1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 43

"Talaga bang mahalaga ang pag-uusapan natin  at hindi maaari sa bahay niyo." naglalakad lakad kami sa park. Magkahawak kamay kami.

Hawak nga niya ang kamay ko. Akin nga siya.. pero feeling ko ang lalayo niya. Parang hindi kami. Hindi na siya yung Bret na sakin. Yung mga kamay niya sa tuwing hinahawakan ko ‘to, ang saya saya ko. Pero ngayon.. nasasaktan ako. Natatakot.. paano kung sa gagawin kong ito, hindi ako ang piliin ni Bret.

"Bret.. ano ba si Heidie para sayo?" out of nowhere bigla ko na lang ‘tong naitanong. Napatingin naman sya sakin. Unfair na kung unfair 'tong gagawin ko. Pero gusto kong malaman ang dapat kong malaman..

Tiningnan nya ako. Hindi ko alam kung hinuhuli ba niya ako, pero bigla syang ngumiti. "Kaibigan. Nice si Heidie. Madami syang naitutulong sakin." at ako.. wala ba akong naitutulong sayo? "May problema ba?” pinat niya ang ulo ko. Nakatingin lang ako sa kanya.

Nakatingin ako sa mga mata ni Bret habang nakapat siya sa ulo ko. Nakangiti siya. At walang kamalay malay na nasasaktan na ang gf niya. Kung tatanungin ko ba siya kung takot siyang mawala ako, sasagutin ba niya ako ng ‘oo’



*sob*

Napatungo ako.

“Kin?”

“Bret, layuan mo na si Heidie.” sabi ko ng pabulong pero bigla na lang tumunog ang phone niya.

“wait lang huh, Kin.” Lumayo siya.


“Hello? Ah Heidie. Ano? May victory party? Sige kailan ba yan? O sige sige! Salamat!—“ si Heidie na naman. Puro Heidie. Hmm.. naiinis na ako.


“Ano nga palang sabi mo, Kin?” ngiting ngiti siya. Masayang masaya ba siya dahil sa sinabi ni Heidie. Bakit ganon Bret, dati alam ko lahat ng mga bagay na nagpapasaya sayo. Pero ngayon.. mukhang si Heidie na lang nakakaalam ng lahat ng yun..




..biglang pumatak ang mga luha ko.
“Kin.?” agad akong tumalikod. Tatakbo na sana ako pero bigla niya akong hinabol at nahigit niya ang braso ko.

Hikbi ako ng hikbi. Pinipigilan ko na wag niyang marinig pero hindi ko kaya. Gusto kong punasan ang mga luha ko pero pumapatak sila ng kusa. Letche naman oh! Kahit na kelan hindi ko hiniling na magkameron ng napakaemotional na relationship. Buong buhay ko hindi ako umiyak ng ganito! SA KANYA LANG!

“bakit ka umiiyak?”


Bigla niya akong hinarap sa kanya. Hawak niya ang magkabila kong braso. Habang tinatakluban ko naman ang mukha ko. Ayaw ko! Ayokong makita ni Bret na nagkakaganito ako dahil lang sa naiinsecure ako!


“Kin?!” bigla naman niya akong niyakap. Iyak parin ako ng iyak kahit yakap yakap niya ako. Parang wala akong nararamdaman na kahit na ano galing sa kanya. Bakit ganon..




“*sob*” napahawak ako sa damit niya. At sinabi ko ‘to:




“Please Bret, magresign ka na sa part time job mo. Layuan mo na si Heidie..” pero bigla din siyang kumawala at lumayo.




“—hindi pwede.”



</3 Parang tumigil ang mundo ko nang bigla niyang sabihin ‘to.
HTML Comment Box is loading comments...