"Haha! Tingnan mo ang itsura mo! Hahaha!" binitawan nya ang pagkakahawak sa kamay ko at nipoke nya ako sa noo. Bumangon naman sya. "Haha! Umuwi ka na nga at baka bangungutin pa ako sa itsura mo." tiningnan ko sya ng masama.
"Kapal nito! Bakit ano bang itsura ko!?" >:(
"Ga-ni-to!" ginaya nga nya. Pero yung kanya bakit ang cute!!! :'( "Hahaha! Nakakatawa ka talaga kahit kelan!" tawa sya ng tawa. Ang cute nga nya e. Ngayon ko lang sya nakitang tumatawa ng ganyan. Ang sarap tingnan na masaya si Nadiel. :))
Nagulat naman ako nung tumigil sya sa kakatawa. Nginitian nya ako. thump.thump. :o
"Wag ka ng mag-eeffort magtanong about dun huh. Kasi may naaalala ako e. Na ayoko namang alalahanin." tumayo sya. Sumenyas pa sya. "Umuwi ka na. Gabi na oh." pumasok sya sa cr. Dinig na dinig ko pa ang pagbubukas nya ng shower. Magshashower sya :(
Medyo natamaan ako sa sinabi ni Nadiel. Pero kinuha ko narin ang gamit ko at uuwi na ako. Tama nga siguro si Nadiel. Hindi dapat ako nagtatanong ng mga bagay bagay tungkol sa kanya. Alipin lang ako na may malaking pagkakautang sa kanya. :( Ang mga matang yun ni Nadiel ..'Wag ka ng mag-eeffort magtanong about dun huh. Kasi may naaalala ako e. Na ayoko namang alalahanin.' Ang lungkot ng mga mata nya. Na para bang sinasabing 'Ayoko nyan. Ayoko na. Masakit yan. Nasasaktan ako.' Bakit kaya?
Di naman kaya.. :o
Inlove sakin si Nadiel :o 'Hahaha!' Nakuu.. naaalala ko lang ang tawa nya. Napapaisip na akong mali agad yun.
o baka..
Nabroken hearted na sya. First love nya? 5th crush? Childhoodfriend?
Bading talaga sya ::) Aaaaah! Naaalala ko ang first kiss ko! :'(
may ibang gusto ang minamahal nya? :(
o Namatayan sya ng minamahal nya :'( Awts! Ang sakit nun men!
"Okay ka lang ba, kin?" napalingon naman ako sa tumawag sakin. Tumango agad ako.
"Oo naman! Bakit mukha ba akong hindi okay? Ang dami ko na ngang nakakain e." nagkatinginan naman kami ni Bret sa lamesa kong puro mumo.
-Yah! Hindi nga ako okay diba! Depressed ako. Depressed sa sobrang pag-iisip sa reason sa mga malulungkot ng mga magagandang pang-anime na nakakahypnotize na mata ni Nadiel. Ang lalim na nga ng iniisip ko. Di ko na mareach. ::)
"Guys! Ready!!?" tumayo naman kami ni Bret. Hinawakan nya ang kamay ko. Dumating naman yung bus. At naghiyawan silang lahat. ??? Nasaan kaya ang Nadiel na yun?
"Nadiel, tabi tayo?" hayun sya. Ah? ??? Kausap nya yung Lei Lan.
"Sorry, Lei Lan. Pero I prefer na mas gusto kang makatabi ng bestfriend mo, Jewel!" tumingin na ako kay Bret. Pumasok na kasi kaming bus.
Sa may gitna kami. Private bus naman kasi to kaya medyo maliit lang. Nakatuon agad ang ulo ni Bret sa bintana. I think napuyat sya. This past few days kasi may ginawa silang project sa thesis. Hayy.. problema talaga yang thesis kahit nung 4th year ako. Kaya kinuha ko ang ulo nya at ipinatong sa balikat ko.
"Thanks." ngumiti naman ako. Ayii~ ang bango naman ng Bret ko. Ang tagal ko na ding hindi nagagawa sa kanya to.
"Wow. How sweet!?" may humiyaw na lalaki. Kaya medyo nailang si Bret. Tapos dumaan naman si Nadiel. ??? Hindi sya tumitingin. Pero alam kong nakikita nya ako. Hmf!
Umandar naman yung bus at lahat ay naghiyawan. Kitang kita ko sa part ko sina Lei Lan na malapit lang kila Nadiel. Medyo di lang ako makatingin masyado kasi natutulog sa balikat ko si Bret. E mukhang interesting pa naman ng mga nangyayari.
I dare you ???
"Kiss the guy you like!" naghiyawan naman sila. Nakatingin lang si Ms. Lei lan kay Nadiel.







