1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 1

Naglalakad ako ngayon. Sinisipa ang bawat bagay sa lupa. Naiinis ako. Naiinis ako! Hindi na naman kasi ako sinipot ng bf ko sa nasabing lugar. Kainis.
Pero sinong mag-aakalang ang isang 4th year student na gaya ko na parang laging walang pakealam sa paligid nya. Ay malaki pala ang pakealam sa taong minamahal nya. Mas mahalaga pa ang taong yun sa mga magulang ko. Ganyan ako katanga. Alam ko. Pero nasabi ko na ba na SOBRANG GWAPO NG BF KO. Modelo kasi sya, at pangarap talaga nyang maging isang sikat na modelo. Sikat sya. Sakin, sa mga kaibigan ko, at sa pamilya ko. Oo na aaminin ko na. Hindi pa sya ganong kasikat. Gwapo naman sya e. Pero hindi yung tipong maaamaze ka kaagad. Kasi, una sa lahat. Konti pa lang ang alam nya. Nagsisimula pa lang sya sa pag-aaral nya. College na sya. Pangalwa, hindi sya maappeal kasi sya yung tipong mahiyain. At ayaw nya na palaging nagpapakita sa tao. Pangatlo, kabado sya. Kaya noon parang bodyguard na nya ako. Gusto nya lagi akong nasa tabi nya.Noon yun. Kasi nga, college na sya. Hayaan na. 1 month na lang at gagraduate na ako. Ganyan kabilis ang araw. Gagraduate na ako. Ayi~ at pagkatapos nun. Papasok din ako sa school na pinapasukan nya. Kahit na hindi ganon kadali sakin kasi hindi naman kami kasing yaman ng pamilya nya. Pero pwede ko namang gamiting ang sports scholarship ko. Ang pagsuswimming. I can be a coach. Hindi ako matalino at masipag. Pero madami na akong medalya at trophy na napanalunan. Bukod pa dun.. madami yatang school ang gustong kunin ang isang Arkin Ramirez.

PAK!

pero maalala ko. Galit nga pala ako. Friends for life kami. Simula ng luminaw ang mata ko, mukha na ata nya ang nasilayan ko. Lumaki kaming sabay. Lahat ng tungkol sa kanya, alam ko. Tapos pagkabirthday ko ng 14 malalaman ko na may malaking pagkagusto pala sya sakin. Kaya naman heto akong si tanga ULI sinagot sya at hindi na pinagbigyan magpaligaw. Sobrang gwapo kasi. Dun ko lang din nalaman na kahit looser sya, winner na winner parin ako pagdating sa kanya. Eh ang GWAPO E! At binuhos ang buong buong ko LAMANG sa kanya! Nakalimutan ko na ngang may mga magulang ako. Sa loob ng 2 years, ginawa ko ang lahat sa kanya.
Tapos ngayong nag-aaral na sya ng pagmomodelo ngayong kolehiyo. Nawalan na sya ng oras sakin.

"HM!" tumigil ako sa paglalakad. At lumingon lingon sa paligid.
LIMA! 5 beses na nya akong dinededma! Bakit?! Bakit pagmay kailangan sya ginagawa ko agad! Pero sya. 5 beses lang ako humingi pero hindi man lang nya ako pagbigyan. Makipagkita sya sakin! Pero ano! PALAGI SYANG BUSY.

binato ko yung malaking bato. Di kamao ni Pakman! >:(
Nagagalit parin ako. Ngayong ko lang nalaman, na nabulag pala ako ng kagwapuhan nya! Ako na kasi ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa at nakikita ko yung mga ngiti nya. Na lalong nagpapagwapo sa kanya. Siguro iniisip nya na madali lang ako. Kasi naaamaze ako lagi sa kagwapuhan nya. Sinasamantala nya ang kabaitan ko kasi gwapong gwapo ako sa kanya. Di man halata noon, ngayon, alam ko na na ganito pala ang ginagawa nya sakin.
Ilalapit lang nya ang mukha nya sakin, napapatawad ko na sya. Kasi nga gwapo sya. Hindi yun alam ng lahat kasi sakin lang sya nagmamakapal ng mukha.

"WAAAAH! GALIT NA AKO SAYO BRET LACSON!!!" kinuha ko yung batong kasing laki ng ulo ko at binato kung saan. Hingal na hingal ako sa pagbato.



TING!




BOOOOOOOOOOOGGGGGGGGGSSSSHHHHHHHhhhh!!!

"Weh? Ganon kalakas!?" nanlaki naman ang mata ko ng makitang ang laki ng butas ng bintana ng isang :o :o



SPORTS CAR!!!? :o

Oh my! Sinong tangang nagpark ng sports car sa ganitong lugar! :o
Butas!? Wahhhhh! Nabasag ko ang bintana. Bukod pa dun. Butas pa. 2 beses ng ulo ko. Waaaaaaah!!! Malas malas! Nag-eemote na nga ako. Dinagdagan pa ng problema ang problema ko. Ayos na yung kanina e, wag lang pera! Waaaaaah! Wala naman kasi kaming pera! Sigurado mahal yun! :'(

"Bye Nadiel!! Love you!?"

Hindi! Hindi! Arkin! Bakit hindi ka pa umaalis sa tayo mo! Kapag may taong nakakita sayo. Mapagbibintangan kang bumasag ng salamin ng sports car kasi! Ngayon ko lang napansin na! AKO LANG PALA ANG TAO DITO SA LABAS!

"Bye babe!" may tao!!! :o
Kinindatan nya ako. Ang GWAPO!!! "Hi cute highschool girl!" pupunta sya sa sports car. Ito na ang pagkakataon mo!





"Hm.---OHMYGOD MY CARRRR!!! ANONG GINAWA MO SA KOTSE KO!!!" FLASH! Kailangan ko ng kapangyarihan ni Flash! "WAAAAAAAAAaaaaah! Ang laptop ko. THE FUCCCCCCK!!!”
HTML Comment Box is loading comments...