Sumakay na akong taxi at tumungo sa kanila.
Pinindot ko ang doorbell nila. Padalwang pindot ko palang, nandyan na ang mama nya para papasukin ako.
"Oh hija, mabuti bumisita ka. Sandali't magmerienda ka mu--"
"Pumunta po ako para kamustahin si Bret?" agad kong sabi kahit di pa tapos magsalita si Tita.
"Oo nga no. 2 araw ng nilalagnat si Bret. Pero di ka naman dumadalaw." nilalagnat :o "Mabuti pa yung kai--" agad na akong tumakbo papuntang kwarto ni Bret.
Hingal na hingal ako. Heto na. Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ni Bret. Dahan dahan kong binuksan ang doorknob--
"Ano bang ginagawa mo dito? Diba sinabi ko na na hindi mo naman kailangan. Pero.. salamat sa orange huh. Favorite ko'to."
"May lagnat ka. Atsaka gusto kong sabihin sayo ang mga ginagawa namin nung wala ka sa modeling. Tuloy ala akong partner." nagngingitian silang dalwa.
Binitawan ko na ang doorknob at hinawakan ng mahigpit ang libro ni Nadiel. Bumaba din agad ako. Nakasalubong ko si Tita.
"Heto oh. Kumain ka muna. Fav. ninyo ni Bret. Pudding." naniniklop ang mga kamay ko.
"Aalis na po ako. Pasensya na po tita kung nabastos ko kayo." agad akong tumungo sa pintuan.
"Sandali. Bakit ka naman aalis agad. Anong sabi ni Bret." naniniklop na talaga ang mga kamay ko. Gusto ko ng--
*TSUGGGGSH!!*
Tumakbo ako. Takbo. Nakakainis! Bakit! Bakit mo sinasabi sa iba ang mga fav. mo!? Bakit pumapayag kang magsolo kasama ang ibang babae ng wala ako!? Hindi mo tinupad ang mga pangako mo! :'(
Bakit wala akong alam na may sakit ka? Bakit di mo pinapaalam sakin? Bakit kailangan kong malaman ang lahat ng to sa iba? Bakit kailangan ko pang makita ka ng nginingitian ang ibang babae?
Pupuntahan ko na lang si Nadiel.
"Bob-ong!?" kinuha ko naman ang libro sa kamay nya.
"Bibili na lang ako ng bago kung ayaw --" hinigit naman nya ang damit ko pabalik.
"Argh! Diba sinabi ko na sayo na kung badtrip ka, wag mong dadalhin yan pagdating sakin. O baka gusto mong paglinisin kita ng banyo ng mga maid namin?" nanlaki ang mata ko.
"Banyo!? Huy Nadiel Fortalejo hindi ako pinanganak ng mga magulang ko para paglinisin! Atsaka! Nakikita mo bang badtrip ako, I'm deeply--" may bigla na lang syang nilagay sa bibig ko. :o
"May kasalanan ka na naman sakin!? Babayaran mo to! Pero ngayon.. kainin mo muna ang brownies na yan habang naghihintay ka dito sa kotse ko." at umalis na sya. Nginuya ko naman yung brownies. Ang sarap :'(
Pero naiinis parin ako. Katatapos lang nung nangyari kila Bret. Binibisita pala ni Heidie si Bret. So close na agad sila? Sigh. Sumubo naman uli ako ng brownies at napatingin sa labas. Nakikita ko si Nadiel sa loob ng library. At gaya ng inaasahan, maganda uli ang gf nya. Pang-ilan na ba nyang gf yan?
Alam kaya ng gf nya na madami silang gf ng isang Nadiel Fortalejo? Masasaktan din kaya sila pagnalaman nilang hindi bading si Nadiel kundi isang player?
Tiningnan ko ulit si Nadiel. Kung titingnan sya, parang lahat ng galaw nya totoo. Kung ibang tao nga ako at hindi ko sya kilala, hahangaan ko sya. Kasi bagay sila nung babae. Ang mga ngiti kasi ni Nadiel. Yung tipong magpapalambot ng puso mo. Can't take the eyes off him. Sigh. Love? Bakit nga kaya hindi ka pa naiinlove Nadiel?
Zzzz..