1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 57


"UHHHH~"


Argh pang 10 hikab q na yun pakagising ko. Nanonood ako ng Johnny Bravo pero kahit nakakatawa hindi man lang ako matawa tawa. (  -.-) Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. As in gising tulog ang drama ko kagabi. Wala man lang akong napanaginipan.

Bzzt..

Nung magvibrate, agad kong tiningnan ang cp ni Nadiel. Pero.. walang text? Yun pala e, yung cp ni Bret ang tumunog. Naggugoodmorning siya. ( -3-) Argh. Bakit ko ba ineexpect na magtetext ang demonyong playboy na yun! >:c Pero.. kahit nilabas ko na yung cellphone ni Bret, bakit nasa cp parin ni Nadiel ako nag eexpect ng text. Arggh..

Bzzzt!

From: üGavin
Message: Sigurado ka ba sa gagawin mo? Sabihin mo kaya kay Nadiel ang tungkol dito.

Napakunot noo naman ako.

To: üGavin
Message: Sinabi ko na sayo na tigilan mo na kami ni Nadiel! >:P

Tinurn-off ko naman yung cp na bigay ni Nadiel at niligay sa ilalim ng unan sa salas. Sa kakapanood ng tv di ko na napansing nakatulog na ako.


"Hi." nagulantang naman ako ng makita ang mukha ni Bret. Naramdaman ko naman ang pag-init ng mga pisngi ko. Bakit ang lapit niya sa mukha? Anong oras pa siya dyan.

"Ah. 4 na pala!" nakita ko ang relo pagkabangon ko. Mukhang iniisip niya na di ako pupunta kaya pinuntahan na lang niya ako sa bahay. Tss..

"Nagpaalam din ako kay Tita at Tito tungkol sa ngayon tapos nabanggit nila na wala nga sila ngayon kaya naisip ko na sunduin ka." napatingin ako sa kanya. So hindi nandito siya dahil dun at hindi dahil nagdududa siya hindi ako pupunta. Ang sarap kong tuktukan. Ang sama ko talaga.. (  -.-)

Pagkatapos kong mag-ayos agad naman kaming umalis ni Bret gamit ang kotse niya. Nagsiseatbelt ako habang naaalala ko pa lahat,  ngayon na lang ulit ako nakasakay dito..  Nahuli ko naman nakatingin si Bret. May guilt sa mga mata niya. Alam na niya siguro ang iniisip ko.. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang sinabi niya.. Ang pinakamalaki pinagsisisihan niya ay nung binalewala niya ako. Hindi niya alam kung gaano kalaki ang ginawa kong pagbabalewala sa idea'ng nahuhulog na ako kay Nadiel. Ginawa ko lahat at tinatak sa isip ko na akala ko lang yun kasi boyfriend ko siya.. pero siya din pala tong gagawa ng mali. Akala ko ako na yung magdadala ng problema.. pero siguro dapat ko ding sabihin sa kanya ang lahat tungkol samin ni Nadiel.

“b-Bakit tayo nandito?” gulat na gulat ako sa nakikita ko. Nasa beach kami, sa beach resort kung saan nung highschool palagi naming pinupuntahan. Kung saan.. natutunan ko siyang mahalin ng sobra. :’c

Napatingin naman ako sa kanya na dumaan sa harap ko. May dala dala siyang mga gamit. Humarap siya sakin. Nakangiti siya.. at alam ninyo yung masakit. Kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.

“Gusto ko nga palang sabihin sayo Kin, salamat. Salamat sa pagpunta. Salamat..” I know he’s trying his best to smile that way. "Sana maging masaya ka ngayon.. kasama ko." dahan dahan siyang tumalikod.

:'c Kitang kita sa mga mata ni Bret na nasasaktan siya. Argh! Kahit ang plano ko ay ang tapusin na ang lahat samin. Napakagat ako sa labi ko habang nakikita syang nag-aayos ng mga gamit. Ang makita sa mga mata niya na mahal na mahal niya ako.. hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

'Sana maging masaya ka..' Maging masaya? Then I think I should.. siya parin si Bret. Kahit nasaktan niya ako still naging masaya naman ako. Kailangan kong ipakita kay Bret na masaya ako.

"Huy!" sinundot ko naman siya sa tagiliran.

"Ah!" napalingon sya sakin. Nagulat sya sa ginawa ko kaya agad akong tumawa.

"wahahaha itsura ng mukha mo! Wahahaha!" namula naman sya. "Hmm.. pero infernes pogi ka parin!" kinindatan ko naman sya.

