Gulong gulo na talaga ako sa mga nangyayari! Kahit saan anggulo kong
tingnan, hindi ko talaga maisip kung ano bang kailangan ni Bret sakin? Hmm..
pero magkaibigan pa naman din kami diba? Kaya siguro ganon siya. Pero? Noong
magbestfriend ba kami naghoholding hands ba kami?? Aghh~ Nananakit ang ulo ko.
Kahit na wala akong alam sa pagrerelasyon nung ideklara kong bf ko na siya, at
least may alam naman ako kung anong nangyayari sa mga mag-ex. Tsk. Nung
highschool kasi ako madaming naging boyfriends ang mga kaklase ko kaya madami
din silang naging ex-boyfriends. At malimit kong nakikita na nag-iiwasan ang mga
taong yun. Diba nga, kaya naghihiwalay ay dahil hindi kayo ang para sa isa’t
isa. Hayy.. wala pa talaga akong sapat na kaalaman sa mga ganitong bagay.
Kahit saan pa din akong pumunta, may mga taong busy sa bawat sulok ng
campus. Hindi kaya dahil ‘to sa Photoshoot.?
Nagsimula naman ang sunod na klase. Nagquiz pa nga kami e, asar lang. 2nd
day pa lang tapos yung quiz about sa mga past lesson nung 1st sem. Edi stock
knowledge. Err~ At nung binalik samin ang mga papel namin.
( o.o) Err~ Nakakahiya ang score na'to.
"Okay for now di ko muna kukunin ang score ninyo. Dahil first meeting
kaya itago niyo na muna yan." natuwa naman lahat. Mabuti na lang at mabait
yung prof. na nakatapat namin. Pero nakakadismaya pa din ang marka ko, talaga
bang may natutunan ako nung 1st sem? Kaya pala 2.75 ang grade ko. Err~
Sunod na class namin sa ThinCom. At sa kasamaang palad strict na baklang
prof. ang napatapat samin. Kahit medyo comedy still strict kaya gising na
gising ang diwa ko.
Nung natapos naman yung klase ko agad akong tumungo sa pool area. Remember
scholar ako dito at nagtuturo ako ng mga nagsuswimming. Nung 1st sem hindi ako
masyadong nagsuswimming dahil sayaw ang p.e. ng mga freshmen. Pero ngayon
mukhang malimit na ata ako sa pool na'to.
Nakakapagod. 2nd day pa lang yan a--
"Ms. Ramirez." napatingin naman ako sa tumawag sakin sabay ayos sa
mga dala dala ko. Si Heidie pala. Ano naman kayang kailangan ng babaeng ito?
"May kailangan ka?" tsk. Isa pa to. Antagal ko na rin hindi
nakakausap pero mainit parin dugo ko dito. First impression, last. Grr~
"Siguro ang saya saya mo na naman no?" tumingin naman ako sa
paligid. Wow hindi ko napansin na kokonti pala ang tao sa part na itong dinaan
ko. Tsk. E kaya pala ang lakas ng loob niyang kausapin ako. Eh andami ko pa
naman dala paano na lang kung sugudin ako nito. Errr~ dirty talaga maglaro ang
bruhang 'to!
"Hindi nga e. Pagod ako! Kaya paano ako magiging masaya?" inayos
ko naman ang dala ko. Arg bakit pa kasi ngayon pa sumugod ang bruhang to.
"Pwede ba alam ko ng ayos na uli kayo ni Bret" this time galit na
siya. Medyo nagulat ako.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy. Pwede ba, makibreak ka na sa
kanya." tuluyan ko ng nabagsak ang gamit ko. Agad naman akong
yumuko.. Pero di ko pa man nakukuha yung gamit ko. "Siguro naman nasanay
ka ng wala siya? Kaya itigil muna ito! Pakawalan mo na si Bret." agad
akong tumayo.
"Eh ang kapal din naman ng mukha mo no--"
"--MAHAL KO SIYA!" bigla na lang niyang sinigaw ito. Namumula siya
sa galit. Napatingin naman ako sa paligid and still wala pa din ganong tao na
dumadaan sa part namin.
“Matagal ko ng gusto si Bret. Simula ng magcollege siya dito palagi ko na
siyang tinitingnan. Ang laki ng pagkagusto ko sa kanya. Na halos baguhin ko ang
pagkatao ko.. tapos malalaman ko na may gf na pala siya." nakinig lang
ako. Ayoko naman talaga makinig dahil napakauseless ng mga sinasabi niya. Pero
dahil sa sinabi niya ulit ang tungkol dun natanto kong parang lahat nga e
plinano niya.
