1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 60


"Step s-sister?" takang taka kong tanong. Nakangiti namang tumango yung babae. (  O.o) So mag-KAPATID pala sila??

"Nagugutom na ako. Why don't you have dinner here? I'll wait for you guys." umalis naman ito pero hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko.. Napagkamalan kong isa sa mga girlfriends ni Nadiel ang ate niya.. Hm. Step sister? Paano? Wala akong naiintindihan. Baka niloloko lang nila ako.. O kaya--

*Toink*

Napatingin naman ako sa kanya pagkatuktok niya sa ulo ko. Pero mahina lang naman. Nagtaka lang ako kung bakit nagtataklob siya ng bibig at bakit siya namumula.??

"Ano na naman bang iniisip mo?" hindi naman kaya nahihiya si Nadiel sakin? Ah. \(//.~  )/ Bakit pagkaisip ko nun bigla akong nakaramdam ng hiya. "Bakit ka pa kasi pumunta, tuloy nakilala ka pa ng ate ko."

Namumula siya pero nakasimangot. "Bakit ka kasi tumawag! Sa tingin mo anung iisipin ko!"

"Ang hina naman ng kokote mo! Kailan ba ako napahamak!"

"Oo di ka nga napapahamak! Malay ko ba na baka dahil na naman ito sa mga iuutos mo sakin!"

"Girlfriend na kita! Kaya bakit pa kita uutusan!" nalaglag naman ang panga ko pagkasabi niya nun. Kaya agad siyang umiwas ng tingin. Pulang pula ang tenga niya.

"g-Girlfriend mo na ako? P-panu naman yung mga..-"

"Hindi mo kasi alam. Pero wala na akong girlfriends. Yung mga nakakachat mo at nakakatext. Mga maids lang namin yun. Matagal na akong nakipagbreak sa kanila simula ng malaman ko ang tunay kong nararamdaman para sayo.." tumingin naman siya sa mga mata ko. At-- BOOM!!! Feeling ko ang pula pula ko ngayon. Bakit biglang uminit e naka-aircon naman? Uhh.. T.T

"Pero masaya ako na pumunta ka ngayon. Gusto kita makita pero nahihiya akong puntahan ka!" dahan dahan akong tumingin sa kanya at..




Kruuuuuuukk~

(o.O  )



Napataklob ako ng mukha.

"Ahahaha!" tawa siya ng tawa. Nakakahiya. Kanina pa kasi ako nakakain. Pero hindi ko naramdaman na gutom ako kanina.. Uhhhh.. moment ito tapos ganun.

"Halika nga!" hinawakan niya ang kamay ko. Uhh.. Kinikilig ako. Kahit na kelan hindi ko inisip na kikiligin ako ng ganito sa demonyong playboy na 'to!



"How sweet! :D"

Napabitaw naman kami sa mga kamay namin nung makita ang ate niya na nasa may tabing pinto lamang nakatayo. Hm nakakagulat.

"b-Bakit nandito ka pa!?" nakakahiya talaga.
"Kayo naman, nahiya pa kayo sakin!" umalis naman agad ito habang tumatawa. Nakakaiba talaga ang ate niya. Hindi ko talaga akalaing magkapatid sila. Pero.. Napakaganda ng ate niya.

"So Arkin, Ate Jave ang itatawag mo sakin huh." tumango  naman ako. Naiilang pa rin ako. Tapos si Nadiel nakapangang lumbaba naman habang hindi pinapakelaman ang pagkain niya. Bukod pa dun nakasimangot siya.. parang hindi man lang siya rumerespeto sa Ate niya.

"I'm 20 yrs old woman. Di gaya mo, single ako. Hahaha!"

"Ano bang pake niya sa buhay mo."

"Syempre! After all girlfriend siya ng dearest little brother ko! :D"

"Tigilan mo na nga kasasabi ng tungkol dyan!!"

Magkapatid nga sila.

"Hi." napatigil naman sila sa pag-aasaran at sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. "Tamang tama lang pala ang dating ko." umupo naman siya sa tabi ko.

"Hoy bakit ka dyan umupo! Daming daming upuan!" sasabog na 'tong si Nadiel sa sobrang pula ng tenga. Pinaiiral niya init ng ulo. Meron ata ang isang ito, kanina pa mainit ang ulo.

"Haha. Kakain lang naman ako Nadiel. Ito naman napakaseloso!" agad namang umiwas ng tingin samin si Nadiel at pumanganglumbaba na lang uli. Hmm.. Pati ata ako sasabog na!

Sasabog sa sobrang kaba dahil KINIKILIG AKO NG BONGGANG BONGGA!! :D :D Namiss ko yung ganitong feeling! \(  ^o^)/

"Musta na Gavin.?" bumalik lang ako sa sarili ko nung marinig kong muli ang boses ni Ate Jave. Eeeeet! Ate Jave! :D

Pero ang weird. Bakit parang natameme si Gavin pagkatapos magsalita ng ate ni Nadiel?? Sumubo naman ako ng pagkain.

"College ka na. Musta naman yun?" aww ang ganda talaga ni Ate Jave.

"Jave."

Eh? Bakit ganun.. bakit ganyan reaction ni Gavin? Kung si Nadiel asar asar sa Ate niya, ito namang si Gavin parang di makapaniwalang nasa harap niya ang taong ito. Pero nabanggit din sakin ni Gavin na pumuntang ibang  bansa itong si Ate Jave.

"Uh.. Heto ayos naman." agad namang umiwas ng tingin si Gavin. Eh? Anong meron at nagbago ata si Gavin? Di naman kaya..

Naiilang din siya kay Ate Jave!?  (o.o  )

"Oy!" napatingin naman ako kay Nadiel. Yung mukha niya di ko mabasa. Blanko ba o badtrip?? "Tapos ka na kumain diba? Tara na." pagkatayo niya, agad din naman akong tumayo at sinundan siya.

Papunta ata kami sa kwarto  niya. At sa wakas nakarating din kami. Nasa may pinto pa lang kami..

"Umuwi ka na. Gabi na." hindi siya nakatingin sakin at ang mga kamay niya nasa bulsa. Bakit pinapauwi niya agad ako? Dati rati  naman..

"Sandali!" hinigit ko naman ang shirt niya. Lumingon siya sakin..

"Bakit?" hindi ko alam kung bakit ang weird niya. Pero hindi naman siguro ako nananaginip, kami na talaga diba?

"Woy!" tinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya. "Umuwi ka na, sinabi ko na sa driver." napahawak naman ako sa noo ko.

"Hmm. Kung ganon.. paano na kita mababayaran niyan.." gets na naman niya siguro ibig kong sabihin. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin.. Err~

"Hmm.. Dahil nagmukha kang tanga pagchachat sa mga maids. At palagi kang nagpapautots sa  mga utos ko. Ahahahaha tapos na--"

Sinuntok ko siya ng mahina sa tiyan habang sinasamaan ng tingin. Demonyo talaga siya!

"Joke lamang! Hahah pero yung seryoso.." bigla siyang lumapit sa mukha ko. Thump! "..tapos na ang kontrata dahil nahulog na ang playboy sa utoutots niya." ang mga mata niya. (//.<  )


Hinigit ko naman at shirt niya at..



*kiss*

"Ah."  <-- :O

">:P Goodnight!" agad naman akong tumakbo.



Napahawak ako sa bibig ko. thump.thump.thump.thump. I can't believe I kissed him on his cheek. Agh.. (  T.\\)
HTML Comment Box is loading comments...