"Tara upo tayo!" nakatingin ako sa dagat habang nakangiti. Ang ganda parin ng lugar na'to.

"Ah h-Heto!" napatingin naman ako sa kanya. May inaabot siya sakin. Agad ko namang kinuha yun..  isang fruit cake?

"Wow." tiningnan ko siya at nginitian. At agad ko namang tinikman yung fruit cake. Gayang gaya niya yung lasa. Iaanb beses ko lang natikman to pero favorite a favorite ko talaga 'to..

"Binili--"

"Ginawa ko."

"Huh?" nabingi ata ako sa narinig ko.

"Hindi ako magaling magluto. Pero ilang taon ko ding pinag-aralan yan." napangiti ako sobra. Tuwang tuwa akong sumusubo. Ang galing. Pinag-aralan talaga ni Bret ito para sakin.. akala ko di niya naaalala.

"Waaah! Busog na busog talaga ako." nagkatinginan at nagkangitian naman kami. "Tara maglakad lakad." tumayo naman ako.

Naglakad lakad kami. At natanto kong ang dami dami pala naming memories sa lugar na'to. Teenage couple. Tsk. Sa sobrang dami nun, bakit hindi ko na maramdaman kung gaaano ko siya kamahal.

"Arkin." hinanap ko naman siya sa tabi ko pero wala naman siya. At paglingon ko sa likod ko, nakita ko sya. Nagulat ako sa nakita ko. Lumapit ako.

"Ano yan?" nakangiti sya at parng sinasabh na 'Go ahead.'

Tumingin uli ako dun. Lumapit. Hinawakan ko yung pulang tela na nagtataklob ng kung ano. Tumingin uli ako kay Bret. Nakangiti lang sya. Kaya agad kong inalis yung tela. Nagulat naman ako ng may lumabas kaya napapikit ako. Pero nung maramdaman ko na may dumapo sakin.. isang paruparo pala. Ang daming paruparo at mga asul na rosas. Napataklob ako ng bibig.

"Look above you." sinunod ko naman siya at..

(  O.\\)



'Happy Third Anniversary'


May balloon. Yung balloon my tela.. with that note. Hindi ko napansing tumutulo na yung mga luha ko. *sob* Ang lahat ng ito.. Lahat ng ito.. *sob*

"Diba gustong gusto mo 'to. Tuwang tuwa ka pagnakakapanood ka sa mga tv ng ganyan. I planned everything..


Happy third anniversary, Arkin." nakangiti siya pero agad na napawi yun.

"I planned everything and it took so many years. Gusto kong maging perfect lahat.. lahat ng ginagawa ko, lahat ng yun may ibig sabihin. Yung balat ng candy.. Arkin, mahal na mahal kita." thump.thump.thump. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nilalagay niya yung singsing sa kamay ko.

"I ruined everything.. But still I wanna ask you.. Are you willing to change your last name with mine? Are you willing to marry me." ang lungkot ng mga mata ni Bret. *sob* Mas nasasaktan lang ako.. hmm hindi ko alam na gagawin niyang lahat ng ito. All my life akala ko ako lang yung nag-eefort saminb dalwa. But seeing him proposing such a thing.. mas narerealize ko lang lahat.. Paano ba talaga kami napunta dito. *sob*

"Matagal ko 'tong pinag-isipan. At gusto ko na ngayong third anniversary  natin ko ito sabihin sayo. Nung nagsecond anniversary tayo, alam ko na na ikaq lang yung babaeng gusto kong makasama. Arkin, I'm proposing to you kasi after the year end, aalis ako ng bansa. At pagnag18 ka lang ako makakabalik. Pero mukhang wala na akong babalikan.." tumungo siya habang umiiyak. Hinawakan niyang mahigpit ang kamay ko. "Arkin, is it over? Wala na ba talaga tayo. *sob*" umiiyak si Bret.

Uwaaaah nasasaktan ko si Bret. Hindi ko alam ang tungkol sa lahat ng plano niya. So kaya ba siya nag-iipon ng malaki dahil dito. Kaya ba siya nagpopropose dahil alam niyang iiwan niya ako.. Aalis si Bret. Hmm.. Bakit wala akong kaideideya tungkol dito. Pero..







Hindi ko na siya mahal!

"Hm! I'm sorry! I'm sorry! Sorry, Bret." niyakap ko siya ng mahigpit. Iyak ako ng iyak. Sinubukan niyakong hawakan..




"..pero hindi ko na maibabalik yung dati."
HTML Comment Box is loading comments...