"Hindi mo alam ang mga ginawa ko. Mahal na mahal ko si Bret.. at hindi
ko matanggap na sa isang kagaya mo lang siya napunta!" tiningnan ko lang
siya with 'whatsoever' look. Dapat nga umaalis na ako e. Tsk!
"Mas mahal ko siya. Kaya pwede ba.. pakawalan mo na siya. I don't think
na deserving ka."
"Sige magconfess ka sa kanya. Pagnaging kayo iyong iyo na siya."
kinuha ko ang gamit ko. Aalis na sana ako pero bigla niyang hinigit ang braso
ko. Kaya nalaglag na naman yung gamit ko,
"Napakawala mo talagang kwenta. So ganon lang?! Ganon ganon lang ang
sasabihin mo--" agad kong binawi ang braso ko.
"Problema mo!? Sabi mong pakawalan ko siya. Tapos--"
"NOW THAT YOU SAID THAT IT ONLY PROVES THAT YOU DON’T REALLY LOVE
HIM--" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko na siya. Kasabay
nun ang pag-iyak niya.
"Kung nagmamahal ka talaga, sige nga sabihin mo sakin kung paano
nasusukat ang pagmamahal?" umiiyak si Heidie. Ito ang unang pagkakataon na
pinagbuhatan ko ng kamay ang isang tao. Hindi naman talaga ako affected sa mga
sinasabi niya. Wala na kami ni Bret kaya kung maging sila, okay lang yun
sakin..
Pero ang kwestyunin niya ang pagmamahal ko. Hindi naman ata tama yun.
"Sabihin mo, kung hindi ka dumating sa buhay namin hindi naman kami
magkakaganito e. Kung natuto kang makuntento, hindi ka sana mas
nasasaktan." iyak sya ng iyak. Uhh.. T.T Mukhang napalakas yung
pagkakasampal ko ah. But anyway kinuha ko na yung gamit ko. Aalis na sana ako..
Pero pagkatalikod ko, nakita ko naman si Bret na nakatayo ng di kalayuan
samin. May gulat sa mga mata niya. Mukhang nakita niya lahat..
"What's going on?" Agh. Lagi na lang syang timing. Ako na lang
lagi ang masama pagdumadating siya. Tsk.. nakakapagod ng ipagtanggol ang side
ko. Kaya..
Umalis ako at iniwan sila ng lang sinasabi.
Hindi ko napansin na medyo teary eyed na pala ako. Tsk so all this time
affected pa pala ako. Antanga tanga naman! Bakit ko ba nasabi kay Heidie yun?
Wala na kami ni Bret kaya wala na rin akong pakealam kung maging sila man. Pero
kasi.. *sob* bakit ba niya sinasabi na pakawalan ko na si Bret? Argh bakit ba
ako nagkakaganito--
"Arkin!-" bigla na lang may humigit sakin at hinawakan ang mga
braso ko. *sob* Nagulat naman ako ng makitang si Bret yun. "Bakit ka
umiiyak?" sinubukan kong kumawala pero--
"I'm sorry, nasasaktan na naman kita." dahan dahan niya akong
binatawan. Medyo nagulat naman ako nang i-pat niyang muli ang ulo ko. Ang tagal
na nun.. ngayon ko na lang uli naramdaman. :c
"Hindi ko alam kung ano talagang nangyari senyo ni Heidie. Pero ngayon
yung tungkol satin na lang ang iniisip ko. Kin, namiss kita. Sobra. Kaya gusto
kong bumawi sa mga oras na hindi tayo magkasama. Kung may pagsisihan ako sa
lahat ng nagawa ko sayo, yun ay yung nabalewala kita.." hinawakan niya ang
kamay ko. "..hindi ko kaya na mawala ka Arkin--"
Pero nagulat na lang ako ng may humigit sakin at may yumakap sa leeg ko.
"Aws talaga?" nagulat ako ng marinig ang boses na yun. Kahit si
Bret halatang nagulat.
Binawi din ni Nadiel ang pagkakahawak ni Bret sa kamay ko.
"Pasensya ka na Bret, pero di naman ata ako papayag niyan."
pumunta siya sa una ko at hinarap niya si Bret.
"Sinabi ko na sayo. Oras na pakawalan mo ang isang bagay, hinding hindi
mo na yun mababawi pa." hindi ko na talaga alam ang nangyayari.
"Mr. Pres.?"







