1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 31

Tawa ako ng tawa nung mga oras na yun. Hindi ko na talaga kontrolado ang mga nangyayari. Tawa ako ng tawa kahit na wala naman yatang nakakatawa at si Stephen napapangiti lang. kumuha ako ng chichiria para siyang nguyain. Pero natawa naman ako nung sambutin ni Stephen yung chichiriang nagsala sa bibig ko at siyang kinain niya. Dapat nung mga oras na yun, mangilabot na ako. Pero feeling ko inaantok ako! Gusto ko ng matumba pero ayaw ko pa! Ewan ko ba! Ang gulo! Nahihilo na ako! Naikot na ang paligid ko.

Kaya pinikit ko na ang mga mata ko.

 
(O.O  )

Pero bigla akong bumangon nung maramdaman si Stephen.

“Ahhh.. Stephen anong ginagawa mo?” hawak niya ang dalawa kong kamay na nasa ulonan ko. Tapos yung isa niyang kamay, hinahawakan ang mukha ko. Agh! Wala na akong lakas.

Pero ang pinakanakakainis.. Nung—

“WAG!” hinahawakan niya ang legs ko habang hinahalikan ang leeg ko. “STEPHEN HUWAG!!!! NADIELllllllllllllllllllllll~” hindi ko alam kung bakit ko sinigaw ang boses ni Nadiel. Pero ang alam ko lang takot na takot na talaga ako at wala akong magawa! :’(




BLAGGG

“ARKIN!!!” nakarinig ako ng lagapak. Napahawak ako sa kamay ko sa sobrang higpit tong hawakan ni Stephen. Bukod pa dun ang sakit ng ulo ko.

“Nadiel!!!” nanlaki ang mata ko nung makitang nasa ibabaw si Nadiel ni Stephen. Bugbog sarado na si Stephen. Sinubukan kong tumayo. Pero hindi ko masyadong mabalance ang sarili ko. Masyado akong nalasing.

“You asshole! Why did you do that to Arkin!? Get LOST! I’m GONNA KILL YOU!!! You’d better go to hell! F*** YOU!!!” iyak na ng iyak si Milka. Pati siya hindi niya alam ang gagawin.
Ako naman. Nakahawak sa ulo hanggang sa bumagsak na ako sa sahig.



“NADIELLLLLLLLLL!!!! TAMA NA!!!” ang sakit. Ang sakit ng ulo ko. Bukod pa dun kinakabahan ako sa mga nangyayari.

Tumingin muli ako sa kanila. Tumigil nga naman si Nadiel. Nilapitan ni Milka yung pinsan niya. Nahimatay siguro si Stephen. Napuruhan ng sobra si Stephen. Puro duguan ang mukha nito. Si Nadiel naman, hingal na hingal sa galit. Gusto kong tumayo pero di ko magawa. Nakita ko na lamang na may dinadial siya sa phone niya at may kausap siya. Pagkatapos nagtapon siya ng mga dollar sa sahig.


“Better not tell this to anyone, or else me and your cousin will be in trouble!” lumapit naman siya sakin at binuhat ako. Ang sakit ng ulo ko. Gusto kong magsalita at kausapin siya. Pero mukhang naubos na ang lakas ko sa pagsigaw kong yun.


“Tumulog ka na lang. Ako na ang bahala sayo.” Ginawa ko naman ang sinabi ni Nadiel.
HTML Comment Box is loading comments...