1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 23

Hayy.. nakakapagod ang araw na'to! :D


Nakuu.. late na ako sa una kong klase. Kaya heto! Karipas sa takbo. Nakakainis. Nalate naman kasi ang alarm clock ko. Buti na lang pagdating ko, eksaktong dating din ni Prof.


"Okay, Class dismissed."


Dali dali naman akong lumabas. Si Bret! Kailangan kong puntahan si Bret!

"Aray!?" nalaglag ang mga libro ko. Kaya agad ko namang nilimot. At inabot naman din ng taong yun yung iba kong gamit.

Nagulat lang ako ng makita kung sino ang taong yun.

"Hindi ako nagkamali. Sabi na at dito ka nga pumapasok." tinaasan ko sya ng kilay.

"Stalker ba kita?" sosyalin pala ako. At artista pa ang nagiging stalker ko. 8)

Tumawa naman sya. Yung tipo ng mga ngiti na maaamaze ka. E sobra gwapo ba naman ng nasa harap mo at tumatawa pa. Ayi~ ang sarap kurutin :D

"Hindi mo ba talaga ako maalala? Alam ko isang beses lang tayo nagmeet pero.. bakit ikaw hindi ko nalimutan?" nakangiti na lang sya ngayon.

Tinitigan ko sya. At nanlaki ang mata ko ng walang imahe ng lalaki ang lumabas sa breyn ko.

"Siguro fans kita. Pero di talaga kita maalala." nilagpasan ko na sya.

"Kayo ni Nadiel?.." nalaglag ang panga ko kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Anong alam mo samin ni Nadiel?" nanlalaki ang mata ko. Di naman kaya stalker ko nga ang taong to. :o

"Nung gabing yun, nung birthday ni Mrs. Fortalejo. Nakita kong binuhat ka ni Nadiel. Kayo ba?" bumalik ang lahat sakin. Ibig ba nyang sabihin ay yung gabing ngang yun. Nagprocess unti unti ang lahat sa utak ko at medyo natawa ako.

"aaah! Ngayon naaalala ko na! Gavin! Yung pinsan ni Nadiel!" e kaya naman familiar e. Hayy.. kekapal kapal naman ng mukha ko. Lagi na lang. Nakakahiya tuloy! XD ngumiti naman sya. Ayi~ kesarap naman nyang kurutin! "Pasensya ka na huh. Hindi talaga ako magaling sa pag-alaala ng mga tao."

"Okay lang. Siguro magaling lang talaga ako sa pag-alaala sa mga taong minsang nameet ko na." aww.. ngumiti na naman sya. Hmm.. paano kaya yan naging pinsan ni Nadiel. Hmf!

"Salamat nga pala dun sa letter nung graduation ko."

"ah yun ba. Sinabihan kasi kami ni Auntie. Si Nadiel, nakisulat na lang sya kasi busy talaga sy." hmf! Pake ko naman sa taong yun. Mas mabuti pa nga kung hindi yun sumulat e. Err~

"Sige alis na ako." aalis na sana ako. Nang marinig ko ang usap-usapan ng mga babaeng dumaan mismo sa harap namin ni Gavin.

"Sandali, diba sya ang gf?" napatingin ako sa kanila. Nakita ko pang sumulyap sulyap yung isa. Nainis naman ako. Gf!? Ano yun. !? Kaya naman nung di ko na marinig ang pinag-uusapan nila, ako na mismo ang lumapit ng patago.


"Baka narinig nya tayo."

"E kalat na naman e."

"Mukhang malandi kasi yung Heidie. Kawawa naman yung napag-iwanan ng panahon na gf niya." Heidie? Sandali, sya yung babaeng nakilala namin ni Bret na buntot ng buntot kay Bret. Gf? Napag-iwanan ng panahon!? >:(

"Model kasi silang pareho. Kaya syempre kahit sino namang guy, mas pipiliin yung mas sexy at mas maganda. Lalo pa't nilalandi sila." nilalandi? Si Bret at Heidie kaya ang tinutukoy nila.

"Kawawa talaga yung gf. Di nya alam na pagwala sya, nilalandi na ang bf nya. Eh ang gwapo din kaya nung Bret Lacson." napatigil ako sa paglalakad. At binaba ang note na kanina'y pinantataklob ko lang sa mukha ko. Pinanood ko ng umalis yung mga babaeng yun. Tumatawa sila. :(


Si Bret. Kasama nya si Heidie? Si Heidie, nilalandi nya si Bret. Bagay sila? Pero kami ni Bret! At ako? Gf na napag-iwanan ng panahon?


:'(

"Anong meron sa mga babaeng yun?" tumingin ako sa nagsalita. *sob*

"Bakit ka umiiyak?" bakit nga ba ako nasasaktan? Bakit nga ba ayokong may mga babaeng lumalapit kay Bret?

Una si Jewel. Ayoko din tumitingin si Bret sa maganda at sexy'ng si Ms. Lei Lan. At ang huli, ayokong partner sila ni Heidie! :'(


Akin lang si Bret. Di ko sya ipamimigay. :'(


'Di mo naman ako mahal e, bakit di mo ako sinasabihan ng I love you!?
'Basta! Pagnacomplete mo na ang balat ng mga candy, saka ko sasabihin sayo.
'Pwes mangako ka! Akin ka lang!




..at di ka lalapit sa mga babae ng wala ako. :)
Nibroke nya ang promise nya. :'(
HTML Comment Box is loading comments...