Iyak ako ng iyak habang hinahayaan lang ako ni Bret na umalis. Pinaalis niya
ako kahit ayoko pa na iwan siya. Pero gusto niya na mapag-isa. *sob*
Pinupunasan ko ang mga luha ko gamit lamang ang kamay ko. Pero hindi ko talaga
mapigilang hindi umiyak. Hindi ko man lang nagawang sabihin kay Bret ang
tungkol samin ni Nadiel. Lahat ng nangyari ngayon.. hindi ko inexpect. Lahat ng
ito ay plinano niya. Kung mahal ko pa si Bret.. siguradong iiyak din ako dahil
sa proposal na yun at sa reason na iiwan niya ako.
Hindi ko alam na magagawa niya akong iwan.. pero dahil alam niyang
masasaktan ako pag iniwan niya ako kaya naisip niyang magpropose na. Para
pagbalik niya pakakasalan niya ako.. pero nasira lahat ng plano niya dahil wala
na kami. At hindi na siya yung mahal ko. Actually, I'm the one who ruined
everything.
"Ar-kin! *pant*" napalingon naman ako sa tumawag sakin. At nagulat
ako na sya ang makita ko.. *sob* (o.O )
Namumula sya at hingal na hingal.
"b-Bakit ka nandito!? \( oVo)/" sinubukan kong tumahan.
"Pake mo ba." mahinahon kong sabi at agad akong umalis-- pero
hinigit niya ang braso ko.
"Kanina pa kita tuinetext at tinatawagan!.." nakakainis talaga
siya. Sa tuwing umiiyak na lang ko palagi na lang siyang dumadating at
dinadagdagan ang problema ko. Hindi ko nga alam kung bakit naiisip ko na siya
ang dahilan kung bakit hindi ko na magawang balikan si Bret eh ang sama sama ng
ugali niya! *sob*
"I'm sorry. Hindi ko kasi dala yung cellphone." letche bakit ba
ayaw pa niya akong bitawan..
"Ang kamay mo.." hindi ko narinig ang sinabi niya pero unti unting
lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nagkarason tuloy ako na umalis na
agad--
"Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero umiiyak ka na naman.. dahil
na naman ba sa ex mo." napatigil ako sa sinabi niya. Napatakip ako ng
bibig. Naalala ko na naman ang mga nangyari.. ang umiiyak na Bret. Napatakip
ako ng mukha.
"Hmmm.." hindi ko na napigilan at humagulhol na ako ng iyak. Hirap
na hirap na talaga ako sa nararamdaman ko. Uwaaah
"Sinaktan ka na naman niya.. Bakit ka ba nakipagkita sa kanya?"
hindi ako nagsalita nang bigla na lang niya akong iharap sa kanya at hawakan
ang magkabila kong balikat.
"Ano magpapakatanga ka na naman! Hahayaan mo na naman na masaktan ka
niya! Hindi mo ba naisip na kung nagawa niyang saktan ka, magagawa niya ulit
yun! Tigilan mo na SIYA--"
"BAKIT KA BA NANGINGIALAM!" nagulat naman sya sa pagsigaw ko.
Napabitaw sya sakin.
"You always act as if you're concern. Tama na please *sob* hindi ko na
kasi alam ang gagawin ko. Wag mo ng dagdagan. Nadiel.. malaki ang utang ko sayo
pero wala naman sa usapan na kailangan mo 'tong gawin e. Hindi mo alam kung
gaano kalaki ang epekto nito sakin. Ni hindi ko nga alam kung bakit ka ganyan
e. Nantitrip ka ba? O nananadya?
Nahihirapan na ako.." agad kong pinunasan ang mga luha ko. *sob* Syet.
Mas lalo lang akong nasasaktan sa mga ginagawa niya.
"Gusto kita.." parang akong nabingi sa sinabi niya. Agad naman
niya akong tiningnan sa mga mata.
"Wala ka kasing naiintindihan! Oo playboy ako! Pero kahit ganito ako..
I already fell inlove with someone. Hindi ko man alam kung paano patunayan
ito.. pero alam ko Gusto kita!" thump.thump.thump. Hindi ako makapaniwala
sa mga naririnig ko.. ang mga mata na mismo ni Nadiel ang nagsasabing seryoso
siya.
