"Are you going to watch the photoshoot?" tumango naman ako. Mamaya
pa naman kasi ang duty ko sa pool kaya manonood na muna ako. At napag-usapan na
din namin ni Nadiel na sabay kaming magla-lunch.
"Sayang hindi ako makakapanood. May klase pa ako e." ngumiti
na lang ako. Sabay naman kaming lumabas ng classroon.
"Ano nga palang nangyari sainyo ni Ate Jave pagkaalis namin? Ikaw a.
Narinig ko yun, hindi ka tumatawag ng Ate sa kanya. She's 3 yrs older than you.
At 4 yrs naman sakin.. Hehe."
"Yah you're right.." napatingin naman ako sa kanya. ?? What's with
the answer? Labo naman nitong si Gavin!
Agad naman akong pumunta sa sa Oval, kila Nadiel ako manonood. At napansin
ko ang pagdami ng mga tao sa bawak sulok ng campus. Bawat part kasi ng campus
may mga nagpipictorial. At sa Oval ang part na nakaschedule kila Nadiel.. at sa
partner niyang si Ms. Lei lan.
Pagdating ko dun madami na agad na mga ta. Halos mapuno ang mga bench. At
karamihan dun e mga babae at bakla. Halatang nag-eenjoy lahat kahit na yung iba
sa sobrang gigil e kinukuhanan pa rin sila Nadiel at Ms. Lei lan ng picture ng
palihim gamit ang cellphone nila. Forbidden kasi ang cameras sa photoshoot.
Naupo naman ako dun gaya ng iba. Naka-tracknfield uniform sila. At.. \(
o.\\)/ As I expect.. ANG GWAPO TALAGA NI NADIEL. Bagay na bagay sa kanya yung
soot niya.
Uhh.. bakit ang init ng pakiramdam ko. Pero.. gaya niya. Maganda din si Ms.
Lei lan. Ang sexy ng soot niya. Kung titingnan bagay talaga sila sa isa’t isa.
Matagal na talaga akong nahihiwagaan sa dalwang ito. Parang talagang merong
special something sa kanila.
“Okay, lunch break!” lunch na. itinext ko naman agad si Nadiel. At agad din
tumingin sa kanya.
Nakatingin na siya sa cellphone niya noon.. nang bigla siyang lapitan ni Ms.
Lei lan. Tiningnan ko naman ang cellphone ko pero hindi parin siya nagrereply.
Tumingin uli ako sa kanila. Magkausap sila. Nakangiti silang parehas. Hmf! Ano
kayang pinag-uusapan nila. Agad akong tumayo at naisip kong ako na lang ang
lalapit sa kanila.
“Nadiel, I made some luch for you. Here.” May inabot siya kay Nadiel.
“Thanks.” Tinanggap ito ni Nadiel. Tiningnan ko naman ang phone ko pero
hindi pa rin siya nagrereply. Nagdecide naman akong umalis—
“But.. I have someone to eat with, Lei lan.”
“Who?”
Tiningnan ko ulit sila. Hindi sumagot si Nadiel. Nakatingin lang si ms. Lei
lan sa kaniya, hanggang sa magvibrate ang cellphone ko.
‘Nasaan ka na. Punta ka na dito.’
Text niya. Napangiti naman ako. Agad naman akong tumakbo--
“Ah.”
“So-sorry!!” ang sakit.
“Ang leaf barndoor!!!” napalingon ako sa likod ko at may mga kung
anong bagay na malalaglag sa isang box papunta sak—
“ah!”
“MS. LEI LAN!!!” may tumulak sakin.
Agad akong bumangon. Ang sakit ng pagkakabagsak ko.. pero..
“I’ll take care of her. Lei lan? Lei lan..” nakita ko na lang sa di kalayuan
sa akin si Nadiel na hawak hawak sa mga bisig niya si Ms. Lei lan. Walang malay
si Ms. Lei lan. Ibig sabihin.. yung laman ng box..
“Take care everything immediately! Next time, be safe of bringing my
things!!!”
Agad naman akong tumayo at nilapitan si Nadiel. Aalis na sana siya habang
buhat buhat si Ms. Lei lan nang lapitan ko siya.
“Ah. Arkin?” parang nagulat siya ng Makita niya ako. So hindi niya ako
nakita kanina? Pero si Ms. Lei lan, niligtas niya ako. Sigurado akong tumakbo
siya papunta sakin dahil ililigtas niya ako.
“sorry. Pero.. nakikita mo naman siguro. Hindi kita masasamahan ngayon.
Mauna ka ng maglunch, pupuntahan na lang kita pagkatapos.” Aalis na sana uli
siya—
“Sasama ako! Si Ms. Lei lan.. niligtas niya ako. Ako dapat ang.. nasa
kalagayan niya.” Ngayon ko lang naramdaman. Na ang samang tingnan na yung taong
mahal mo may ibang buhat buhat na babae. Nadejavu na naman ako. Hah! Pero si
ms. Lei lan, wala siyang kamalay malay..
“Ano!? Eh okay ka lang ba!?” may pag-aalala sa mga mata niya.
Tumango ako. “Oo okay lang naman ako. Ang field. Puro damo naman dito.
Kaya.. hindi naman ako nasaktan..” pero nasasaktan ako pagnakikita kong buhat
buhat mo siya. Baka mangyari na naman yung noon.Ganitong ganito kasi yun e..
:’c
“Kailangan ko na talaga siyang dalhin sa infirmary. Kung okay ka lang naman
pala, sige na kumain ka na ng lunch mo. Diba may duty ka pa sa swimming. Baka
malate ka, wag mong sayangin ang oras mo! I’ll text you. Ok? “ tumalikod naman
siya at agad na umalis.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Bakit
ganon.. I feel like crying. Kahit sincere naman yung mga mata ni Nadiel. May
tiwala naman ako sa kanya e. Pero kasi.. tuwing naaalala ko kung paano kami
nagkalabuan ni Bret. Naiisip ko lang.. na maaari ko ring maramdaman yun kay
Nadiel. Na maaari uli akong masaktan sa parehas na dahilan. Hindi lang ako ang
nagmamahal sa kanila. Natatakot ako.
Kahit sinabi niyang maglunch na ako. Sinundan pa rin ng mga paa ko sila.
Hindi ko alam kung bakit! May tiwala naman ako kay Nadiel e.. alam kong hindi
niya uulitin ang ginawa ni Bret. Hindi siya gaya ni Bret na magpapadala na lang
basta sa ibang tao. Dahil si Nadiel.. iniisip niya rin kung masasaktan ba ako
sa mga gagawin niya.
Pero..
“I did it on purpose. I saved Arkin for me to get your attention.”
“What are you up to?”
“I heard about this that you are dating Bret’s girlfriend, Arkin. What’s
with that? Are you serious? Nadiel!—“
“Alam ko Lei lan, pero.. agh! Hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko pa
sayo. I’m sorry.. I broke our promise.”
Promise? Anong promise.. bakit parang naiinis ako sa mga sinasabi nila!
>:’c
“I can easily forgive you, just cut this joke! You can’t DATE ANYONE
SERIOUSLY!!! *sob*”
“I know.”
thump.thump.thump.
Hindi ko alam kung bakit.. pero bigla na lang akong nanginig. Bakit parang
natatakot ako sa mga mangyayari. Bakit parang.. ang lakas ng loob ni ms. Lei
lan sabihin kay Nadiel yun. Bakit parang ang dami niyang alam..







