1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 95


Nakausap na namin ni Nadiel si Gavin tungkol sa mga nangyayari. At nasabi niyang alam naman na daw niya ang tungkol dun.

‘Mukhang.. wala na talaga siyang nararamdaman sakin e.’ napatungo siya pagkatapos sabihin yun.

‘Baliw ka ba! Ang tagal mo kayang naghintay sa Ate ko. Tapos ano! Dito lang pala kayo magtatapos.’ Nakikinig lang ako sa usapan nila. wala akong masabi dahil wala naman na akong alam sa nakaraan nila Gavin at Ate Jave.

‘Nakausap ko si Jave tungkol samin. At siya ang nagsabi mismo sakin na pumapayag na siyang maging legal na Fortalejo since yun naman talaga ang gusto ni Auntie noon pa.’

‘At pumayag ka naman!’


‘Hindi ninyo naiintindihan!’ nung oras na yun.. nakita ko kung paano tumulo ang mga luha ni Gavin sa mga pisngi niya. ‘..hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko. Yung pinipilit mong suyuin ang isang taong.. kahit wala ka namang ideya kung kahit konti man lang ay may nararamdaman siya sayong pagmamahal..


Kung napatawad na ba niya talaga ako.”


Awang awa talaga ako kay Gavin nung makita ko siyang nagkakaganon. Kung may magagawa man lang ako..

“Magbihis ka na.” sabi naman sakin ni Nadiel. Sumunod naman ako.

Pumasok ako dun sa kwarto kung saan inaayusan din si Ate Jave. Pagpasok ko, napatingin pa siya sakin at ngumiti. Tuwing makikita ko siyang nakangiti.. naiisip ko lang kung may pagmamahal pa ba siya kay Gavin? Wala nab a siyang pakealam kay Gavin? Kahit wala akong alam.. alam ko at nararamdaman kong mahal na mahal pa rin siya ni Gavin.


“Hija gusto mo bang magpaextension ng buhok?”

“Hmm.. I think dagdagan mo nga yung buhok niya pero hanggang dito lang.”  tinuro niya yung part ng leeg. “Tapos lagyan mo ng bundot yung parehong harap.” Kinindatan ako ni Ate Jave pagkatapos. Hindi ko alam kung anong binabalak niya. E birthday niya ito.

Habang inaayusan kami. Naisip ko namang buksan ang topic na tungkol kay Gavin,

“Magkabirthday pala kayo ni Gavin no?” matagal siya bago sumagot.

“Ah oo! Hahaha. Tumatanda na nga ako e.” ngumiti na lang ako para maging tugon.

Parehas kaming natahimik pagkatapos ng tanong kong iyon. Ewan ko ba, pero nailang kasi ako sa tawa niya. Parang.. hindi naman talaga siya masaya.

“Hindi ko ata nakikita si Gavin?”

“Hmm.. hindi naman kasi nagrereply sa text namin ni Nadiel.” Oo nga. Hindi ko pa rin nakikita si Gavin. Magsi-6 na pero hindi ko pa siya nakikita? Imposible naman na masyado siyang nag-aayos? May ganon bang lalaki?


“Bakit nga pala.. hindi ka agad pumayag na maging isang Fortalejo?”

“Nung una.. mas gusto ko kasi talagang gamitin ang apelyido ng yumao kong ama.” Nagtaka ako sa sinagot niya.

“Nung una?” at nung tanungin ko yun. parang siyang may naalala. Nalungkot ang mga mata niya.

“Tapos na po. Maaari niyo na pong isoot ang mga kasuotan niyo.” Kung siguro hindi agad umepal yung nag-aayos samin, naitanong ko sana kung ano ba talagang ibig niyang sabihin sa sinabi niya.

Pagkatapos naming magfit. May biglang dumating na balita.

“Nandyan na ba si Gavin?” yun ang tanong ni Ate Jave dun sa maid na pumasok.

“Pasensya na po. pero gusto ko lang po sanang iabot sainyo ito.” May inabot yung maid na sulat.

Napatingin ako kay Ate Jave na napangiti naman sakin. “Dati kasi pagnagbi-birthday kami, lagi siyang dumarating pagkatapos kong mag-ayos, kasi escort ko siya.” Sabi niya habang binubuksan yung sulat.

Binabasa niya yung sulat habang may nag-aayos ng dress niya.

Nung matapos siyang magbasa. “h-Hindi pala makakarating si Gavin..” hindi siya nakatingin sakin nung sabihin niya yun.

“t-Tara na?” mabilis siyang naglakad at iniwan na lang basta yung sulat. Eksakto naming dumating si Nadiel.

Sinundan namin si Ate Jave.

“Nagtext na ba sayo si Gavin? Asan na daw siya?” tanong ko kay Nadiel.

“Hindi siya makakarating.” Nagtaka ako sa sinabi ni Nadiel. Nagsalita pa siya pagkatapos pero pabulong.. “..aalis siya papuntang New York.” Nagulat ako sa sinabi niya.

Tuloy napatigil ako.

“May nasabi ba siya kung saan siya pupunta?” napalingon naman ako kay Ate Jave na tumigil din para lang tanungin yun.

“Ano bang pakealam mo—“

“Nadiel!” napasigaw ako. kasi naman bakit niya yun sinabi kay Ate Jave.

“Oo nga naman. Anong pake ko.. kailangang pumunta na ako sa selebrasyon, madaming naghihintay sakin—“
“Sigurado ako na hindi na babalik si Gavin.” Nagulat ako nung bigla na naming nagsalita si Nadiel. Anong gusto niyang palabasin sa sinabi niya?


“..ang expression ng mukha niya nung isang araw. Siguradong hindi na nga siya babalik. Tama ako Arkin diba?” tumingin siya sakin pero seryoso ang tingin niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami. “Mauna na kami. Kailangan na mahuli ang may kaarawan.” Iniwan naman namin si Ate Jave na nakatayo dun.


Madami ng tao. Nung makita ko pa nga yung mga pagkain, nakaramdam ako ng gutom. Uhhh..

“Pwede na bang kumain?” bulong ko kay Nadiel.

Nakakunot-noo siyang tumingin sakin. “Patay gutom ka talaga!”

Nagpout lang ako.

Naghintay ako gaya ng ibang tao. Si Nadiel mahinahon lang na umiinom ng wine. Dahil nainip naman ako sinubukan ko na ring uminom ng wine pero—


“Pasensya na po sa paghihintay. Pero hindi na po makakarating sila Miss Jave at Sir Gavin. Ipagpatuloy na lang po natin ang celebration.” Nagtaka ako dun sa sinabi ng speaker. Tumingin ako kay Nadiel at nakita kong nagha-half smile siya.

Agad ko siyang kinulbit.

“Ano yun?”

“Tss. Di mo gets? Sinusundan na siya ng Ate ko.”
 agad akong napatayo pagkasabi niya nun. At aalis--

“Saan ka pupunta?”

“Susunod! Kailangan malaman ko kung maabutan ba ni Ate Jave si Gavin! Tara!” hawak ko pa ang dress ko at ready na akong tumakbo.

Pero lumapit lang siya at inakbayan ako.

“Hayaan na lang nga natin sila at kumain na lang tayo. Gutom na ako.” pero hindi naman kami pumunta dun sa hilera ng mga pagkain.

“Lagpas na tayo oh!” tinuro ko pa yung mga pagkain. Pero mas hinigpitan lang niya yung pagkakaakbay sakin.


“May sarili tayong candle light sa loob!” (0.O  )
HTML Comment Box is loading comments...