toink.toink.toink.
"Manhid ka na ba? Hindi ka man lang ba nasasaktan?" toink. To-- hinuli ko ang kamay nya at ako'y bumangon. Ang kulit nya kasi.
"Bakit ba ang epal epal mo sa buhay ko!? >:( Hindi mo ba nakikitang nagsesenti ako!? Panira ka talaga ng moment!! At ano na namang ginagawa ko sa mansion nyoooo!!!?" tiningnan nya lang ako.
"Ang dami mong nasabi. Alam mo namang wala akong pakealam kahit na ano pa yang gumugulo sa isip mo." ngumingiti ngiti pa sya habang tinetext ang mga gf nya. Ang sama talaga ng ugali nya. >:( Walang pakealam huh! As if naman kailangan ko ng care nya!
Aaaaaagh! >:( Binato ko ang unan sa sahig.
At agad din naman nya akong inutusang limutin yun. Hmf.
"Alam mo. May gf uli ako. At isa syang makata. Naiiba sya sa mga gf's ko. Kaya.. gusto kong ibili mo sya ng libro. Yung maganda. Bukas din, magmimeet kami. Kasama ka!" nanlaki ang mata ko.
"Bakit kasama ako?!" tiningnan nya lang ako.
"Kung nasaan ang amo, nandun din ang alalay." argh! Crap the words. Putek talaga oh. Kahit kailan hindi ko niwish na maging alalay ng demonyo. Hmf!
Bukod pa dun may pinagawa sya sakin. Alam nyo kung ano!? :o Magpitas ng mga orange na roses. Eh ang layo layo nun. Papuntang gate pa yun! Bukod pa dun! Haller! Ang laki laki ng lupa nila. Sad na nga ako. Papagudin pa ako. :'(
2 araw na nga pala kaming walang connection niBret. Oo. Umiiwas ako. Ayaw ko man syang puntahan, hinahanap sya ng mata ko at nagbabakasakaling pupuntahan nya ako. Tampo nga ako sa kanya diba? Pero.. ang galing no. Sinabayan pa ng tadhana. At talagang di ko sya nakikita sa campus. Hmf!
Wala talaga syang pake. Wala akong gagawin. Kahit nilalapitan na ako ni Jewel! Hmf parin ako. Wala akong maririnig tungkol sa kanya. Gusto ko sya mismo ang lalapit! SIYA!!! :-\
Pero kailan nga ba nangyari yun? Diba nga ako ang understanding nyang gf. Na laging anjan pala intidihin xa. :(
Nakakasawa rin pala no. MISS KO NA TALAGA SI BRET! :'(
"Ms. Arkin!" hala at sumabay pa ang kamalasan. Wala na akong upuan. Nalimutan ko. Wala nga ako dibang fwends. :( Malas talaga!
"Ms. Ramirez!" minulat ko ang mata ko. At napangiti ng makitang may anghel sa harap ko. Si Gavin.
"Ayoko mang isipin, pero stalker talaga kita Gavin no." bigla na lang nya akong hinatak.
"Dito ka maupo." ngumiti ako. ??? Bakit ba lagi na lang nya akong sinusundan? "Magkaklase nga pala tayo. Nung una kitang makita sa klase, akala ko kung sino ka lang. Pero tuwing napagmamasdan kita, naalala kong minsan na nga pala tayong nagmeet. Wala rin kasi akong masyadong kaibigan. At talagang.. ayokong nakikisalamuha sa mga tao." pumasok naman si prof.
Hayy.. maling akala na naman. Kailan ko ba itatatak sa isipan ko na si Bret lang ang lalaking bulag sa mundo. Dahil sya lang ang lalaking nagkagusto sakin. Tss. Stalker? Pagtatawanan lang ako ni Nadiel pagsinabi ko sa kanyang napagkamalan kong stalker ang pinsan nyang gwapo.
Papunta nga pala ako ngayon sa Bookstore. Bibili nung sinabi ni Nadiel. Pinili ko ang libro ni Bob-ong since hindi naman yun boring basahin. Atsaka pul op senses. Hindi ako mahilig magbasa, pero pagdating kay Bob-ong, napapabasa ako.
Pumunta na ako sa cashier. At binili ang libro. Aalis na ako. Nang biglang may humatak na naman sakin.
"Gf ka ni Bret diba?" tiningnan ko sila. Aahh. Sila yung mga babaeng naghatid sakin ng rumors.
"Ilang araw na syang di pumapasok sa modelling? Anong nangyari sa kanya?"
"Tama. Palagi pa naman namin syang inaabangan."
"Magaling kasi talaga ang bf mo." patatlong araw na namin tong hindi pagkikita. Paanong?
"Kailan pa?" nagkatinginan sila.
"Ano? Wala kang alam? Padalwang araw na nya to. Nung first day kasi. Half day sya." half day? E nung first day, hindi ako pumasok na maaga.
"Sige! Salamat huh!"
"Wait! Ano ba talagang nangyari--" hindi ko na sila nilingon.