"--tapos ang ganda pa ng mga isosoot namin! Hindi na nga ako makapaghintay e! Alam mo yun magpapractice lang kami sa isa sa mga sikat na stage pa. At sa Manila pa gaganapin! :D Excited na ako!" umiinom ako ng tingnan ko ang reaction ni Bret. Tuwang tuwa kasi sya. Mga 1 week kasi pupunta lahat ng mga higher year models sa Manila para rumampa at para ipakilala narin ni Nadiel ang mga bagong models sa FMU. Medyo nakahinga nga ako ng malaman ko na di makakasama ang mga freshmen. Hehehe >:(
"Sasama ka a!" ngiting ngiti naman akong tumango.
Nagkahiwalay din kami ni Bret matapos. Pumunta na ako sa klase at tumabi naman ako kay Gavin. Ngumiti sya sakin. Mga 5-10 mins. naghintay ang klase namin kay prof. Hanggang sa inabot ng 15 mins. wala pa ding teacher na dumadating. Bakit kaya? Vacant na kaya kami :D Sana wag ng dumating ang prof. namin.
"Mukhang mawawalan pa tayo ng klase no?" tumingin ako kay Gavin at tumango. Mamaya pa may nag-announce na wala ngang klase. Agad akong tumayo at nag-ayos ng gamit. Yung iba agad na lumabas na.
"Tara kain tayo." tumingin ako sa kanya. Nakangiti na naman sya. Hala! Pagkakacute. Ansarap kurutin! >>.<< Hmf! Balak ko pa naman sana na matulog na lang. Pero sino bang makakahindi kay Gavin. :D
Pumunta nga kami. Pero nilibre na din niya ako. Tahimik lang kaming kumakain. Tumingin ako sa paligid. Parang wala man lang nakakakilala kay Gavin?? Talaga bang wala syang kaibigan dito sa school? May iba namang sumusulyap sa kanya. Hmm.. isa pa kasi 'tong gwapo.
"Hindi ka pala umuuwi kila Nadiel no?" sa laki ng bahay nila Nadiel. Parang ang mama lang ni Nadiel at siya ang nakatira dun. Well kung walang mga maid dun, butler, at mga guard at kung sino sinu pang mga kasambahay.
"May sarili akong condo."
"E si Nadiel? May condo ba siya?" umiling 'to.
"Hindi maaaring iwan ni Nadiel ang mama niya. Hindi niya maiiwan 'to." bigla ko naman naitanong 'to.
"Ang papa ni Nadiel? At may kapatid ba sya?" lumayo ang tingin ni Gavin. Ngumiti sya pero peke.
"Ang papa ni Nadiel, I think makikilala mo sya balang araw since kayo ni Nadiel. At kapatid.." parang ang lungkot ng mga mata ni Gavin.
"Nag-abroad sya sa bansang hindi namin malaman at mukhang wala ng balak bumalik." hindi ko alam kung bakit mukhang affected si Gavin sa sinabi niya. Pero.. si Nadiel. Ano kayang masasabi niya dito?
Pagkatapos nun di ko na muna kinausap si Gavin. Ewan ko ba, pero parang kailangan niya ng katahimikan. Mukhang kaclose niya ang kapatidni Nadiel. Lalaki ba o babae yung pinsan nyang yun? Baka bestfriends sila. May nangyari kaya? Kaintriga naman.
"Ui." nagvibrate cp ko. Nagtext si Bret na di na naman kami magsasabay tapos punta na daw ako sa part time job niya at magsisimula na ang pictorial nila for new magazine.
"Bakit? Ano daw yun?"
"Kailangan ko na kasing umalis." tumayo din sya.
"Ihahatid na kita." o.o Nakuu hindi niya alam na pupunta ako kay Bret. Tatanggi na lang a-- "Sige na please. Sinamahan mo naman kasi ako dito."
Sa huli wala din akong nagawa. Buti na nga lang pagdating namin dun di na nagtanong si Gavin ng kung anu ano. Agad din syang nagpaalam at umalis. Ngumiti na lang ako.
Nagsisimula na pala nun ang pictorial. Napansin ko din na dumami yung mga tao. Kaya naman mas lumapit ako para makita na ang nangyayari kay Bret. At.. O.0 SOBRANG POGI NIYA :D Nakangiti sya. Ang saya ng mga ngiti ni Bret. Nakakatuwa na sana e..
Kaso andun si Heidie.
"Okay! 5 mins. break!" akala ko makakausap ko na si Bret pero bigla silang kinausap nung photographer.
Naring ko pa na pinag-uusapan ng lahat na..
"Bagay sila!"







