Sembreak ends. Natapos ng ganon ang sembreak na puros Nadiel ang mukhang
nakikita ko. Feeling ko lugi ako sa sembreak na yan. ( -v-) Di ko man
lang naenjoy. E si Nadiel lang naman ang nag-eenjoy e. Flirt dito, flirt dyan.
Bola dito, bola dyan, argh. Di ba siya nauumay sa daily rituals niya. Kasi ako
na mismong personal utoutots niya umay na umay na!
Hindi siya napapagod man flirt..
Second sem pero sobrang busy ang lahat. Nakikita ko na nagdagsaan din ang
iba't ibang mukha ng mga janitors. Dahil pala sa nalalapit na big project ng
MO. May gaganapin silang Photoshoot para sa new magazines na ipapublish nila sa
Manila. At yung kalhati ng mapagbebentahan ay idodonate sa Charity. Lahat ng
university na may Modelling Org ay may mga gagawing gantong events. At ang MO
ng FMU ay Student's Campus ang theme nagagawin. Everyone's looking forward to
it.
"Hey Ms. Kin." Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Nakangiti
siyang nanloloko kaya tiningnan ko siya ng 'sawa ka na sa buhay mo' look.
"Ito talaga, haha. Namiss ko lang yung pagtawag ko sayo ng ganon."
Sige asarin mo pa ako Gavin. Err~ bakit pa kasi ngayon pa ako nagkaperiod!
Hmf..
"Ang galing no, magclassmate ulit tayo. Wah.. Ang boring ng
freshmen." Napatingin naman ako sa kanya. Nagkaklase ang prof naming pero
nagdadaldalan lang kami. Sulitin ang oras! :D
"Speaking of, 3rd year na nga pala si Nadiel diba? Pero di naman ganong
nagkakalayo edad ninyo? Think of it, wala pa nga pala akong alam sa background
mo." Ngumiti na naman siyang nakakaloko. ( -3-) Simula nung araw
nayun, mas nakilala ko pa lalo kung ano ba talagang ugali ni Gavin.
"Hi, I'm Gavin Tae. 17 yrs old. Freshmen, taking up ABCom. You're
classmate in Fili101." Nakapanganglumbaba siya habang sinasabi ito. Pfft-
wahaha kung siguro walang teacher sa harap naming mamatay matay na ako
kakatawa. Lakas ng topak ng katabi ko.
"Nice to meet you." Sabay naman kaming tumawa ng palihim ng hindi
napapansin ng prof. namin. Hahaha. Second sem, wala na nga palang Filipino sa
next year. Mukhang mamimiss kong katabi ang isang 'to a.
"17 yrs old? So mag-eeighteen ka na?" takang taka kong tanong.
Uhh.. lumalakas ang mense ko. T.T
"Yup. Hmm.. I've been in the other country. Kaya late. But don't get me
wrong, it's not because of the lazyness." Ngumiti naman ako.
"At 18 naman siNadiel." Sabi ko ng pabulong pero mukhang narinig
niya.
"You jump to conclusion!" medyonagblushataakosasinabiniya.
Anglakastalagangtopakngisang 'to. Filipino time pero nag-eenglish. Hmf..
Pagkatapos naman ng klase namin. Agad akong dumiretso sa restroom. Nagpalit
akong napkin. Sabi na e anlakas, tumawa kasi ako ng tumawa. Naghugas naman
akong kamay. At paglabas kong banyo..
"Yo!" nakangiti siya. Ang lalaking almost a month kong hindi
nakakausap at nalalapitan.
Sabay kaming umuwi ni Bret. Walang umiimik samin pero base sa obserbasyon ko
mukhang okay naman siya. I mean, parang no big deal lang yung nangyari samin.
Parang gaya ko wala narin siyang pake sa mga nangyari samin noon. Pero
pinagtataka ko kung bakit siya yung unang lumapit. Naisip ko nung una na baka
may kailangan lang siya sakin pero mismong kila mama at papa ko na nalaman na
palagi daw akong kinakamusta ni Bret. Malimit daw pumunta si Bret sa bahay nung
mga sandaling wala naman ako. Lalo na nung sembreak.
Weird. Anong nangyayari? Yan ang unang tanong ko sa isip ko. Ano na naman
kayang kailangan ni Bret? At isa pa 'tong evil playboy na'to,
'Hoy panget bigyan mo nga akong maikling love letter!'
tsk. Bakit ko ba naiisip minsan na nafofall ako sa kaaway kong ito!
Problema ng mundong ibabaw? Nakakabobo naman itong lovelife na'to!
bzzt..
Agad ko namang tiningnan yung nagtext paggising ko.
'Hoy bakit di ka nagreply kagabi?! Di ka na sumusunod sa utos ko a. Patay ka
sakin pagnagkita tayo!'
Napakunot noo naman ako. Talaga bang wala na syang matinong sasabihin at
gagawin. Ang gunggong nayun umagang umaga! Grr~
Pagkatapos kong mag-ayos agad naman akong bumaba at papasok na. Pero di ko
naman inaasahan ang makikita ko.
"Goodmorning! Sabay na tayo." Nakangiti siya.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya.
"Pasensya ka na nga pala kahapon. Hindi nakita nakausap ng maayos.
Musta na ang sembreak? Mukhang naging busy ka." Nakangiti syang tumingin
sakin. Nga nu sabi ni mama na pumupunta siya sa bahay pagwala ako. Tsk ano namn
kayang sinabi ng dalwang yun kay Bret. Asar naman kasi. Bakit kailangan pang
sumabay ni Bret sa pagpasok ko.
bzzt.. bzzt..
Tiningnan ko naman yung phone ko. Nagtext na naman ang demonyong yun.
Binabantaan na naman niya ako. Wala na talaga siyang magawa sa buhay, dagdag
problema! Kailan ba matatapos ang kontrata ko sa mokong nayun! ( -3-)
"Bago na pala ang phone mo." parang may kuryenteng dumaloy sa
katawan ko nung sinabi niya yun. Ewan ko huh pero parang nadejavu ako e. Dati
kasi tinatago ko kay Nadiel yung phone niya pero ngayon, dahan dahan ko namang
tinatago yung cellphone nabigay ni Nadiel. Nu bang problema ko? Eh wala na
naman kami ni Bret e.
"Hehe.” hayy.. ganito pala ang feeling ng mag ex.
Thump.thump.thump. Nabigla naman akong hawakan niya angkamay ko. As in
nanlaki ang mata ko pero siya nakangiti lang. Sandali??? Ano ba talagang
nangyayari?
WALA NG KAMI DIBA?