"I-turn off mo ang tv.. kung hindi ka manonood." binitawan naman nya ako.Hay.. ang takot ko dun. Akala ko kung ano na namang mangyayari. Nakakaloka talaga yung lalaking yun. Atsaka.. manonood pa naman ako ng tv ah. Makabalik na nga dun. Ang ganda pa naman ng palabas. ??? Tapos iyan na naman sya eepal epal.
Humiga sya sa kama na inuupuan ko naman. Hindi ko sya tinitingnan. Pero bakit ako nadidistract! I mean.. naiilang ako!
"Pwede na ba akong umuwi?!"
"Hindi!" nilipat naman nya sa ibang channel.
"Hey! Bakit mo nilipat!?"
"Gusto mo ng umuwi diba?"
"So pauuwiin mo na ako?" ngumiti naman ako. Nilipat nya uli ng channel. Tapos nilipat ko naman sa channel ko. Kaya tiningnan nya ako ng masama.
"Hindi pa nga pwede! Kailangan ko pang pasagutin yung 3 kong gf. Tatawagan pa nila ako!" ngumiti naman sya. >:(
"Sino naman ang tangang babaeng sasagutin kaagad dahil lang sa isang bulaklak!?" nakakainis to oh!
"Mga ex gf's ko! At correction! Not just a flower! It's expensive!" hmf! "Hey! Nicole right? So what is it? Did you like the flowers my maid gave to you?" kausap nya sa phone, Nicole ang name.
"Maid!?" pabulong kong sigaw. So yung Nicole pa lang ang tumatawag sa kanya. At mukha namang nag-eenjoy sya kausap to. "Bakit ba kayong mga playboy gustong gustong madaming girlfriends?" bulong ko uli. Nakakainis kasi. Yung mga ngiti nya akala mo kung sinong kinikilig pero ang totoo tuwang tuwa siya na may mapapasagot na naman syang babae. Kawawa naman yung mga girls na mauuto nya. Magaganda pa. Sinasayang lang nya. Napakaimpokrito nya talaga! >:(
"Thanks. Alright, I'll see you then. Bye." hmf! Anong oras pa ako dito!? Ayoko ng makarinig ng kahit na anong pambobolang galing sa kanya!
"Pinipili ko lang ang mga babaeng pinaglalaruan ko." napatingin naman ako sa kanya. Seryoso ang mukha nya. thump.thump. Ayokong tumingin! :-[
"Ano bang sinasabi mo!?" narinig ba nya yung binubulong ko kanina.
"I courted them cause they love Nadiel. They love me because I'm Nadiel. And not for who I am." pinilit ko paring tingnan sya. Kahit na mahina ako dun. At.. nakikita ko na sincere sya sa sinasabi nya.
Nagkatinginan kami. Walang umimik. Nakatingin lang basta kami sa isa't isa. Pero dahil naiilang ako, sa iba ako tumitingin. Sa labi nya. Oops! :[ Sa mata nya. Aaah! Ayoko! Bakit naman kasi ang talas ng mga tingin nya. Kaya para madistract nasabi ko ang mga salitang yun.
"At hindi nila alam na bading ka.." nagulat din ako nung sabihin ko yun.
Nanlaki ang mata nyang maningkit ningkit. At namumula sya.
"Ano!? Ako bakla!!? At kailan pa!!!" ang cute naman nya. Parang bata lang na galit na galit na pero walang magawa.
"Naiintindihan kita Nadiel. Alam ko na ang ibig sabihin mo. Tama ka nga. Hindi ka nila nagawang mahalin kahit nasabi mo ng bading ka. Nadiel.. kahit masama pala ang ugali mo. May mga rison bihaynd op it!" naiiyak kong sabi. Pero medyo natatawa din. Ang ganda kasi ng reason. Kegwapo gwapo nya pero bading pala sya. Haha! No. No. Kin. Dapat di ka natatawa. Kailangan ni Nadiel ng karamay.
Nakikita kong napatungo si Nadiel. Pinat ko naman ang balikat nya.
"Nadiel?.." nahihiya kaya sya.
"Na..-- AHHHH!!" nagulat na lang ako ng bigla nya akong ihiga. At hawak hawak pa nya ang balikat ko. Nasa ibabaw ko sya.
:o Natakot naman ako nung makitang inis na inis si Nadiel.
"Huy. Bakit ganyan ang itsura mo? Nakakatatakot ka naman. Iniintindi lang naman-- AAAAH!" mas humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Ang sakit. "Nadiel?"
At ang mas nakakagulat. :o :o
Hinalkan nya ako.