Agad naman akong kumawala.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?” tumingin ako sa paligid. Baka may nakakita.
“I’m sorry! Sorry sa lahat ng nagawa ko. Kinailangan mo pang magsinungalin kina Tita na pupunta kang Hongkong. Hindi ko alam kung saan ka ba talaga pumunta. Pero sigurado ako, ginawa mo lang reason yun para iwasan ako.” Ano ba sa tingin niya ang pinagsasabi niya ??? “Kin, sorry! sorry! sorry!" nakatungo siya ngayon.
Pero hindi na ako galit dahil dun. Galit ako sa sarili ko Bret, ngayon.. ako naman ang nagtataksil. Pinagtataksilan kita Bret. Anong gagawin ko? Dahil sa mga nangyari samin ni Nadiel, hindi ko na tuloy alam kung paano pakikitunguhan si Bret.
"Okay. Aayusin ko to! Pangako!
Goodnight." tapos.. nikiss niya akom sa forehead. :'(
Sa lahat ng mga ginagawa niya.. isang tao lang ang naaalala ko. At.. si NADIEL yun.
"Bakit ka tahimik?" nakahiga lang ako sa kama niya.
"Nagparamdam na ba si Milka?" naririndi ako sa tunog ng laptop niya. Gusto ko ng katahimikan. Para makapag-isip isip ako sa tunay kong nararamdaman. Argh! bakit naman kasi kailangan pang magtrabaho pagkataposng lahat ng nangyari. >:(
"Sabihin mo nga, tapos na ba yang mga love poem na pinagagawa ko sayo!?" sinamaan ko siya ng tingin at hindi ko naiwasang mapatingin sa ginagawa niya ??? May kachat siya.
At.. :o Nag-I LOVE YOU sa kanya yung kachat niya! Hmmm.. ano kayang reply niya.
"ANO!?"
"Ah?" nagkatitigan kami. agad naman akong umiwas nung maramdaman ang kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko. ang mga matang yun na naman ni Nadiel. :(
..akala ko ba nagdesisyon na akong magustuhan ang mga yun. :(
"Ito. Tinatapos na nga e."
Bakit naman kasi kailangan pang ako ang magsulat ng mga love poem na'to sa mamahaling slum note na'to! >:( eh kung titingnan. mas maganda naman siyang magsulat sakin!
"Wala na akong contacts kay Milka. Pinaltan ko na ang contact number ko. Para di na niya ako macontact." napatigil naman akong bigla.
"Alam mo! Hindi mo namang kailangang gawin yun! Alam kong gusto mo si Mil--" inikot niya yung upuan niya at lumousy na naman ng upo. HOT! :o Ahehm. Ahehm. :o Wahhh.. ano na naman ba Nadiel! Kahinaan ko yan e.. :(
"Gusto? Bakit sino ka ba para sabihin ang mga yan sakin, Arkin Ramirez? Hindi mo pa ako kilala kaya wala kang karapatang diktahan ang mga ginagawa ko." inikot na uli niya yung upuan niya. Naglog-out na siya sa ym niya. Nakita ko pang hindi na niya nagawang replayan yung kachat niya.
"Hindi naman ako nangingialam e. Hindi ko lang alam kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na yan.." pabulong ko. Na mukhang narinig naman niya.
:o Nagulat naman ako nung makitang nasa tabi ko na siya. At sobrang lapit pa niya sakin. As in nakahawak siya sa kama para lang makalapit sakin ng ganon :o
"Nadiel?"
"May date kayo ni Bret this Wednesday diba? Liliban kayong dalwa?" tapos .. *pikit*
"Ah." kinuha lang pala niya yung towel niya sa kama.
"Dapat, bumawi ka sa kanya." naglakad na siya paalis. At narinig ko pang sinabi niya to..
"Kung ano anu anong nasa isip mo. Hindi ba dapat yung mas mahalagang tao ang mas inaalala mo." hindi ko alam kung sinadya niyang iparinig sakin yun.
Pero.. natamaan yata ako sa mga sinabi niya. Mas mahalaga? Sino na bang mas mahalaga sainyong dalwa ni Bret. pagkatapos ng lahat na nangyari satin sa Hong Kong, sa tingin mo hindi ako mag-aalala nito. Halos mafall na nga ako sayo e >:(