Matapos ang klase. Agad din naman akong tumungo sa address nayun. Ang laki. Ang laki ng gate nila. Hehe. Mukhang mayaman nga yung matandang yun. Astig. Naku! May gwardiya! :o Sigurado hindi ako makakapasok ng basta. Ano namang sasabihin ko? Na ako yung tumulong dun sa matandang- Eh sigurado ba akong ito yung address?
"Bata!?"
"Wah!~ Pasensya na po! Wala naman po akong ginagawa." may pinakita sya saking litrato. Laking gulat ko nang makitang ako ang babaeng yun :o :D
"Wow! Ang ganda ko naman dyan!?" :D :D
"Hinahanap ka ni Mrs. Fortalejo." tinuro ko ang sarili ko.
"Fortalejo!? Ang yaman naman ng ipilyidong yun Kuya. Diba sa Kristine yun, dun sa ABS! Totoo yung apelyido na yun!?" ngumiti sa kuyang guard.
"Oo. Ang kulit mo naman. Sige na pumasok ka na sa loob." pagpasok ko. Nandun pa lang ako sa gate
(o.O )
"GOSH!!~ Nasa Pilipinas pa ba ako!?" pinat ako ng Kuyang guard sa ulo.
"Oo naman."
Pinapasok naman nya ako sa loob. Pagbukas nya ng gate. :o Naamaze ako. Ang ganda. Puros roses ang paligid.
"Diretsuhin mo lang yan. May makikita kang fountain. Hinihintay ka ni Mrs. Fortalejo." kinabahan naman ako sa ngiti nya.
Pero agad ko ding binalik ang sarili ko sa nasa paligid ko. Ang ganda talaga. Meron bang okasyon at kahit gabi na ay kailangan paring may ilaw ang daanan. Ang ganda talaga. Parang yung lugar lang dun sa Romantic Princess. Hindi pala. Etong eto yun.
Ito na yung fountain.. At - :o :o ANG LAKI!!!
Speaking of occasion!? :o BAKIT!?
"Some drinks?"
"Mr. Chen, according to Mrs. Min blah.blah."
"Waiter, wine please."
"Arrange the food their."
"Oh. Mrs. Fortalejo is coming."
Agad naman akong tumalikod at tiningnan ang sarili ko. Nakauniform lang ako. Uniform ng isang hindi kilalang school. Public school. At kailanman! HINDI AKO NAKAATTEND NG GANITONG KAGALANTENG SELEBRASYON SA BUHAY KO!? Puros nakadress! Americana! May mga lawyer. Madami silang nakasuit. Mga taong may matataas ng katayuan sa industriya!? :o
Kahit ayoko! Babanggitin ko ang pangalan ko ng buo. Arkin Ramirez. Anong naisipan mo at pumunta ka sa lugar na'to!!? :o Sosyalan to! At hindi ka nababagay sa mga ganitong event!?
"Oh Who is she?"
"Is Mrs. Fortalejo talking about her?"
"Is she special?"
"What school is that??"
Nakatingin silang lahat sakin. Bakit nila ako pinagtitinginan?! Anong nangyayari!!? Wala akong naririnig!? :o :o :o
"Ms. Ramirez?" natauhan naman ako nang may tumawag sakin. :o -gamit ang mic!
"She is the girl I'm talking about. The girl who saved my life. The girl that even though I look like an old for nothing woman was still there to save me. Let's give her around of applause!" napakunot naman ang noo ko.
"Don't be scared, let me hold your hand?" may lalaking nakasuit din na lumapit sakin at naglahad ng kanyang kamay. Tiningnan ko lang sya ng pinakaweird kong look. Pero.. nakangiti parin sya.
Ayi~ aaminin ko. Ang gwapo nya infairness.
SHH! Nagtataka parin ako kung bakit ako nandito! >:(
Pumunta ako sa may hagdanan ng mansion. Ang laki talaga ng mansion. Pero- ang dami ding tao! Nakakailang! Wala man lang akong kasing age dito debale na lang dito sa guy na humawak sa kamay ko kanina. Ang lambot ng kamay nya infairness! Haha! >:D
"Uhm madam. Sino po ba kayo?" lahat ng tao kumakain na. Ako din. Nakaupo na ako dito at kumakain. Ang mga pagkain nila sineserve ng mga waiter. Di gaya sa baysanan, na nakacater na pero ikaw ang kukuha.
Pero dito. Nasa labas ang chef. At sariwang sariwang niluluto ang mga pagkain. Ang galing. Parang lang sina Jan di at Gu Jun Pyo nung nagdedate. :D
"Remember in the supermarket?" nanlaki naman ang mata ko.
"Hindi nga po. Parang ang bata nyo.. pala.." napatawa naman sya ng konti. At medyo nag-init naman ako. Nakakahiya kasi.
"What's the matter, Gavin?" napatigil naman yung lalaking katabi ko sa paggamit ng cp nyang parang comp. na.
"Auntie, hindi parin po kasi tumatawag si Nadiel. At parang.. wala syang balak pumunta." malungkot ang mukha nung Gavin.
"Don't worry. I'll make sure na makakarating sya." ngumiti naman sya sakin.
Nakalimutan ko pang nasa isang celebration nga pala ako. Tapos kung kumain pa ako. Parang hindi ako kanina.
"Ano po bang meron?" ngumiti sya ng matamis.
"It's my birthday, hija." nalaglag ang panga ko. :o