Mabilis ang mga araw, at salamat hindi ko na nakita ang kumag na yun. Masaya ako. Atleast hindi ako mapapagod sa pagagawa nung manyak na yun. Hindi nga ako gumagawa na gawaing bahay. Oo tamad ako. Atsaka leytli, hindi narin kami nagkikita ni Bret. Busy na uli sya. Atsaka wala naman akong fone para kamustahin nya yung necklace.
At ang mas masaya, GRADUATION NA NAMIN. Kasama na dun ang grad ball.
Mabilis ang oras. Nagbigayan na ng mga parangal. Ang mga valedictorian, salutatorian blah blah. Mga achievers. Yahoo. Picture taking na. Papicture kay mama at kay papa. Tapos kina friends. At pati kay mga fans. Kapal ko no. Aba, sila naman kasi ang lumalapit. Papicture daw. Kung nandito lang siguro si Bret :(
Lumapit naman yung iba kong mga kaklase.
"Kin. Pupunta ka ba mamayang grad ball?" tiningnan ko ang araw. Meron pa. So, madaming pang oras para maggabi. Ano bang reason ang pwede para di nila masabing tinatamad na naman ako :P
"Wala akong partner." tama! Atsaka totoo naman e. E kay Bret lang naman ako interested.
"Si Jade! Gusto ka nun makapartner!"
"Yac! Ayoko dun, manyak yun. Naiimagine ko palang na nagsasayaw na kami sa dance floor habang hawak hawak nya ang bewang ko. Ay! Kinikilabutan ako! Ayoko dun!"
"Gwapo naman si Jade ah. O kay Nill! Diba crush ka nun?"
"Crush!? Hindi! Sabi nya ang cute ko daw kasi kahit babae ako wala daw akong pakealam sa itsura ko. Ang insensitive ko daw. Ugh! Nang-aasar ba sya. Bola." hehe.
"Kin naman e.. edi hindi ka naman namin makakasama. Wala na kaming ibang guy na kakilalang nainvolve sayo. Sa mga classmate naman natin, wala kang type."
"Donwori. Pagnagkacp na ako. Lahat ng contacts nyo. Hahanapin ko. Textext tayo!" kinindatan ko sila.
"Aw. Mamimiss ko ang isa't isa satin." agh! Superhugs. Sige na nga. Last day na naman to e.
Hindi ako sumabay kina mama at papa pauwi. Kainis lamang at gagala akong nakadress. Hmf! Sige na nga. Carry na. Minsan lang. Atsaka mini skirt nga ang sa uniform namin. Kaya ano pa pag-dress.
Ang ginawa ko lang naman sa labas ay ang matulog. Natuloy ako dun sa malapit sa ilog. Dun sa damuhan na daig pa ang bermuda ang damo. Kaya paggising ko, uwi na agad ako.
"Nandito na ako." tumigil naman ako sa sofa namin. :o May flowers and..
"WAAAAH! Para sakin to ah!!" at may gift pa. Ang laki. :o Galing kay Bret ang flowers at yung gift :o Dress? :-\ Galing kay Mrs. Fortalejo ???
Bakit nya ako binibigyan nito. Pero mabasa muna tong letter na bigay ng boyfie ko.
To my Arkin, ayi! Kinilig naman ako. My daw e, ibig chabihin. Sa kanya ako :D about graduation ang mga nakasulat sa letter. Tapos may candy na naman. ??? Hindi nya talaga nakakalimutan lalo na at kapag may something samin. Ganon din ang kay Mrs. Fortalejo. Ang bait nya talaga. Hindi gaya ng anak nya. Nakuu! Kamusta na kaya yun? Ugh! Sana hindi nya ako inaalala :o
Tapos, may natanggap din ako galing kay.. Gavin. Remember the guy next to Nadiel. Jk! Pinsan ni Nadiel. Yung gwaping din na lalaki. Binigyan nya ako ng letter. Ang bait naman. Puro quotes oh. Ang pinakamessage lang nya ay 'Congratulation.' haha. Ay may note :o 'Ms. Ramirez, itapat mo tong mensaheng to sa salamin.' ginawa ko naman.
At ang nakakagulat! Nakakagalit! >:( Argh! Nakakainis naman.. pati pala ang perbi na yun >:( Sa kanya ang note na yun. At talagang nakisingit sya.
Note: Huy Pangit. Akalain mo nakagraduate ka. Tss.. hahanda ka sakin balang araw! At may balak ka pang tumakas ah! Bahala ka!
Grrrr~ Eh kung ikaw kaya ang humanda. Kapal talaga nito! Hmf! >:( Kinuha ko naman yung candy at kumain. Tapos tinago ko ulit yung balat.