"Hindi ko alam kung kelan nagsimula.. pero.. Agh!" napahawak siya
sa noo niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Namumula sya at hindi na tinuloy ang sasabihin
pa. Napansin ko naman na tumigil na ako sa pag-iyak.
"Argg! Iuuwi na nga kita!" hinigit naman niya ang kamay ko.
Ang mga salitang yun.. hindi pa rin ako makapaniwalang sinabi niya yun.
Lunes na naman, pero para bang kahapon lang nangyari lahat. Hanggang ngayon
malinaw at tandang tandang ko pa rin ang lahat.. Hindi ko talaga
inaakalang parehas pala kami ng nararamdaman ni Nadiel. Ayiiiii~ \( ^.^)/
"Ah. Ahaha." napatingin naman ako sa katabi ko na for some reason
ay bigla bigla na lang akong tinatawanan.
"Alam mo libre na nga ang tumingin sa iba, tapos tatawanan mo pa!"
bumalik ako sa pagtetake note ng lessons.
"Naiinis ka bang talaga? O.. may nangyari lang talagang maganda?"
hindi ko siya sinagot pero hindi ko parin mapigilang hindi mapangiti.
"So dapat pala magpasalamat ka sakin." napatingin naman ako sa
kanya. Hindi siya nakatingin sakin pero nakangiti siya \(?.?? )/
"Ako ang nagsabi kay Nadiel tungkol sa inyo ni Bret. Sinabi ko na
makikipagbalikan ka na.. kahit na hindi naman ako sigurado pero hindi ko
akalaing paniniwalaan niya ako ng ganon kabilis. Di man lang siya nagpakipot na
walang narinig. Haha." naramdaman ko naman ang pag-init ng mga pisngi ko.
I think I'm blushing. Why do I feel like I'm happy about it? Ayiiii
napapaenglish tuloy ako \(^v^ )/
Bumalik ako sa pagsusulat. Natatawa talaga ako sa mga nangyayari and still
kinikilig. Sandali.. nasabi ko na ba kay Nadiel na gusto ko siya???
"Uy sandali, si Nadiel din ba ang nagbigay niyan sayo?" napatingin
naman ako sa hawak niya. Yung daliri ko na soot yung..
( O.o)
"Waaah!" agad akong napatakip sa bibig. Nakatingin ang lahat
sakin. Agad naman akong nagsorry.
Naalala ko kasi yung singsing.. :c Dapat ko ng ibalik ito kay Bret. Pati na
yung cellphone..
Pagkatapos na pagkatapos ng mga klase ko, naisipan kong puntahan si Bret.
Pero nakasalubong ko na naman si Heidie. And this time it's not because she
wants to argue with me about something.
"Si Bret hindi siya pumasok ngayon. May nangyari ba? Tinext ko siya at
tinawagan pero hindi siya sumasagot. Alam mo naman na malapit na yung event
diba? Sana wala itong kinalaman sa relasyon ninyo." agad naman siyang
umalis pagkasabi nun.
Mukhang hindi pa alam ni Heidie na wala na kami ni Bret. At siguro hindi pa
rin siya nakakapagconfess. Pero bakit naman kaya hindi pumasok si Bret? Hindi
naman yun basta umaabcent e lalo na at may event at activity ang MO. Nagkasakit
kaya siya? O.. Dahil na naman ba ito samin..
Kaya naman pagkatapos nun naisip kong puntahan si Bret sa bahay nila.
Nakita ko si Auntie at halata sa mga mata nito ang lungkot. Mukhang hindi
nga maganda ang nangyayari kay Bret. Nasabi din sakin ng mama niya na hindi pa
kumakain ng ayos si Bret simula nung linggo. Wala naman akong masabi dahil
sigurado ako na may kinalaman 'to nung anniversary namin. Nasaktan ko talaga
siya..
Pumunta naman akong kwarto niya.. At nakita ko siyang nakadungaw sa bintana.
Nakatulala.. Lumapit naman ako sa kanya.
"Bret?" kinabahan naman ako nung tumingin siya at—
"-AH?" bigla niya akong niyakap.