1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 2

Waaaaaaaaah!!! Hindi ko na kaya ang kahihiyan!!!

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay. Eksakto! Nakahara pa si mama! Argh! Agaw eksena! Kaya ang ginawa ko agad kong nilock ang gate, ang pinto. Lahat ng pwedeng malock. Medyo malapit lang kasi ang bahay namin sa pinangyarihan. Kaya agad akong pumunta sa kwarto at nagpalit ng damit. Daig ko pa ang pumatay ng tao. Pero papatayin ako nina mama at papa kung malalaman nilang may MALAKI AKONG UTANG! Pera kasi! Mas mabuti pa sana kung narape ako e.. ako pa ang papatay!
huhu~ hindi ngayon ang tamang oras para magbiro. Anong gagawin mo Arkin!? Salbahe ka kasi! Kung ano anung naiisip mo sa bf mo. Mabait naman si Bret e. Bakit ka kasi nag-iisip ng masama sa kanya!? Hayan nasumpa ka ng di oras!

huhu~

1 hour >wala parin yung mga pulis.
30 minutes again >nakamulaga parin ako sa bintana ko.
1 hour naman >nababagot na pala ako.
15 minutes uli >pikit na mata ko.
10 minutes >hayun. Yakap ko na si hugdog.

Masarap ang gising ko. 2 araw akong nakakulong sa bahay. Yun parin kasi ang iniisip ko. Kaya naman siguro pwede na akong lumabas. Atsaka hindi ko karakter ang magkulong sa bahay. Ang boring. Papatayin ako ng kaboringan. Agh!

Kaya heto ako, pupunta sa supermarket. Peborit tambayan! Bakit!? Kasi madaming pagkain. Atsaka nandito ang peborit kong korean noodles. Ang sarap nun diba!? :D


"Na.Na.Na."

"Ano ba!? Ang careless careless nyo kasi, tandang tanda nyo na. Anong gagawin nyo dito!? Ang lansa lansa ko na! Grrr!~" napatingin naman ako sa babaeng sigaw ng sigaw.

"Pasensya ka na Hija. Ibibili na lang kita ng damit mo." at isang matandang babaeng hihingi hingi ng tawad.

"Ibibili!? Sandali!? Alam nyo ba na worth of 10,000 tong dress ko!?" dress? Magsusupermarket na lamang nakadress pa. Eh hindi naman to mall.

"Heto hija, babayaran ko na lamang--" tapos sinampal nung babae yung kamay nung matanda. Nalaglag ang cheke. :o >:(

"Ano ba!!? Pinamumukha nyo ba sakin kung gaano ako kacheap. Papupulis--" hinarangan ko naman yung matanda. Pumagitna ako sa kanila.

"Papupulis!? Huwaw! Ang OA mo naman. OVER SA ARTE!!!" nilapit ko ang mukha nya.

Tapos tinulak naman nya ako. "Hey you Epal. Alam mo ba ang nangyari. Wala kang karapatang pagsabihan ako nyan. Dahil sa MATANDAng yan!? Kaya ako nag-aamoy malansa!" tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Ang BAHO mo nga e!!" nagulat sya sa sinabi ko. "Atsaka! Wala ka na bang kahihiyan sa mukha!? Pati matanda pinapatulan mo. Eh kahit naman hindi ka nasagi ng taong to, malansa parin ang mukha mo!!" aakma naman syang sasampalin ako nang makarinig kami ng pito dahil may paparating na guard.

"You'll be dead." at agad silang tumakbo.

"Nakuu.." agad ko namang kinuha ang gamit nung matanda at hinawakan ang kamay nya. At tumakbo naman kami.

At salamat dahil may himala pa. Hindi naman kami nahuli ng guard.

"Pasensya na po talaga at kinailangan nyo pang tumakbo kasama ko." hingal na hingal kami. "Halika na po. Ihahatid ko na kayo sa sakayan.-" tumigil naman sya.

"Thank you." ngumiti din naman ako.

"Wala po yun. Ginawa ko lang po ang tama. Ang babaeng mukha bisugong yun. Ang kapal ng mukha. Hindi yata naturuan ng tama. Hindi man lang marunong gumalang." hinawakan nya ang kamay ko. ??? At..

"Ano po.."

"Pumunta ka sa address na yan ngayong lunes." tiningnan ko naman yung papel na mukhang calling card.

"Bakit po?" may itim na sasakyan ang tumigil sa harap namin.

"Inaasahan kita. Sige." agad naman akong tumakbo.

"Ang gamit nyo po." ngumiti naman sya. At pumasok na sa kotse.



Isang mercedez benz. ???

Sigurado naman na mayaman ang matandang yun. Okay na sya. Magiging okay na sya. At ang address na'to. Para saan kaya to!? Pupunta naman kaya ako.




WAAAAAAAAAAAH!!!


"Nakalimutan ko ang bumili ng korean noodles. :(" agh. Panigurado. Patay naman ako pagbumalik pa ako sa supermarket na yun.


Kaya uuwi na lang ako.
HTML Comment Box is loading comments...