"Hmm.."
tik.tak.tik.tak.tik.tak
Agad naman akong bumangon nang mapansing kung nasaan ako. Nasa.. :o Nasa bahay ko? ???
Bumaba ako. Nakita ko pa sina mama at papa na kumakain. Kung maalala ko nasa kotse ako ni Nadiel kagabi? Ibig sabihin.. nakatulog ako. Agh! Nakuu.. siguradong patay ako sa taong yun.
"Mah.. sino pong naghatid sakin.." kahit imposible. Itatanong ko parin.
"Ah. Isang lalaki. Nakuu.. anak! Napakagwapong lalaki! :D" umayos naman ako ng upo.
"Tama ang mommy mo. Akala nga namin ay si Bret. Pero malayo talaga kay Bret. Sobrang gwapo. Alam naman natin na gwapo si Bret. Pero ang isang to.. parang diyos sa kagwapuhan. Nakakailang. Hindi kami makapagsalita ng maayos." nod sila ng nod. Kaya agad naman akong tumayo.
"Mga baliw.." tumungo ako sa kwarto.
Pati sina mama at papa naaamaze sa kagwapuhan nya. May hindi tama. Panigurado kinukulam kami nung Nadiel na yun. Gaya ng blusang itim. Ang kagwapuhan nya ay may kakabit na kasamaan. Eeer~ sinong maniniwala na ang isang Nadiel Fortalejo ay hinatid ang isang Arkin Ramirez. Maniwala ako! PWE!
"Ohmygod~"
Takbo ako ng takbo. Karipas ng takbo dito at dun! Argh!!! Bakit naman kasi kailangan ko pang puntahan ang Nadiel na yun!!! :o
"Ha.Ha.Ha! *pant* nasaan na ba ang Nadiel na yun?! Diba kailangan nya ako!? Pero bakit di sya nagsabi ng place!" hingal na hingal na ako. Kanina pa ako takbo ng takbo sa campus. Nakakahiya na nga e.
"Hahaha. So ano mamaya, gimik tayo!?" Ah!! Hayun sya!
Agad akong tumakbo at lumapit sa kanya.
"NADIEL!!!" lumingon silang tatlo. Dapat ay iimik na ako kaso--
"Diba gf sya nung Bret Lacson na kaorg natin. Yung sophomore student? Kilala mo sya Nadiel? Close kayo?" ngumiti yung nagsalita. Atska ko naramdaman ang pagkakamali ko. :o
Nakita ko pa ang look ni Nadiel. Wala. Blank.
"Ano Nadiel, ngayon ka pa ba tatahimik!? Magsalita ka naman dyan!" nakatingin parin ako sa kanya. Hinihintay na sumenyas sya. Pero wala talaga. No reaction. Ano!? Anong nangyayari sayo Nadiel!? Mag-aact ka pa ng ganyan e. Ipakita mo ang totoong Nadiel--
Umiwas na lang ako. Agad na tumakbo palayo sa kanila. Kumaripas na ako ng takbo at agad na nagtago. Nung medyo maayos na ako. Lumingon muli ako. Nakatingin si Nadiel sa pinuntahan ko. Nakatingin sya dito pero di ko alam kung nakikita nya ako dito. Nakikita ko ring tumatawa yung mga kasama nya pero walang imik si Nadiel.
A BIG SIGH!
"Muntik na talaga!" hindi nga pala alam ng lahat na magkakilala kami ni Nadiel. Sikat si Nadiel. At piling tao lang ang kinakausap nya.
Argh! Oo nga pala. Pagdito sa school hindi sya ang Nadiel na masama, sya ang Nadiel na mabuti. Hmf!
"AH! :o" nagulat naman ako ng makita si Bret sa harap ko. "Ahaha! Ikaw pala." ngumiti sya.
"So okay ka na?"
Bigla na namang bumalik yung sakit. Yung sakit na nararamdaman ko this past few days sa pagitan naming dalwa. onga pala. Tampo ako sa kanya. :(
Pero bakit ganyan siya. bakit nginingitian niya ako na as if naman na walang nangyari saming dalwa. Hindi ba't nibreak lang naman niya yung mga promises niya. >:( :'(







