"Can you please shut your mouth up!?" tumigil naman ako. "Ah. Kaya pala kanina ka pa hindi mapakali nung iniharap ka sakin ni Mama. Cause you're the girl who also broke my car and my laptop. And now! My expensive fone!" nanlaki ang mata ko.
"Pati laptop!?"
"Halika dito!? Pagbabayaran mo ang lahat--" sinubukan nya akong hawakan sa balikat pero agad kong tinapakan ang paa nya.
"Ouch!" tumakbo naman ako. Pero-
"Aray!"
"You can't escape from me." nadapa ako at hawak nya ang paa ko. "Bayaran mo ako!" lumapit sya sakin at hinawak hawakan ako.
"Rape. Rape. Rape!" agad naman nyang tinakluban ang mukha ko.
"Yuck! So gross. Mandiri ka nga. Wala pa sa level mo ang mga babaeng pinipili kong makasama!" tiningnan nya ang dibdib ko.
"Hmmmmm!!!" kakagatin ko na sana sya. Kaso.--
"Nadiel?" dumating yung guy kanina. "Anong ginagawa nyo!?"
"Hmmmm!!!" tulungan mo ko! Agh! As if naririnig ako.
"Wala ka na dun Gavin." nagulat na lang ako ng bigla na lang ako buhatin ni guy utang. Wah! Sa may balikat nya ako! >:( Ano ako bigas!!?
"Ibaba mo ako!!!" gago talaga to. Kaya hinampas ko ang likod nya. Pero hinampas naman nya ang puwit ko!- :o WAH! WAH! Manyak to ah! :[
Hinahampas hampas ko parin sya. Kung ilang beses ko sya hampasin, ganon din ang bilang ng paghampas nya sa puwit ko. Grrr!~ Kaya humalumababa na lang ako. Ang hirap nga e. Ang sakit sa tyan. Feeling ko susuka ako. Pero tuloy tuloy lang sya sa paglalakad. Sa hagdanan. Liko dyan, liko dito. May pinasukan kaming kwarto. Nagulat na lang ako nang basta na lang nya akong ibinagsak sa kama. Ouch--Wow! Ang lambot. Bigas talaga ang tingin nya sakin. Grr~ ang perbi na'to! >:(
Bumangon ako. Pagkatingin ko sa kanya. Nakaupo sya sa sofa na kaharap ko. Ang tayong... :o Nagpatibok ng puso ko. THUMP!
"WAAAAAAAH!!!" binato ko sya ng unan. Pero sinipa lang nya. At ganon parin ang itsura nya. :o
thump.thump.thump.thump.
"Manyak ka bang talaga!?" nakataas kasi yung paa nya sa babasaging lamesa. Tapos nakaupo sya ng lousy sa sofa habang nakabukas naman yung 2 butones ng damit nya!? :o :[
"Wag kang mag-alala. Hindi ko naman tipo ang mga ganyang katawan.." humiga sya. Yung braso nya ang ginawa nyang unan. Ang sexy nga nya. *lunok* Pero nagulat naman ako ng tingnan nya ako sa parte ng katawan ko :o Nangilabot ako!
"Ano ba talagang gusto mo!?" gusto ko ng umalis sa bahay na'to. Papatayin ako ng mga magulang ko! :'(
"Bayaran mo ako!? Sa kotse ko, laptop at cellphone!?" ngayon nakaupo naman sya. Yung siko nakapatong sa tuhod. :o Kita ko nga ang dibdib nya eh :o :[
"Paano!? Hindi naman kami kasing yaman nyo no! Atsaka.. lahat ng yun naman ay hindi ko sinasadya. Atsaka! Nagsori naman ako ah!" tumayo sya.
"Hindi parin sapat yun." nagulat naman ako ng makitang nasa kama na sya. Medyo lumayo naman ako. "Kaya nga.." tapos lumalapit naman sya. Nainis naman ako at napaleaned ako sa pader. Sa dulo ng kama. At- :o Kinorner nya ako. Gamit ang mga bisig nya. :o WAH!
At ang mas nakakagulat! :o Tiningnan nya pa ang katawan ko. Ulo hanggang paa. Tumigil pa sya sa dibdib ko. Kaya hinampas ko naman sya. Agad naman syang lumayo. Nakaupo sya sa harap ko at hinihimas himas ang mukha nya.
"Ang sakit nun huh!" tiningnan ko lang sya ng masama. "Tss. Basta babayaran mo ako. Atsaka.. Qualified ka sa ganong bagay." niyakap ko ang katawan ko.
"Hindi ako papayag!" agad naman akong bumaba ng kama at tumak--
"Hindi ka pwedeng umalis nang hindi ako binabayaran!"
"Aray! Nasasakal ako. Wag mo akong higitin sa uniform ko. Gagamitin ko pa 'to sa natitira kong araw sa grad ko!"
"Ang ingay ingay mo!!"
"Sige na. Babayaran na kita." agad naman akong lumayo. At binigay ang pera ko sa kanya. Lahat. Ang relo ko na bigay pa ng mga kaklase ko nung birthday ko na nagkakahalaga ng 1,000. At.. Hm ??? Wala na pala..
"Ano to. P25 na lang ang pera mo. At relos!? Sa tingin mo saan to aabot! >:(" galit na sya! Nakuu.. anong gagawin ko!
"Dadagdagan ko na lang yan. Atsaka!" kinuha ko ang relo ko at binalik agad sa kanya. "8 na oh." nagkasalubong na yung mga kilay nya.
"Wala akong pake! Dahil malas ka. Kaya bayaran mo na ako!-- ah." nagtaka naman ako nung tumigil sya. At nagulat ako nung papalapit ang kamay nya sa kin. Nagtaklob ako ng katawan. Pero.. Hmm..
"Ito? Mukhang totoong ginto to ah." minulat ko ang mata ko. At agad na sinampal ang kamay nya
.
"Huy! Para saan yun!?"
"Wag! hindi pwede to." kinabahan ako.