1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 38


Nalaman ko na magkapartner pala sila sa part time job na'to. Medyo weird lang kasi biglang nawala ang pagkaexcite ko. Parang gusto ko ng matapos yung pictorial.

"Closer! Closer!" at ang nakakainis kanina pang sumigaw ng ganyan yung photographer.

Closer! Closer! >:( Sobrang close na nga nila e! Asarr a! Nandito pa ako. Tapos 'tong si Heidie eff na eff yung pictorial. Siyang siya na! Hmf! Kahit medyo naiinis ako sa mga ngiti ni Bret.. alam ko na bahagi lang 'to ng trabaho..


"Okay, see you next week!"

"Kin." lumapit naman sakin si Bret.

"Tapos na?" tumango naman sya.

"Bret! Arkin.." nakangiti sya. Si Heidie. "Uwi na ako. Ingat kayo a." hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko pagnakikita ko yang si Heidie. Nice sya.. kay Bret. Pero wala din naman siyang ginagawang masama sakin. Hindi rin naman alam ni Bret na nagseselos ako kay Heidie. Pero ewan ko ba.. parang wala din akong masabi kay Bret.


Tama nga bang sabihin ko sa kanya? :-\



Ang hirap naman ng walang kaibigan. Diba ganito sa mga teleserye. Yung bang pagbroken hearted ka, may mga kaibigang magsusupport sayo at mag-aadvice sayo. Pero sa lagay ko, loner ako. :c Aww ang hirap. Panget na nga, loner pa! Looser! :'c

"Ah." may sumampal na papel sa mukha ko. Haiiist.. pati tadhana ko sinasampal sampal na lang ako ng papel. Pagtingin ko.-

"Oh it's you! Arkin, right? Tanda mo ba ako?" tinuro niya ang sarili niya. Pero tinitigan ko lang siya.. Haisst ang boring.

"Ritchel! I'm Ritchel Padilla. Remember? Yung no. 1 fans ng MO, ni Nadiel Fortalejo! Yung first day mo dito." napakunot ako ng noo. Kung makapag-explain sya, wagas talaga! Pero wala namang bumalik sa utak ko. Wala akong maalala.

"Ahh.. musta?" sabi ko na lang. Sige na. Bala bala na lang kilala ko siya. Malay niyo kilala ko nga siya. Parang yung kay Gavin lang. Kayo ba? Naaalala niyo ba siya? Ipaalala niyo nga siya..

"Mabuti naman. Kaw ba?" umupo sya sa harap ko.

"Ganon din."

"Ano nga palang number mo?" woot! 3 na ang laman ng phonebook ko :D

"Alam mo madalas kitang makita sa org. Ang sweet niyong magbf, si Bret Lacson! Ihihm. Atsaka.. yung bagong model na pala ang bagong partner ni Bret. Maganda din sya a!" medyo nainis ako sa sinabi niya. "Parang ngang familiar yung Heidie e. Hmm.. pero di rin ako sigurado. Parang kasing sya yung babae noon na lagi ring nasa org. Palaging pinapanood ng babaeng yun si Bret. Pero ngayon wala na sya." tumingin sya sakin.

"Pero imposible din na yung Heidie at yung babaeng tinutukoy ko e iisa. Magkahawig lang siguro sila in diff. ways." ngumiti 'to. Sa totoo lang. Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya. Ano namang kinalaman ni Heidie at Bret dito? Nakakaasar a.

"Ritchel!"


"Uhm sige next time na lang uli! See you!" kinaway ko na lang ang kamay ko.


Papunta naman akong convenience store. Kakain sana ako pero may iba pa akong nakita.

"Ang gwapo naman nung lalaki.!"
"He looks familiar. Parang sa FMU siya pumapasok. Girlfriend niya kaya 'to?"
"Bagay sila. Perfect match."

Nakita ko yung dalwang babae na yun na nasa tabi ko lang na tinitingnan ang mga picture nila Bret at Heidie. Tuwang tuwa sila. At gandang ganda sa mga picture nila. Umalis naman ako ng tahimik dun.

Parang akong tanga. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naiinsecure ba ako? Pero isa 'to sa mga pangarap ni Bret. Dapat nga magpasalamat ako kay Heidie pero.. Hindi yun ang nararamdaman ko!




Nagseselos ako kay Heidie!
HTML Comment Box is loading comments...