Wednesdays, 8:00 am. May usapan kami ni Bret na magdedate kami. Hindi ko alam kung totoo ba yun, pero dahil school days yun ibig sabihin kailangan naming umabcent.
Ibig sabihin aabcent kami? Pero imposible naman. Hindi maaaring umabcent si Bret sa modelling. Hindi aabcent si Bret dahil lang sa date namin..
"Agggh!.." napahawak ako sa ulo ko. Nahulog kasi ako sa kama. Ibig sabihin nananaginip lang pala ako. Aray..
7:45 na. Bumangon ako sa kama nang di nag-aayos ng buhok. Dire diretso lang ako sa kusina at naghilamos. Aray ang ulo! Binuksan ko ang ref. Tiningnan ang lamesa. Agad naman akong pumunta sa salas habang hawak hawak ang ulo ko.
"Maa! Nasaan ang almusal ko!?" hinihilot hilot ko ang ulo ko. Tiningnan ko si mama pero tiningnan lang niya ako ng 'okay ka lang' look. Kaya tiningnan ko siya ng 'wala ako sa mood, ok?' look. Asar talaga si mama oh. Alam naman niyang gutom ako pagnagigising.
--.--
"Diba ngayon ang date niyo ni Bret?" inis parin akong nakatingin sa kanya kaso lang nung marinig ko ang sinabi niya!!! :o
"Ibig sabihin di po ako nananaginip?!" napahawak ako sa ulo ko at kinamot kamot to.
Ayy lintekan! Seryoso ba talaga si Bret na babawi siya sakin!? Medyo pagod na rin ako sa pagpapaasa niya ah! :||
"Nagtext siya. Hmm at mukhang 10 minutes na lang darating na siya." nanlaki naman ang mga mata ko. Kaya agad akong umakyat ng kwarto at pumuntang cr para mag-ayos.
Shetttt! Kahit na hindi ako sigurado na matutuloy gogora parin ako! Kailangan subukan ko! Kailangan ko ring bumawi kay Bret. At para narin malaman ko ang tungkol sa nararamdaman ko. Aggh! Halos mabulag na ako sa pagmamadali sa pagshashampoo. Kinakabahan ako. Pero.. excited :D
Pagkatapos kong maligo. Agad akong nagsoot ng damit, damit na bigay ni Nadiel. Yeh reyt! Binigyan niya ako ng outfit ko pan-date. Bumawi daw ako sa totoo kong boyfriend. At pagbukas ko rin ng paper bag na bigay niya sakin, may kahon ng.. iphone?? Binigyan niya ako ng cellphone. Tapos may note pa na: 'pinabibigay ni mommy. enjoy u'r date'
Medyo.. medyo lang ah.! Medyo hindi ko siya maintindihan. Alam namin ang totoong relasyong meron kami. Para sa kanya.. tama! Para sa kanya, lahat ng nangyari samin ay walang kahulugan. Well anyway, andyan si Bret. Ang totoo kong boyfriend.
"Maa.." bumaba na ako ng kwarto.
"Kin." tumingin naman ako sa tumawag sakin. Nakangiti siya. Pogi parin siya. Mas lalong pumogi.
"Brett!" agad ko siyang niyakap. Pinat naman niya ako sa ulo.
Kumain kami sa labas ni Bret. Nakakatuwa nga e, nagsusubuan pa kami habang tumatawa. Haha :D Parang first time lang uli namin magdate. Pagkatapos pa nun e nagmall kami. Ng magkaholding hands.
"Arkin."
"hmm?"
"Bagay nga pala sayo yang soot mo." tapos nauna syang maglakad. Napatingin naman ako dun sa may reflection ko. At tama nga siya. Bagay nga sakin yung outfit..
Ibang klase talaga si Nadiel. Kahit pangit napapaganda niya. Kung magtayo kaya siya ng negosyo.. Hehehe.
"Kin!" nakangiti naman si Bret sabay pasok sa may Nokia Shop??
Sumunod naman ako. Nakita ko naman syang may kausap na saleslady. Ngiting ngiti 'to kay Bret. Tss. Kaya agad naman akong lumapit kay Bret at lumink sa kanyang braso. Nakita ko pang medyo nadisappoint yung saleslady, pero ngiting ngiti lang ako. Wahaha _v_
"Bret, ano bang ginagawa natin dito?" ngiting ngiti si Bret sabay sabi ng mga katang to:
"Ibibili kita ng cellphone :))" cellphone? Iphone? @.@ Did ai hird hem rayt?!
"Para madali kitang macontact. Ihmm.. sige na Arkin, alin ba sa mga models na'to ang gusto mo? Don't worry, akong bahala sa bayad." bumitaw naman ako kay Bret. Tumingin ako sa iba't ibang models ng cellphone. Pero.. hindi ko alam ang pipiliin ko..
Hindi kasing yaman nila Nadiel si Bret, kaya kahit na kelan hindi ako humihingi sa kanya ng kahit na ano. Hindi rin naman pati gastador si Bret.. pero ngayon.. bakit kailangan niyang gumastos para sakin? Bakit parang may hindi tama..
"Bakit ba ayaw mong pumili ng cellphone? Haha. Pero mas maganda na rin tong couple phone. 20% off. Maganda pa. Hmm.. masaya ka ba Arkin?" hinawakan niya ang kamay ko.
"Ah o-Oo!" I tried my best to smile sweetly. Pero nakokonsensya ako. Alam ni Bret na wala akong cp, pero kanina.. niregaluhan ako ni Nadiel ng phone.. :||
"Atsaka.. bibili na nga pala ako ng sarili kong kotse. At gusto ko.. ikaw ang una kong isasakay."
Yun yung huling sinabi ni Bret. Napayakap ako sa sarili ko. Sobra sobra na 'to. Wala na akong maintindihan. Feeling ko ang layo layo ni Bret..







