1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 8

Summer na! Wooooooh!!! Hayy.. pero saking pagbabakasyon. May iniwang habilin ang aking mga magulang. Nagsasabing alalahanin ko daw ang course na kukunin ko. Since wala na naman daw akong problema sa scholarship at sa school na papasukan ko. Pero.. ano nga bang course ang kukunin ko? Wala akong maalalang magaling ako kung saan. Mahahanap ko kaya ang kagustuhan ko ngayong bakasyon.



beep.beep.beeeeeeeeeeeeep!!!


"Lintek! Kitang may nag-iisip dito--"

"Long time no see pangit! Kapal din ng mukha natin ah. Ang pagtaguan ako." :o Nanlaki naman ang mata ko. As in super laki. Kasi naman...

Mas bumongga ang sports car nya.


pero bago pa ako humanga sa kotse nya. Tumakbo na ako. Yung parang si Flash! Takbo. Takbo. Takbo. Takbo!



pero...


Hinarangan nya ang dadaanan ko. Hmf! Epal talaga!

"Huy. Keliit liit mo. Ang kapal talaga ng muka mo!" bigla na naman nya akong binuhat ng parang bigas.

"Waaah! Ilang beses ko bang sasabihin na wag mo akong ginaganito! >:(" nakakainis talaga sya.

Sinakay naman nya ako sa kotse nya. At nagpatakbo sya ng pagkabilis bilis. Piling ko nga naiwan pa ang kaluluwa ko sa lugar na yun kanina.Tumigil lang sya sa isang lugar na malapit sa dalampasigan.

"Bakit mo ako dinala dito!?" dapat bababa ako.

"Subukan mong umalis. Sobrang layo nito sa lugar nyo." at nakita ko pang hawak nya ang wallet ko.

"Huy akin na nga yan. Wala naman akong pera!" binelatan lang nya ako. Sa sobrang inis. Kinuha ko talaga.

"Oops!" nahuli naman nya ang kamay ko. Tinaas nya to habang magkahawak kamay kami. At hinawakan naman ang kabilang braso ko. :o :-[ :-[

"May malaking bagay akong ipapagawa sayo!" ang lapit nya sa mukha ko. At ang awkward pa ng position namin.

Agad din naman nya akong binitawan at pinaandar na nya ang kotse nya. Pero hindi na ganong kabilis.

"Sa 10 kong gf. Kailangan kong magdelete ng 5 at palitan sila ng 3. Kaya 8 na lang. At ikaw.. mag-isip ka ng reason para hindi sila magalit sakin kahit makipagbreak ako." sinamaan ko sya ng tingin.

"Alam mo bang ito ang pangatlong araw ng bakasyon ko! Ito naman ang unang araw ko sa trabaho ko sayo! Tapos ang over hirap pa!" ang sama sama na talaga ng tingin ko. Pero sya! Nagagawa pang ngumiti! Ng pagkagwapo gwapo! Grrrrr!!!~

"Sinabi ko na sayo. Malaki ang pagkakautang mo sakin. At sinabi ko rin sayo. Humanda ka diba.." nginitian pa nya ako. Aaaaaaaaargh! Putek talaga ako.

Wala na naman akong nagawa. Tahimik na naman ang lola nyo. Nakahalumbaba lang ako sa bintana ng kotse nya. Naghihintay na may pumasok sa isip ko.

"Ano!? Nag-eenjoy ka lang atang sumakay sa kotse ko e." agh! Ang kapal talaga.

"Kung ikaw lang ang kasama. Kahit na sa Limousine pa ako nakasakay. Duh!!!" naaaninag ko kung paano pa sya maghalf smile. Ang hot nga nyang ngumiti e. Pero no amaze coz my hart is just por my Bret.

"Hmm.. Siguro sabihin mong may iba kang minamahal. At ipakilala mo ako!" kinindatan ko sya. Pinandirian naman nya ako ng tingin. >:( Nakakainis! Bakit ang gwapo parin nya sa ganon!

Bumalik na lang ako sa pagkakahalumbaba ko. Habang tumitingin tingin sa mga sidewalk. ... ???

"Bakit ang daming bakla ngayon?" natatawa kong sabi. Ang sesexy naman ng mga baklang to. Napatingin ako sa dibdib ko. Mas malaki pa ang foam nila kesa sakin ah!

"Bakla?"

"Huh?" ngumiti na naman sya. Eeet! Bakit na naman ba! :[


Bumaba naman kami. Isang restaurant.

"Wait. Hindi mo naman kailangan sumama e. Back off." kainis talaga to.

Pinanood ko syang pumasok. Nakita ko pa yung babae. Talagang naghihintay sa kanya yung babae. At bonggang bongga preparation. Nakared dress yung girl at parang pupuntang party. Para sakin. Kasi wala naman akong alam dun. Pero.. kung gwapo nga naman ang bf mo. Feeling mo talaga ang laging mag-ayos ng sarili mo. Pero.. bakit di ko yun mafeel kay Bret.

Lumabas ako ng kotse at medyo pumasok. Ngiting ngiti yung girl. Tahimik lang si Nadiel. Pero.. ang gwapo pala ni Nadiel pagtahimik. Gwapo talaga sya. Pero this time 5x. Piling ko tuloy, nakakahinayang syang awayin. Ang gwapo gwapo. Parang hindi Nadiel the perbi ang kasama ko.Medyo lumapit ako. Pumasok na talaga ako. Di ko kasi marinig ang sinasabi nya. At pagpasok ko..





"..I think I'm a gay." muntik pa akong madapa. At nung feeling ko di ko na kaya. Agad naman akong lumabas.
HTML Comment Box is loading comments...