“Waaaaah! Nakabalik na tayo sa Pinas! Is this for real! Hayyy.. mas masarap parin yung feelings dito no!”
Nasa byahe na kami. Namamasyal na lang kami ni Nadiel. Sabi niya kasi gusto daw niyang bumawi. Kaya hayan sabi ko bumyahe kami ng bumyahe hanggang sa hindi ko sinasabing umuwi kami. Haha. Abcent nga kami parehas e. 8 kami dumating dito sa pinas. At alam niyo ang pinakamalaking bagay na nakakapagtaka na nangyari saming dalwa. ::) Isipin niyo… ahihihihihi~ edi ano pa! yung naghalikan kami ng SOBRAAAAANG TAGALLLLLLLL. Oo ganyan talaga katagal. ::) Kung umasta ako parang walang boyfriend. Hehe~ wala naman yung malisya. Kay Nadiel! TALAGA!
“Weeeeeeeeeeh…”
Maya maya tumigil kami. Bumibili kami ng makakain. Habang nagdadrive siya, sinusubuan ko siya ng pagkain. Ang saya nga e. may libre pang ngiti. Medyo hindi na ako naiilang pagnagtatama yung mga mata namin. Iniisip ko na lamang na bahagi to ng buhay. Siguro nakatadhana na talaga kong makasama yung ganitong kagandang creature ni god. Atsaka dapat masanay na ako. Ang sarap din naman ng feelings na tinitingnan si Nadiel. Pero di ko paring magawang titigan siya. Baka mawala ako sa sarili ko e :-[ :-[
Hanggang sa 9 na ng gabi niya ako nahatid sa bahay.
Nakahiga ako ngayon sa kama at inaalala lahat ng nangyari. Ang nice ni Nadiel sakin ngayon. Talagang tinupad niya yung pangako niya. … :-/ Pagkasabi ko ng pangako. Bigla akong nakaramdam ng pagkauncomfortable. Parang may nakalimutan ako.. kaya kinuha ko yung cp sa maleta ko. Binuhay ko yun :(
At..
50 unread messages
Puro kay Bret ang mga messages na yun. :-/ Kaya isa isa kong binuksan. At habang binabasa ko yun. Hindi ko napansin ang pagpatak ng mga luha ko. Napatungo ako at napahawak sa ulo ko.
“Ang tanga tanga mo Arkin.May boyfriend ka. Pero natutuwa ka sa piling ng ibang lalaki.” Argh! Bakit ba nagiging emotional ang mga nangyayari sa kwentong to! *sob* Nakakainis..
Naalala ko na naman yung mga sakit na pinaramdam sakin ni Bret.
Pero ngayon hindi ko alam kung sino bang mas gago samin? Siyang hindi tumupad at kumalimot ng pangako? O akong mentally’ng pinagtataksilan siya?
Kinabukasan, pagkadating ko sa school. Sa room agad ni Bret ako dumiretso. Sumilip lang ako. Tiningnan ko siya. Tumatawa siya kasabay ng mga kasama niya. Mabuti naman at hindi siya ganon naapektuhan ng pagkawala ko ng 3 araw. :-/
“Arkin!” nagfreeze ako nung tawagin niyang muli ang pangalan ko. Ang.. ang sarap sa pakiramdam. Namiss ko ang boses niya. :) “kin..” at niyakap niya ako. :o