1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 6

"Ayaw mo nun. Mas mababawasan ang bayarin mo sakin. Halika nga dito!" bigla na lang nya akong hinigit sa braso.

"Ano ba!!!--" at nagulat ako ng lumapit ang mukha nya sa dibdib ko- :o :o WAAAAAH!! Hmm!!!


"Hehe. Ketems. Memehelen nge te!" nilayo ko ang mukha nya sakin. Ang manyak na'to! >:(

"Kadiri! Bakit mo kinagat ang necklace ko. Yuck! Nagkalaway tuloy!" eeet! Bakit ang init ng pakiramdam ko. Nagbablush pa ata ako. Ang over close nya kasi kanina. Akala ko kung anong gagawin nya! Eet! Eet

"Bakit ba ayaw mong ibigay yan! Mas mukhang mamahalin yan kesa dito sa relo mo!?" nainis ako lalo.

"Kasi BIGAY SAKIN TO NG GWAPO KONG BOYFRIEND!" tinaasan lang nya ako ng kilay.

"Yung bang gwapo mo. E kasing level ng gwapo ko." nilapit na naman nya ang mukha nya. At nilayo ko na naman. >:(

"Hindi! Kasi mas hamak na mas maganda ang karakter nya sayo!" nagtss na naman sya.

"Uh.. mukhang alam ko na kung anong gwapo yan."

"ANO!? At bakit! Nagkita na ba kayo!?" tinaasan na naman nya ako ng kilay.

"Hindi. Pero sa talas ng mga salita mo--" bigla na lang nyang pinisil ang pisngi ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Sige na. Sige na. Dahil ang PANGIT mo. Magiging alipin na lang kita! Since.. lahat naman ng mga iuutos ko sayo ay kakayanin ng katawan mo." tumingin na naman sya sa katawan ko ???

"Alipin! Sa tingin mo papayag ako.--" nagulat ako ng bigla nyang hinigit ang necklace ko. Natanggal yun sa leeg ko.

"Hindi mo to makukuha kung hindi ka magtatrabaho sakin." agad kong inabot sa kamay nyang nakataas pero. Napapalapit lang ako sa kanya.

"Grrr~ Demonyo ka talaga!!" nagsmirk sya! Ugh! Ay gago!-

"Sige na. Babye! May mga pupuntahan pa ako!" putek! Akala nya huh- "Atsaka nga pala, oras na gawan mo ako ng masama. Iblockmail mo ako. Siraan.." pinakita nya ang necklace ko. "..hindi mo na makukuha ang necklace mo na galing sa GWAPO mong boyfriend. Yuck!" nagwalk-out agad sya.



Ah-ARGGGGGGGGGGGGGGGHh!!! Epal talaga sya sa buhay ko!


pero okay lang.. hangga't hindi pa kami nagkikita ni Bret. Wala pa akong dahilan para kunin yung necklace. At hindi pa ako magtatrabaho sa kanya. Hindi lang magtatrabaho. Hindi ko sya makikita. Hindi ko sya maaamoy. Hindi na nya ako hahawakan- Ah! Argh! Naaalala ko tuloy yung times na pinapalo nya ang puwit ko at ... :o ARGH! Ang dibdib ko. >:( >:(

NAKAKAINIS TALAGA ANG LALAKING YUN. >:( Hindi ko narin sya makikita! Hmf!


"Bye, Kin!" kinaway ko naman ang kamay ko. Mukhang nagugutom pa ako. Makakain kaya ng bituka ng manok. mmmm.. yummy!Ah--
 
"HMM! Hah! Ikaw na namang lalaking ka!-" hinampas ko naman sya sa ulo! >:(



"Ouch."(O.O )

"BRET!!!?"

Dinala ko naman si Bret sa infirmary. Ang takot ko nung masakit parin ang ulo nya. Nilagyan ko nga ng yelo. Hinilot. At kung pwede.. kung may gamot lang..

"Okay na ako." paiyak na ako e. Hindi ko kasi alam ang gagawin.

"Bakit ka nga ba nagkaganon? Lalaki?" napatakip ako ng mukha.

"Uh eh.. hehe.. Madami kasi akong mga kalokohang nagawa kaya-" hinawakan naman nya ako sa ulo.

"Basta. Ayokong napapahamak ka. Heto oh." ??? candy na naman?

"Hm. Salamat!" agad ko namang kinain. At tinago ang balat. Panibagong letter. Haha! Ang galing naman ng candy'ng to. May mga sariling letter ang bawat balat.

"Sorry nga pala at hindi na naman ako umattend sa date natin. Hm. Nakakahiya na talaga ako." namumula sya. Mukha sincere naman sya e.

"Okay lang." lumapit ako sa mukha nyang nakatungo. Tumingin naman sya sakin. At..

"Nasaan ang necklace ko?" hinawakan nya ang kamay ko.

Kinabahan naman ako. :o Anong gagawin ko!? Sasabihin ko ba? Pero.. isipin pa nya na hindi ko pinahahalagahan ang bigay nya. Hindi naman diba? Kayo ang husga.

"Nasira kasi e. Kaya nasa jewelry shop. Pinaaayos ko. Mga 1 week after. Ayos na yun." malungkot ang mga ngiti nya. Nagulat naman ako ng hawakan nya ang magkabilang pisngi ko. :o


Tapos niyakap nya ako.

"Gusto kitang hagkan. Ang tagal kasi kitang hindi nakita. Ang tagal kong nagtiis. Pero.. buti na lang at nandito ka na. Yayakapin na lang kita huh. Gusto kong maramdaman na totoong magkasama talaga tayo." I hug him back.

Naiintindihan ko naman e. Hindi pa kami pwedeng maghalikan hangga't hindi pa nakukumpleto yung mga balat ng candy. Hindi ko alam kung anong dahilan nya. Kung anong meron dun sa balat na yun. Pero gaya nga ng sinabi nya. Naniniwala ako. Kaya pahahalagahan ko yung mga balat na yun.

Pagkatapos nun. Umuwi kaming sabay. Holding hands pa kami habang naglalakad. Ngiti pa kami ng ngiti sa isa't isa. HEHE! Akala nya huh, PERO KILIGNESS TO THE BONIENESSESSESS TALAGA AKO :D :D :D


"So ano, pasok na ako?" waaaah! Baka mahalata nya ako! Bakit naman kasi hindi ko mapigilang hindi ngumiti! :D


Bigla naman nya akong hinawakan sa balikat at hinalkan ako sa pisngi :[ Eeeeeh! Hindi yun ang first time! Pero kinikilig ako!


"Sabi ko naman sayo diba, gusto kitang halikan."
HTML Comment Box is loading comments...