Pagpasok ko ng kotse. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Gago din yun magpatawa ah! Nakakaloka. Hahahahahaha! Ang sakit na ng tyan ko! Hahahah! Ang sakit! Naiihi tuloy ako. Ahehm. Ahehm! Now I know, why he don't want me to be his reason. Kasi bading sya!
Bwahahahahahahaha!
"What so funny?" di ko namalayan na dumating na pala sya.
Hmmm. Sayang naman yang magagwapong mukha nya. Ang mapupula nyang labi. Ang matangos nyang ilong. At ang perpekto nyang ngipin. Bukod pa dun, ang maastig nyang herdow! Tapos yung right ear nyang may hikaw. Yung mga porma nya. Tapos.. wow. Ngayon ko lang napansin.
thump.thump.thump. :o
"Ano?!Onga pala. Kay Nadine naman tayo pupunta. Kaya mainip ka lang. Dahil 4 pa sila. Haha! Mukha namang walang masabi si Say. Napanganga lang sya. No bad feelings. But I'm sure. As of now, she's almost crying. Poor girl. I'm sorry. But I have to. Heh." nagsmirk na naman sya. Hmm.. :(
Binawi ko na ang pagtingin sa mga mata nya. Ang pag-oobserve sa physical nya. :( Baka di ko mapigilan.. makalimutan kong may Bret nga pala ako.
"Dyan ka lang uli ah. Heh!" pinanood ko syang lumabas ng kotse. :(
Aww.. Nakakapanghina naman yun! Ang... ang.. Waaaaa :'( Ang mg mata ni Nadiel! Ngayon ko lang napansin na sobrang gwapo nya talaga. Hindi sya tao. Parang syang anime. Ang mga mata nya. Na medyo singkit. Tapos. Maiitim. Na konti lang yung puti. Mas malaki yung itim sa puti. Hmf! Parang mata ni Aloudia na panlalaki nga lang na maangas. Basta parang anime. Na kapag tiningnan mo. Para kang mahihipnotized! Nakakatakot! Eeeeeh! Bakit ngayon ko lang nalaman na mapanganib na tao si Nadiel Fortalejo. :-\
"Natapos na din. Tara! Pupunta naman tayong flower shop." ang bilis. Nakapagbreak na agad sya sa lima nyang gf. At ngayong magkakameron na naman sya ng 3. Ang lalaking to. Sama ng ugali.
Bumaba naman kami.
"Here's my atm card. Pumili ka ng tatlo. Boquet of roses huh. Blue, pink and white. Yung pinakaexpensive at pinakalove ang look. Isipin mo na lang habang bumibili ka. Yung flower na yun ay ibibigay sayo ng bf mo someday. Go ahead!"
Sinunod ko naman ang sinabi nya. ??? Ibibigay ni Bret sakin? Pero pagsinunod ko sya.. pagpumili ako ng flowers na bukal sa puso. Siguradong maiinlove sa kanya yung girl. Kawawa naman yung girl. Ginagawa lang naman nyang decoration. Para masabing lalaki talaga sya. Hayy.. naaawa ako kay Nadiel at dun sa girl. Hmf! Sige na nga. Sundin ko na lamang si Nadiel.
Pagkabalik ko. Ngumiti naman si Nadiel. This time without look ako in his face. Sunod lang ako ng sunod sa mga utos nya. Nang bumalik ang pagkabadmood ko ng makitang papauwi na kami...
sa kanilang bahay! >:(
"Bakit dito!? Baka makita tayo ng mama mo. Isipin pa nya na magkakilala pala tayo!?"
"It's been 3 weeks. Okay lang yun. Ang daming araw ang lumipas. Pwede nating sabihing nagkakilala uli tayo at naalala ang isa't isa. I need your advices related to my playlife." sinamaan ko naman sya ng tingin. Demonyo talaga.
"Basta pagkatapos nito. Hayaan mo muna ako makapagbakasyon ng wala ka! Hmf."
"Hm. Oo ba!" medyo kumirot ang puso ko dun ??? Weirdo! Hmf!
Humiga naman ako sa kama nya. Binuksan ko yung flatscreen nyang tv. Sya naman, nasa banyo at naliligo. Napapahanga din ako sa kanyang kwarto. Mas malaki pa kasi kaysa sa bahay namin. May salas na, may balcony pa. Tapos ang laki laki ng kama. Kasya ang lima! :o Ang sofa ang bongga. Pwede ding gawing kama. Ang laki. Tapos may playstation pa sya dito. Game area. Astig. Ang dami din nyang laptops. 3 magkakapatong. At 10 cellphones n nakadisplay. Hmf! Yaman.
May cabinet naman dun na binuksan ko :o ay dressing room pala. May dalwang set pa ng cabinet na mas malaki pa sakin na puro sapatos lang ang nakalagay. At may lagayan pa ng mga alahas. Ang dami nyang damit. :o Artista ba sya? Daig pa nya e.
"What are you doing here." napabitaw naman ako sa hinahawakan ko.
"I'm so-" agad akong tumalikod.
eeet! :-[ :-[ Ang init ng pakiramdam ko. Nagbablush ako! :o Bakit ang perpekto ng taong to! Bakit ko sya kasama! Natutukso ako! :o
"Hey. Can you pick me some outfit?"
"Huh!? Bakit ako?-"
"Just do!" hmf! Kainis. Tapos iaabot ko pa sa kanya. Hmf. Kumuha na lang ako basta. "Oh hayan!" nakatungo kong inabot sa kanya. Na nakaside view pa. Yung 6 pocket kasi eh :'(
"Ah.. okay. I'll go and wear it. But before that.-"
"Ah!" hinigit naman nya ang kamay ko. At :o ang lapit ko sa kanya. "Anong.."