1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 29

Nakatingin parin ako sa salamin kung saan nakareflect ang sarili ko. Napakawak ako sa pisngi ko. At nasabi ‘Ako ba to?’ Ang ganda ganda ko. Nagawa ni Nadiel to!? Ginawa ni Nadiel to para sakin? Feeling ko tuloy.. isa narin ako sa mga models niya. Kung nakikita lang siguro ako ni Bret :-/ Ang mga mukhang to. Hindi ko talaga akalaing magiging ganito. Naalala ko tuloy si Heidie, ganito nga ba ang mga tipo ng mga lalaki, yung mga babaeng magaganda, sexy at palaging presentado. :( Ganon din ba si Bret :(

Pagkalabas ko naman sa kwarto agad din naman kaming sumakay sa kotse at bumyahe. Medyo nakakailang lang dahil, hindi tumitingin sakin si Nadiel tapos dinadaldalan pa siya nung Milka. Tapos yung pinsan naman ni Milka na Stephen daw, tingin ng tingin sakin. Tapos nagbablush ba. ERRR~


“So ano, tara, hiwalay na tayo?” nakikita kong magkahawak kamay sila ni Nadiel. “Gusto ko sanang solohin tong pinsan mo, Arkin.” Nagulat ako at agad na tumingin kay Nadiel. :o

“huh?” nakangiti yung Milka.

“Kaya nga tayo pumuntsa dito sa Hongkong, dahil gusto kong magspend ng time with Nadiel. Kaso hindi naman talaga kasama sa plano na pati kayo ni Stephen kasama. Kaya si Stephen na muna ang mag-aaccompany sayo.” Ayoko.ayoko.ayoko.!

“It’s their date. So just leave the both of them.” Hinawakan ako ni Stephen sa kamay. Pero nakatingin parin ako kay Nadiel. Ayoko..

Nung maramdaman kong wala naman akong magagawa. Hinayaan ko na lang na hilahin ako ni Stephen. Wala naman akong karapatang pigilan siya. Tama yung Milka, in the first place pumunta sila dito para sa kanilang kapakanan din. Ako, isang chaperone lang na nagpapanggap na pinsan niya. Na ang totoo gumagawa lang ng consequences. Argh.



… (o.O )

“Nadiel..” napalingon ako kay Nadiel na nakahawak sa braso ko.

“What’s the problem?” napatingin ako sa mga mata niya. Ang seryoso nito. Natatakot man ako sa mga mata niyang yun, pero pinilit ko parin. Ayaw din ni Nadiel na umalis ako. Hindi ba? Pigilan mo ako Nadiel. Kapag sinabi mo, hindi ako aalis sa tabi mo!

“Na..diel..”

“Kung.. isama na kaya natin si—“

“NO!!!” napatingin kaming lahat kay Milka. Napatakip siya ng bibig. “I mean, date natin to Nadiel. So why they should be!? Hayaan na natin sila. Let’s go!” inagaw niya ang kamay ni Nadiel na nakahawak sakin.

Argh! Hindi ko alam ang gagawin kapag walang Nadiel sa tabi ko! :’( Hindi ko pa naman alam kung tama bang sumama ako sa Stephen na’to. Na kung mapagkakatiwalaan ba to?

Tinaasan naman niya ako ng kilay. Napansin niya siguro ang pagkadismaya ko na siya ang kasama ko. Okay! Kin! Umayos ka. Wag mo ngang pahiyain si Nadiel!



“I know a place!” tapos hinila na naman niya ang kamay ko.
HTML Comment Box is loading comments...