Katatapos lang ng klase. Agad akong lumabas ng room. Kaso..
"Kin!" nagfreeze ako ng marinig ang boses na yun. "Uii.."
"Oh! Bret.." :| ayokong makita sya. Baka mahalata niya na namamaga ang mata ko.
"here." inabot nya ang kamay ko at nilagyan 'to ng tatlong candy.
"Ms. Arkin!" napalingon kami ni Bret. Si Gavin! O.o Agad kong binawi ang kamay ko.
"..let's go eat. I'll treat you." nakangiti sya. Hindi nga pala niya alam ang tungkol samin ni Bret. At hindi din sya pwedeng maghinala.
"Sige ba!" agad naman akong sumunod kay Gavin--
Napatingin ako sa kamay ko. Hawak ni Bret ang kamay ko. :-/ Nararamdaman ko yung sakit pero nandyan si Gavin. He choose that Job. Then I'll choose my job over him.
"Maya na lang huh Bret." agad kong binawi ang kamay ko. "Bye!" lumapit ako kay Gavin at naglakad kami. Ngumiti pa ako sa kanya.
"Ano yung nilagay niya sa kamay mo?"
"Ah eto. Candy! Gusto mo?"
Pumunta naman ako dun sa restaurant na sinasabi ni Nadiel sakin kung saan ko makikita yung Catherine habang dala ko yung pinabili nyang bulaklak at chocolate. Agad ko naman nahulaan kung sinu yung Catherine. Naghihintay 'to..
"Uhm.. Catherine?" tumingin sya sakin at ngumiti. "Pina bibigay ni Nadiel." tiningnan niya 'to at kinuha. Malungkot sya.
"Hindi na naman sya makakadating?" paalis na sana ako nang marinig ko syang nagtanong. UmoO naman ako. Tumingin sya sakin at ngumiti.. pero malungkot na ngiti.
"Salamat."
"Maaari ba akong magtanong?" sinenyasan nya akong umupo.
Tiningnan ko sya. Nakangiti lang sya ng malayo. Ang lungkot ng mga mata niya. Aww.. Nakakarelate ako :-\
"I think I should break up with him." nagulat naman ako sa sinabi nya.
Gusto kong itanong kung bakit pero naisip ko rin na yun naman talaga ang dapat.
"Bakit.. mo ba nagustuhan si Nadiel?" pagkatanong ko nyan biglang sumagi sa isip ko na kung itatanong ba nito kung kaanu ano ko si Nadiel, ano naman kaya ang isasagot ko?
"We've been dating for a month tapos nung magmonthsary kami medyo nawawalan na sya ng oras. Nadiel is nice. Pero.. minsan kailangan nating pakawalan yung mga bagay na nakakasakit satin kahit napapasaya tayo nito. Masyado ko ng mahal si Nadiel, ayokong umabot na mahalin ko sya at puro sakit na lang ang maramdaman ko."
Nginitian nya ako. Umalis sya ng di dinadala ang mga bulaklak at chocolate na bigay ni Nadiel.
'..minsan kailangan natin pakawalan yung mga bagay na nakakasakit satin..'
Bakit ganon.. bakit nararamdaman ko yung sakit na naramdaman ko kila Bret at Heidie?
'..ayoko na puro sakit na lang ang maramdaman ko..'
Pumatak ang mga luha ko. Shet! Bakit ba kami napunta ni Bret dito? May pagkukulam ba ako? O dahil kinakarma ako dahil masyado kong naeenjoy kasama si Nadiel to the point na halos makalimutan sya? Pero sya naman ang mahal ko e.. si Bret ang boyfriend ko. Hindi ko kayang pakawalan si Bret. Alam kong mahal ako ni Bret. :'c
"So ganon ganon lang sayo yun." tinaasan lang nya ako ng kilay.
"Di ka pa nasanay?" pumunta syang kama at humiga. Nakaheadphone sya at nakikinig sa ipod nya. Yun lang ang masasabi nya na parang bang yun na yung pinakanatural sa kanya.
Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang phone niya.
'thanks for the time, hon. I have a great day with you. I love you.'
Playboy nga pala sya. Mukhang wala ng pag-asa ang isang 'to. Kahit na ano pang dahilan ng pagiging playboy nya.. Sumosobra naman ata sya. Ganon ganon lang sa kanya yun.
"Ayokong tuluyan na mabulag si Catherine ng sobrang pagmamahal sakin. Masasayang lang yung feelings." nakatingin sya sa ceiling habang sinasabi 'to. Hindi uli ako umimik. Tatalikod na sana ako.
"Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?!" napatigil ako. "Kung patuloy kang nagmamahal pero patuloy ka namang nasasaktan, wala ding kwenta!
Kung iintindihin mo ang mga bagay na di mo talaga maintindihan, wala ka ding mapapala..
Kung akala mo matatapos din yung sakit na mararamdaman mo at makakapagmove-on, akala mo lang yun. Kasi.. hindi lahat mg akala may kasiguraduhan." lumingon ako sa kanya. Nagkatinginan kami. Yung tingin niya ang seryoso. Ang daming sinasabi ng mata niya. Parang nababasa ko na sinasabi nya na..
'..alam ko umiiyak ka. Please.. tama na..' gusto ko ng umiyak.
"Sige na. Saka na lang uli kita tatawagan pagmay kailangan ako." pinat nya ang ulo ko. thump.thump.thump. Nakarating sya ps harap ko nang di ko napapansin :'c
ring. ring. ringg..
Bret's calling..
"Hello?"
"Kin asan ka? Wala ka dito sa bahay niyo. Uwi ka na!" Tama. Dapat ko ng kausapin si Bret.
"Bret, mag-usap tayo.."