Hindi pa nagpaparamdam si Nadiel sakin simula kahapon hanggang ngayon. Kahit na may sim na naman tong phone na binigay niya sakin, sigurado naman akong alam niya ang number na'to, pero di siya nagpaparamdam. Balak ko na ring ibalik sa kanya 'tong cp. Mali kasi e. Hindi naman pati kami tunay na magboyfriend.
'kin, kita tau sa my main gate. May sasavhin ako sau.'
Text ni Bret. At ngaun papunta na ako sa main gate. Medyo hirap nga akong gamitin 'tong cp niya kasi touchscreen.
Malayo pa lang kita ko na siya.
"Bret!"
"Tara!" hinawakan niya ang kamay ko.
"Ano nga palang sasabihin mo?"
"Tungkol dun, may part time job nga pala ako." pinanlakihan ko naman sya ng mata.
"Bakit kailangan mo ng part time job? May nangyari ba!?" pinat naman niya ang ulo ko habang tumatawa. --.-- Tingnan mo 'to, nag-aalala na nga ako tapos eto pa sya tinatawanan lang ako. >>.<<
"Nagmomodel ako sa isang magazine. Mamaya na ang simula ko. At sa tingin ko makakatulong din 'to sakin. Para naman may experience na ako. At gusto ko samahan mo ako." nakapat sya sa ulo habang nakangiti. Alam niyo yung gwapo na nga siya tapos lalo pa syang gumagwapo pagnakangiti. >>.<< Eeet!!! Panu ba ako makakatanggi!
"Sige."
Pumunta na kami sa mga sarili naming klase. Binigyan na lang ako ni Bret ng address kung saan yung part time job niya. Mas una kasi akong uuwi bukod pa dun hindi siya sigurado kung masusundo ba niya ako.
"Class dismissed."
"Ms. Kin." tinawag ako ni Gavin. Oh kitams alam ko agad. E sa konti na nga lang na lalaki na nakakakilala sakin, siya lang sa konting yun ang tumatawag sakin ng Miss. Tsk tsk.
Nilingon ko siya. Isa pa 'to e. Gwapo na nga at kailangan pa talagang ngumiti! :D Pero sa lahat si Gavin ang pinakacute. Parang kasing ang inosente niya :D
"Oh? Bakit?"
"Gusto ko lang sanang ipaabot sayo 'to. Pinadownload kasi ni Nadiel 'to sakin. Kaya naisip ko na sayo na lang ipaabot since mas madalas kayong magkita." inabot ko naman ng walang pagdadalwang isip.
"Cd?" tiningnan ko sya ng nagtataka look. Kasi naman may nakalagay na Sb dun sa Cd. At alam niyo ang weird? Si Spongebob lang naman ang pumasok sa isip ko.
"Oo. Salamat huh!" bago pa man ako makapagreact ay nakaalis na siya.
Aaggghh~ Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala kami nagkikita ni Nadiel ngayon. Atsaka.. hindi ko nga sya nakikita dito sa school e. Ano namang sasabihin ko dun? E saka lang naman kami nagkikita num pagkailangan ako nun. Tskk. Ang dami kong reklamo! Makapunta na nga lang sa mokong na yun.
"Anong ginagawa mo dito?" yan agad ang tanong niya pagdating ko sa kwarto niya. Nakaleaned sya sa pinto at bored na bored na nagtatanong..
pero ang HOT niyang tingnan. Nakasando kasi siya.. >>.<<
"Pinaaabot ni Gavin!" agad kong binigay sa kanya. Suplado syang tumingin dun sa inabot ko. At nung mukhang naalala niya kung anu yun agad niya 'tong kinuha. Medyo kinakabahan pa nga sya e. Tss!
"Tapos ka na ba!? Oh xa alis na. Chupe chupe!" umaakma pa syang parang nagpapalayas lang ng aso. Tss. Suplado talaga nito. Demonyo!
"At eto!" basta ko na lang na inabot sa kanya.
Takang taka naman nyang tiningnan yung kahon. Tapos.. medyo.. ewan ko lang. Parang kasing.. nadisappoint sya pero agad din nyang nabago yung expression ng mukha nya.
"Bakit?" ngayon nakacrossed arms sya. Naiinis nga ako e! Kanina pa nya akong hindi tinitingnan! >:(
"Kahapon din, binili ako ni Bret ng cellphone. Di hamak na mas maganda yan. Pero.. alam mo naman ang estado namin ni Bret."
"Sa tingin mo ba gusto kitang bigyan ng cellphone!" ngayon nakatingin na sya sakin. Galit sya pero agad din naman syang umiwas. "Iniisip ko na mas madali kang macontact kung may cp ka. Kaso mahirap ka!" at talagang ineemphasize niya na mahirap ako! Demonyo talaga 'to..
"Pero.. si mommy talaga ang nagbigay nyan sayo! Kaya ikaw ang magbalik nyan!" tatalikuran na sana niya ako nang hawakan ko ang kamay niya ng pareho kong kamay.
bzzzt!!
Ano yun??
"Ano!!?"
May ground ba ang katawan ni Nadiel at nakuryente ako!?