1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 41


"Hi Arkin." ngumiti sya kaya ngumiti narin ako.

"Bakit ka naman umuwi agad. Akala ko nga hindi ka pumunta. Buti na lang nakita ka ni Heidie." nagngitian sila sa isa't isa kaya binaleng ko na lang ang tingin ko sa labas.


"Ito na ba yung new car mo?"
"Ah oo!"
"Ah gutom ka na ba Bret? May binili akong oreo."
"Penge!"

Bakit ako sumakay dito..

"Arkin, gusto mo?" umiling naman ako ng nakangiti. Pero agad kong binago ang expression ng mukha ko nung magkausap na uli sila ni Bret. :'c

"Kin, okay ka lang?" pinilit kong wag suminghot.

"Oo. Ang saya nga e. Ang ganda ng new car mo Bret!" naniklop ang mga kamay ko.

Naririnig ko ang pagtatawanan nila. Tanong lang a. Kailan pa sila naging close?! Noong dumalaw si Heidie sa kanya nung panahong may sakit sya.! Lintekan! Di ko na kaya!

"Bret, bababa na ako. May pinabibili pa nga pala sakin si mama." hindi ko na kayang makipagplastikan.

"Sige hintayin ka na lang namin--"
"Hindi!" napatingin si Heidie sakin. "Madami kasi yun e. Kaya matatagalan ako.." ngumiti ako ng FAKE!

Agad namang hininto ni Bret ang sasakyan. At agad din naman akong bumaba.

"Bye!"
"Sige ingat ka a." tumango ako. Gusto ko mang ngumiti pero di ko na kaya.

Nakatayo lang ako habang pinapanood silang umaalis. Tumingin ako sapaligid. Konti lang yung tao. Naglakad na ako. Habang.. bumabalik naman sa isip ko lahat--



"*sob* ha.ha. Hmmm!" napaupo ako.


Ang sakit sakit! Tindi oh..


Napatingin naman ako dun sa sasakyang huminto na hindi kalapitan sakin. Pero parang familiar.. Parang kotse ni Nadiel--

"Ms. Kin?" naagaw ng taong yun ang atensyon ko. Si Gavin..



Naglalakad ako ngayon nang mapansin ko ang maraming student na nakakagulo. May iba na nagchichismisan. May iba na tumitingin sakin. Pero mas madami na may hawak nung.. magazine.

Alam ko na kung bakit.

Kumuha ako dun ng isa. Parang gago lang ako no. Kahit alam ko ng masakit , ginagawa ko pa rin.

Nang nagvibrate ang cp ni Nadiel.

'may ipapagawa ako sayo. Punta ka sa locker area.'

Text niya at agad ko namang ginawa.



"Kin!" may narinig ako na tumawag sakin pero di na ako lumingon.

Pagdating ko naman dun, nagulat ako ng may sumabog na.. envelope.

"Shet. Tha't why I hate public locker area!" si Nadiel. Lumapit ako sa kanya.

"Anong ipapagawa mo sakin?" tumingin sya sakin ng seryoso pero agad din nyang nilimot yung mga envelope na parang.. love letter. Tutulungan ko sana sya.

Pero nakita kong tinapon lang niya yung mga nalimot niya. At mukhang lahat ng letter na yun e balak nyang itapon. o.o

"Meet Catherine, bigyan mo sya ng bulaklak at chocolate. I won't meet her, nor call her. May date pa akong pupuntahan." agad na tumalikod si Nadiel at hinalf smile lang ako. Kahit ang astig at ang gwapo nya sa half smile na yun.. parang naging balewala sya..  :'c


Kahit pala si Nadiel ay madami ng gf's, pumipili parin sya sa mga gf na'to. Hindi nya 'to finifling equally. Kahit sabihin nating.. fling na nga lang yun.
HTML Comment Box is loading comments...