"Ano!?"
Nagkatinginan lang kami. Ako takang taka at sya inis na inis. Dahan dahan naman akong tumingin sa kamay niya. thump.thump.thump. AT NGAYON YUNG HEARTBEAT KO NAMAN ANG PROBLEMA!!
"Ah!" agad ko namang binitawan ang kamay niya.
Ano ba kasing problema!? O.o
"Problema mo." tumalikod uli siya kaya yung sando na lang nya ang hinigit ko.
"Samahan mo ako sa mommy mo!" bakit feeling ko uminit? Kahit de-aircon naman 'tong mansion nila Nadiel.
Pumunta naman kaming office ni madam. Tahimik lang kaming naglalakad. Tahimik. As in hindi umiimik.
Nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko-- Agad kong niturn off ang cp ko. Pero huli na ng makita niya ang cp na bigay ni Bret..
Nagkatinginan kami. Halaa~ di ko magets ang reaction niya. O.o Ayoko nga kasing makita niya yung fone! E bakit nga ba ayokong makita niyaaaa!!~
Hindi naman sya umimik at binuksan lamang niya yung pinto. Tss. Ito talaga di man lang kumatok! Bastos! >>.<< At eto pa, pagkabukas na pagkabukas nya agad syang lumeaned sa pinto habang nagcrossed arms. Tapos sinenyasan pa nya ako na pumasok. Eeet! Talagang sinamahan lang niya ako! >:c
"Oh Arkin, Nadiel." nakangiti nitong sabi.
"May sasabihin po senyo si Arkin, ma." tiningnan ko si Nadiel pero di sya nakatingin sakin :|
"Ano yun?" waaah nakangiti na naman si madam. Mas lalo tuloy akong kinakabahan. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy 'to.
"Uhm ano po kasi.." tama. Para kay Bret 'to. Kaya agad kong nilabas yung fone at agad na sinabi 'to, "Salamat nga po pala dito sa iphone pero hindi ko po ito matatanggap--"
"--Buti naman nagustuhan mo! Alam mo kasi mahirap din sa magkarelasyon na minsan lang magkita, tapos.. study pa ninyo. Kaya di tayo nakakasigurado kung may oras kayo para sa isa't isa. Kaya mas mabuti na may connectado parin kayo sa isa't isa kahit sa phone." parang akong nawalan ng mood. Hindi niya narinig ang sinabi ko. Nanlambot ako..
"Pero ma, hindi mo ba narinig ang sinabi niya?" napatingin naman ako kay Nadiel. Nakatayo na sya ng tuwid at.. umiimik :'c
"I did! :) And I'm grateful na nakatulong ako senyong dalwa." lumapit si madam sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Tss!" agad naman lumabas si Nadiel. Sinundan ko naman sya ng tingin.
"Uhm sundan ko lang po si Nadiel!" nagbow ako at agad na sinunadan si Nadiel. At mukhang papunta si Nadiel sa kwarto niya.
Pagdating ko naman sa kwarto nya, nakita ko lang sya na naglalaptop sa kama. Agad naman akong tumabi sa kanya. Tiningnan ko sya pero di sya tumitingin. Seryoso syang nakikipagchat sa mga gf's niya kahit walang emosyon yung mukha niya. Hindi ko sya maintindihan.
"Ah!" bigla ko namang naalala yung tungkol sa tawag ni Bret. Agad kong binuhay ang cp ko at isinantabe ang cp na bigay ng mama niya.
"Why aren't u answering ur phone?" text niya. Nang bigla na naman syang tumawag.
"h-Hello Bret? Ah oo! Promise pupunta ako. p-Pasensya na kanina.. ah ok. Bye." tinago ko naman ang cp ko at pagtingin ko kay Nadiel, nakatingin na pala sya sakin. Kinabahan ako.
Pero agad din syang bumalik sa pagchachat.
"Sige na. Puntahan mo na sya. Kokontakin na lang kita pag may iuutos ako." nakita ko pa na ngumiti sya. Binasa ko yung message nung babae.. kaya pala.
Walang imik akong umalis pagkatapos nun. Taka nga ako e kung anu bang pinunta ko sa kwarto niya. Masyado akong nagiging weird pagkasama ko si Nadiel.
"Sorry miss pero hindi pwedeng pumasok ang mga outsider sa studio--"
"Pero sinabi ko na sayo na may kilala akong model dyan. Bf ko yun!" hay naku kanina pa akong nakukulitan sa babaeng 'to. Di na ako tantanan. Parang namang may mapapala ako sa loob. Kung wala lang dyan si Bret e hindi naman talaga ako pupunta dito! >:(
"Kin!!" napatingin ako sa tumawag sakin habang inaawat parin ako nung babae.
"Bret!" o.O shocks!!! Nakasando sya! :D ampogi!
"Ah miss, kilala ko po sya." tinaasan ko ng kilay yung babae.
"Ah sige." at mabilis din agad 'tong umalis. Bv lang oh! Papasukin din naman ako.
"Buti nakarating ka.-"
"1 minute!" napalingon kami.
"Dyan ka na lang muna Kin. Hintayin mo ako dyan a. Panoorin mo lang ako."
Ngumiti naman ako at bumalik naman sya dun. Pumwesto sya. Nakakatuwa naman. Feeling ko mas naeexcite pa ako kesa kay Bret. :D Okay na sana lahat e.. except one thing..
Bakit nandito si Heidie?