"Goodmorning, Bret!" monday na monday at sya agad ang una kong nakit :D ayi~
"Okay ka na ba? Sabi ni Tita sumakit daw ang tyan mo pagkauwi mo?" nag-init naman ang pakiramdam ko. :-[
"Pati ba naman yun, naikwento pa ni Mama sayo. Grr~" nakakahiya!
"Haha. Heto oh." candy uli.
"Ihihm. Thanks!" nagulat naman ako nung hawakan nya ang pisngi ko.
"I promise. Pagka-anniversary natin, babawi ako. Ng sobra-sobra." tapos nikiss nya ko sa forehead. Ahihm! Ang chwit talaga! :D :D
Naglakad lakad naman kami. Mamaya maya pa naman ang klase nya. At ako.. ::) Medyo 15 mins. na lang at magtatime na ako. Huhu 15 mins. ko lang makakasama ang Bret ko. :'(
"Gusto mo, ihatid na kita sa classroom nyo. Para maaga ka." pinat nya ako sa ulo. At tumango naman ako.
"The f!ck! Stop touching me!!" napatingin naman kami ni Bret.
"Ibibigay mo lang naman ang no. mo. Ang ganda mo kasi. Saan ka ba pupunta? O sasali ka sa Modeling Organization?"
"Pake!? Lubayan nyo nga ako!!"
"Arte mo! Kanina ka pa!"
"Ouch!!"
Nagkatinginan kami ni Bret.
"Bret.." pinat nya uli ako sa ulo.
Lumapit si Bret sa dalwang lalaking yun at sa babaeng minamanyak nung dalwa :P Mukhang nagets ni Bret ang pagtawag ko sa pangalan nya. 'Bret.. help her :'(' insert puppy eyes :D ayi~ ang swerte ko talaga sa bf ko! Gwapo na! Mabait at matapang pa! :D
"Hey, guys anong pinagkakaabalahan natin?" sabay namang napatingin yung dalwang lalaki na walang wala sa level ni Bret. Eh kaya naman pala inaayawan ng babae e. Haha!
"Taga Modeling Organization ka no!?" sumama ang tingin nung 2 lalaki. Ohmy~ baka mapahamak ang Bret ko!
"Iwan nyo na sya."
"Ano bang pakealam mo!!-" umakma naman yung isang guy na susuntukin nya si Bret. Buti na lang at naunahan sya ni Bret. Kaso.. nagkasuntukan na sila.
"Hoy! Lubayan ninyo si Bret! Baka masuntok nyo sya sa mukha.. artistahin pa naman ang mukha nyan!" sigaw ako ng sigaw. Pero parang di naman nila ako naririnig. Anong gagawin ko!?
"Hey, stop!" pinipilit naming awatin sila. Pero wala talagang magagawa ang mga babae sa pagkakataong to. "I said stop!!!-AHHH!!" nakasuntok si Bret :D
Pero.. :o
"Miss!!"
"Anong nangyari!?" tanong ni Bret.
"Wala na kaming kinalaman dyan!" tumakbo naman yung dalwang loko.
"Hoy! Panagutan nyo to!!!" mga letche ang dalwang yun ah. Mukhang natamaan pa naman ang babaeng to sa ulo. Pero mabuti na lang at hindi sa mukha. Sayang kasi.
"You better go to your class. Ako na ang bahala dito." binuhat ni Bret yung babae.
"Ayoko! Sasamahan kita." tumigil sya at tumingin sakit. Natakot ako. Akala ko magagalit sya. Umiiral na naman kasi ang pagkatigas ng aking ulo.Pero..
Hinawakan nya lang ako sa ulo at nginitian.
"Okay! Let's go to the Infirmary!" sumunod ako kay Bret.
Dinala namin yung babae sa infirmary. Eksakto at may nurse. Thanks god. Agad din naman tiningnan ni Ms. nurse ang kondisyon nung babae. Pansin ko lang, bihis na bihis yung babae. Kaya naman nabobosohan e. Ang sexy sexy. Yung gaya lang ni Lei Lan ang nakakapagsoot ng ganyan dito. Pero bagay naman sa kanya. Pero alam mo yun.. daig pa nya ang isang Jewel kung pumorma.
"I think she's okay. Magigising din yan." umalis sya pagkatapos. At speaking of- nagising nga yung girl.
"Aargh! What happened?" hawak nya ang ulo nya.
"Are you ok?" tumingin sya kay Bret. Tapos sakin.. snob >:( SNOB? :o
"Thank you!" :o :o Nagulat naman ako nung niyakap nya si Bret.