadiel nga yung naghahanap sakin.

Nakaleaned siya sa pader habang maya’t mayang tumitingin sa cellphone niya. Kanina pa rin siyang text ng text sakin at tawag ng tawag. Lumingon siya sa pwesto ko, kaya agad akong nagtago. Parang gusto kong maiyak.. sa mga ginagawa ko.. siguradong nasasaktan ko na siya.

Pati sa pag-uwi sinigurado ko na hindi magkukrus ang landas namin. Kaya lingon sa kanan at kaliwa ang drama ko. dun pa nga ako dumadaan sa hindi madalas daanan ng tao.

Mabuti na lang malapit na akong makalabas—

“Ah..” dahil nakatalikod ako. hindi ko nakikita ang dinadaanan ko.. “Sorry!” agad akong lumuhod para kunin ang mga gamit ko.

“Arkin?” tumunghay naman ako dun sa taong tumawag sakin.



“Gavin?”
HTML Comment Box is loading comments...