"Ihihm!" hinalkan ko naman ang leeg nya. Ang bango! Ah??? Si Nadiel at si Ms. Lei Lan. Magkausap sila. At.. mukhang sasayaw silang dalwa. :o
"Tara na Kin. It's time for Nadiel and Lei Lan." hinila nya ang kamay ko. Pero sumusulyap sulyap parin ako kina Nadiel at Lei Lan.
"Pupunta lang ako kina Jewel."
"Kakain lang ako." tumango sya. Kumuha naman ako ng mga medyo hindi ko talaga natitikmang pagkain.
At mmm.. ang charap.
Nagulat naman ako ng biglang namatay ang ilaw. Tumingin ako sa tinitingnan ng lahat. May spotlight para lamang kina Nadiel at Lei Lan. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. :( Naalala ko nung kami ni Bret ang nasa dance floor. Para lang talaga kaming teenage couple. Pero sina Nadiel.. wala man silang relasyon. Pero parang full of love sila. Parang.. tunay na prinsesa at prinsipe. :-\
Ang mga mata ni Nadiel, nakatingin lamang sa mga mata ni Ms. Lei Lan. Parang titigil ang oras para lang sa kanilang dalwa. Lahat ng tao dito.. nakatingin.. parang ang layo layo ni Nadiel sakin. :( Nakokonsensya tuloy ako sa mga sinasabi ko sa kanya. Bakit naman kasi ganyan pala si Nadiel sa iba? Hmf!
Lahat ay pumalakpak. Nakahawak ngayon si Nadiel sa may baywang ni Lei Lan. Ngiting ngiti si Lei Lan. At ganon din lahat. Lahat ay masaya para sa kanilang dalwa. Watta PERFECT COUPLE. ::)
"Bret, kukuha lang uli ako." binitawan ko naman ang kamay nya. What I mean is, kukuha uli ako ng pagkain. Ang sarap kasi ng mga pagkain dito. Alam mo yun, appetizer daw e nakakabusog na. mmm..
"Okay! Special announcement!!" may umimik naman pero abala parin ako sa pagpili ng pagkaing hindi ko ba nakakain. Halos lahat naman hindi ko pa natitikman. Hmm.. at talaga huh, balak kong tikman lahat. Yum!
"May special game tayo, THIS NIGHT!" naghiyawan lahat. May nagbulungan pero.. hindi parin naaagaw ang atensyon ko. Tinitikman ko pa kasi ang pagkain. Haha! Hindi makapal ang mukha ko a o baka iniisip nyo nakakahiya na ako dito. Wala naman kasing taong may oras pa para ako'y pansinin. I min, hindi naman talaga ako kapansin pansin.
"This game is called D-A-R-K-K-I-S-S."
*bulungan*
Speaking of kiss, mmm.. yummy talaga tong isang to. Mas masarap pa sa kiss. Kiss? ??? Bakit naman pumasok sa isip ko--
"GAME!!!"
"AHHhhhhh!!!"
"Wah! Bakit nawalan ng ilaw!? Brown out? Block out? Naghihirap na ba ang Hotel na'to!!?" hala.. wala akong makita. Anong gagawin ko!
"Bret!? Brett.." :'( Hala. Nasaan na sila. Bakit wala akong makita? Walang umiimik?
"Arkin!!/Kin!!!" may tumatawag sakin? Dalwa ba sila? Bakit dalwa na ang naririnig ko :'(
"Nadiel!!?" may babae namang nagsalita. Pero may biglang humatak ng braso ko.
"Ah!--HM!!" nagulat na lang ako ng biglang naglapat ang mga labi namin :o :o
It's not just a second. Minutes? Pero.. hindi ko magawang lumayo. Ang mga labi nyang nakalapat saking mga labi. Parang.. parang ayokong matapos yun. Ang mga halik nya. Hinawakan nya ako sa leeg. And it's passionate. :-[
Unti unti nya akong binitawan. Gusto ko pa sanang abutin ang kamay nya. Kaso.. :-\ Wala akong makita.
"WOAAAH!!!" nabuhay ang ilaw.Hinanap ko sya. Pero walang taong malapit sakin. Sino!? Sino ang humalik sakin!? :o
"It's a history! Ang SAYA!"
"Kin?" tumingin ako sa tumawag sakin. Si Bret? :-\
Ang gabing yun. Napakahalaga sakin ng gabing yun. Napamisteryoso man.. Pero hinding hindi ko makakalimutan ang mga oras at sandaling nakahalikan ko ang taong yun. Sino man sya.. pero naging masaya ako nung mga sandaling yun. My Real First Kiss. :)
"Let's go?" nakangiti si Bret. :( Hindi ko naisip, na boyfriend ko parin sya. Pero paano kung hindi si Bret yun? Paano kung, hindi nga sya yun, kahit.. naging masaya ako. :-\