1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 28

WOW!!! As in wow. Sasakay as in over kami dyan sa malaking plane na yan :o :O

“Wow. Nadiel! Ang ganda dito! Alam mo bang first time ko talaga to! Ang galling galling. Sandali.. bakit mo ba ako isasama sa hongkong. Alam mo ba na magiging first time ko rin yun!” tuwang tuwa talaga ako kaya sunod sunod yang mga sinasabi ko.

“Sandali, mukhang ako yata ang lugi dito a. Alam mo ba na punishment mo to. Isinama kita dito dahil akala ko mababadtrip ka.. at sandali..” namula naman ako nung lumapit yung mukha niya sa mukha ko. :[ “Diba ikaw na rin ang nagsabi na kahit na saan pang magagandang lugar ka mapunta, basta pag ako ang kasama, hindi ka matutuwa.” He’s now smirking. Ano ba yan >:( Agaw eksena talaga siya e. Epal talaga.

Nilayo ko naman siya.

“Alam mo kasi. Minsan nagbabago talaga yung desisyon ng isang tao. Pero ang totoo niyan. Badtrip talaga ako.” As in pinakita ko sa kanya yung pinakainis kong look. Pero nginitian lang niya ako dun. >:(

Errr. Epal talaga!


Naenjoy ko talaga yung pagsakay sa eroplano. Nung sinabi nga ng stewardess na lilipad na yung plane. Napahawak ako sa upuan ko. Tawa ng tawa si Nadiel.Pero take note yung tawang hindi nakakainis. Parang yung tawang natutuwa siya sa ginagawa ko. Kaya nginingitian ko na lang siya. Ayoko naming masira yung moment ko dahil lamang naiinis ako sa kagwapuhan ni Nadiel. ::)

Nakita ko rin yung places sa Hongkong kahit na nasa byahe lang kami. Pero nung nasa byahe kami, medyo hindi ako nagpahalatang naeexcite ako. Ayoko namang pahiyain si Nadiel. Nasa trabaho ako, kaya dapat sundin ko lang lahat ng utos niya.

Nung makarating kami sa bahay nung Milka..


“Bakit?” tumingin ako kay Nadiel.

“Ibang iba siya sa Pilipinas. Ang ganda.” Ngumiti ako.

Pinakita naman samin ni Milka ang mga kwarto namin. Isang gabi lang kami dito at dalwang araw. Sa linggo babalik na rin kami sa Pilipinas. May kumatok naman bigla. Pagbukas ko. :o

“Nadiel!?” agad siyang pumasok.

“Wag mo ngang laksan ang boses mo.” Tinakpan ko naman yung bibig ko.

“Bakit ka nga pala nandito?”

“Ang mga gamit mo!?” maleta? So kaya pala siya may dalang maleta!? Gamit ko!? :o

“Paanong—“ nagulat ako nung pagbukas ko ng maleta. :o

Hindi ko mga gamit. Pero damit pambabae. May mga underwear narin. Lahat kumpleto. :o At eksakto lang yung mga damit na maaari kong gamiti sa 2 araw. Pero ang mga brand nung damit na binili ni Nadiel.. ang MAMAHAL!? :o

“Para sakin ba talaga to!?” Agad siyang kumuha ng damit dun.

“Wag ka ngang magulat. Ilang beses na rin ba kitang binili ng mga mamahaling gamit. Hindi lang to ang unang pagkakataon.” May hinagis siya sakin. Tapos tinulak niya ako sa banyo. “Magpalit ka na. May date kami ni Milka. At kailangan kasama kayo nung Stephen nayun. Dapat lang. Kaya nga kita isinama dito sa Hongkong e. Para maboring ka sa kakapanood sa date naming ni Milka. Lalo na at walang Bret dito.” Medyo natawa lang ako. Kasi naman nang-iinis si Nadiel sa lagay na yun. Boring? Ako maboboring. Haller. Hongkong to. Ibang bansa. At ibang iba sa Pilipinas. Bakit naman niya nasasabing maiinis ako sa sobrang boring. Feel ko nga maeenjoy ko ang pagpunta ko ditto sa Hongkong.

“Ano?” natatawa parin ako. Ang cute kasi ni Nadiel pag wala siyang alam sa iniisip ko.

“Opo. Isosoot ko na po.”


Agad naman akong pumunta sa banyo at sinoot nga yung dami na binigay ni Nadiel.
Paglabas ko.

“Okay lang ba na ganito? Parang namang hindi bagay sakin e.” nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at binaba yung isang manggas na damit ko. Kaya kita na yung balikat ko. At bukod pa dun. Lumuhod siya sa harap ko. Syempre nanlaki ang mata ko nung hawakan niya yung palda ko at.. SIRAIN BA NAMAN TO! :o

Tapos. May kinuha siya sa bulsa niya. :o Lipstick.


:o at siyang nilagay sa labi ko.

“Nadiel—“ hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa may salamin na kitang kita ang buong katawan ko. Tapos..


Thump.thump.thump.

Hinawakan niya ang buhok ko at kanyang inayos.




“Perfect. Kahit ang isang Arkin Ramirez.. kaya kong pagandahin.” Pinat niya ang balikat ko at umalis ng kwarto.
HTML Comment Box is loading comments...