"Bagay sila!"
"Alam niyo ba na bumenta daw yung magazine! Bukod pa dun madaming mga taong humihingi ng mas madaming kuha nila Bret at Heidie!"
"Perfect match nga naman sila e. Napakagwapo nung Bret na talagang pumerfect sa beauty ni Ms. Heidie."
"Pansin ko lang din na comfortable naman sila sa isa't isa. Baka may something na."
"Nakuu.. gustong gusto ko sila!"
</3
parang akong binayak sa ulo hanggang paa. Parang hinati ang pagkatao ko.. at nabalewala. Ang salitang yun.. kahit na kelan hindi ko narinig simula ng maging kami ni Bret. Tumingin ako sa kanila. Halata namang gustong gusto nila sila Bret at Heidie. Hindi naman nila siguro intensyon na sabihin 'to sa likod. Pero bakit ganon.. feeling ko wala akong kwentang girlfriend.
Medyo umusod ako patalikod. Pumunta dun sa sulok na medyo konti lang makakakita sakin but still makikita ko pa rin si Bret. 'Arkin! Hindi ka iiyak! Hindi ka magpapadala sa nararamdaman mo! :'c Ako ang girlfriend ni Bret. Ikaw Arkin. At.. mahal ka niya. :'c
"Let's start!"
Pumwesto sila Bret at Heidie. Mukhang sinabihan na sila nung photographer. Nakaupo lang si Heidie sa sofa habang nasa likod lang si Bret.
Bigla namang tumigil yun photographer nung may lumapit dito at may binulong ata.
"Uhm Bret. Medyo mababago ang position mo." lumapit yung photographer kay Bret. Pinahalumbaba niya si Bret sa mga braso nito sa may likod pa din ni Heidie. But this time ang lapit ng mga ulo niya. "At ms. Heidie hawakan mo ang mukha ni Bret gamit ang isa mong kamay."
thump.thump.thump.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ewan ko pero parang tumatalon 'to sa galit. Naninikip ang dibdib ko. Ayoko ng posisyon nila.
"Then smile.. sweetly!" napahawak naman ako sa bibig ko. Parang.. naiiyak ako.. :'c
"I want new!
No not that!
Ipaglapit niyo mukha niyo.. nang magkaharap! Yan! Smile!
Wait! More closer. Inch lang ang layo. You won't kiss kaya gawin niyo na. Good! Maganda!"
*sob*
Hindi ko na napigilan at pumatak na ang mga luha ko. Nakakahiya ako! Bakit ba ako umiiyak!? :'c Parang akong tanga! *sob* Umiiyak ako sa maliit na dahilan. Arkin, ano ba!
Agad akong tumakbo palabas. Nang makalabas ako bigla naman akong naout of balance. Nadapa ako. Iyak ako ng iyak.
Mali 'to. Bakit ako lumabas? Kailangan ako ni Bret sa loob. Inaasahan ako ni Bret sa loob. Ano ba talagang inaarte arte ko?! It's just a picture! Tarabaho lang 'to. Imposible naman na mafall si Bret kay Heidie dahil maganda 'to at kahit perfect match sila. Bakit ako.. minahal nya ako kahit hindi ako ganon kaganda. *sob* aaaagh! Napakainsecure mo Arkin!
Naglakad naman ako pauwi. Wala akong pakealam kung gaano kalayo basta gusto kong mapag-isa.
beeppp!
Napatigil naman ako at lumingon. Isang kotse.
"Arkin." napangiti naman ako ng makita sya. "Sakay na." tumango naman ako at agad na pumasok sa loob pero..
"Wag na dito sa front seat. Sa likod na lang. :))" nakakaasar..
Kasama namin si Heidie.