Pero dahil sa mabait naman si Bret, pinayagan na nya akong isoot yung dress-na bigay ni Nadiel. Kahit na, hindi naman nya alm na galing kay Nadiel. Basta daw makaattend ako, at magkasama kami. Pero sayang din yung dress na binili nya. Pero hindi ko din naman alam na ibibili nya ako. ??? Hindi ko inexpect. Hindi ko man lang naisip na ibibili nya ako ng dress. Tama. Si Bret ang boyfriend ko.:((
"Bret.. tapos na.." pagkalabas ko ng banyo. Nakita ko naman si Jewel na nandun din kasama si Bret.
Nginitian ako ni Jewel. At tumingin naman ako kay Bret. ... (^.^) Nakatingin lang sya sakin. Sa mga mata ko. Then, slowly ngumiti sya. Ngumiti din ako. thump.thump. Parang akong tinutunaw ng mga tingin nya. Gusto ko syang yakapin..
"Bretttt!!!~" tumakbo naman ako papalapit sa kanya at niyakap sya. Mmm.. ang gwapo ng boyfriend ko. Ang bango pa!
"Ang cute mo, Arkin. Kahit na wala ka pang make-up." pinat nya ang ulo ko.
"Ahehm." napatigil naman kami ng marealize na kasama nga pala namin si Jewel.
Nimake-upan ako ni Jewel. Ang galing nya. Bagay sila talagang magkaibigan ni Ms. Lei Lan. Parehas silang magaganda. Sino kayang bf ni Jewel. Ang bait bait nya kasi sakin.
"Done. Look at her, Bret." dahan dahan kong nilingon si Bret. Inabot naman nya ang kamay nya sakin. Tapos magkaholding hands kaming pumunta sa reception hall.
Panay ang tingin ni Bret sakin. Medyo nakakailang pero gusto ko rin syang tingnan. Ang gwapo nya, ang ganda ko. Oh diba, PERFECT :D Mamaya, dumating na din ang partner ni Jewel. Sumunod kami ni Bret.
"Wag kang masyadong maglalalapit sa mga lalaki huh. Magseselos ako." ngumiti naman ako. Ang gwapo naman ni Bret.
Pagbukas ng pinto. Medyo konti pa lang ang mga tao dun. Nandun naman si Ms. Lei Lan. Ang ganda ng soot nya. Talagang ang sexy sexy nya. Lahat sila magaganda at magagwapo. Magaling pumili ng model si Nadiel. May mga tao namang nakakapansin sakin. May ngingiti at meron namang snob. Pero wala akong pake.. kasama ko naman si Bret :D
Kumuha kaming drinks ni Bret. Wine! Waaah! Ang pangarap ko. Gustong gusto ko talagang makainom ng wine. Hindi ko kasi nainom yung wine dati kina Madam dahil kay Nadiel--
*Nagbukas ang pinto*
"Goodevening guys!!!" napatigil ang lahat. Nakatingin lahat kina Nadiel. Mali pala. Kay Nadiel lang. Lahat kami nakatingin sa napakagwapong si Nadiel. Bakit napakagwapo nya!? :-[ Mas gwapo talaga sya kay Bret! Oh my~
Lunok ng laway.
Bakit kumikislap si Nadiel? Bakit ang gwapo gwapo nya talaga! Parang syang prinsipe! NAKAKAGIGIL! :o :-[
"Ang gwapo ni Nadiel. Sana isayaw nya ako."
"Isasayaw nya si Lei Lan, right. Bagay naman sila e. Hahaha."
"Aww. Pero pangarap ko pa rin ang makasayaw ang isang Nadiel Fortalejo."
Naririnig ko ang bulungan nila. Waaaah! Wag! Ayoko ng ganito! Bakit lahat ng tao sa paligid maganda ang tingin kay Nadiel! Mali to! Mali... ayokong maniwala. Masama ang ugali nya. Ayoko sa kanya. Kaya pangit s- thump.thump.
"BRET! Sayaw tayo!" kumapit ako sa braso nya. Ngumiti naman sya at hinawakan naman nya ang kamay ko.
Sumayaw kami ni Bret. Na parang si Cinderella at si Prince Charming. Hindi to ang first time na nakasayaw ko si Bret. Pero ito ang first time na sumayaw ako ng maganda sa paningin nya. Aw! What I mean. Yung mukha talaga akong prinsesa. Ihihm. Buti na lang at kapag kaharap ko si Bret panatag ako. Kalmado. Sya ang nagpapalakas ng loob ko.
"Ang ganda mo talaga, Kin." humigpit naman ang pagkakahawak nya sa baywang ko. Kaya mas kumapit ako sa leeg nya. Para lang kaming nagyayakapan habang nagsasayaw.
"I love you, Bret."
"I know."







