Bigla na lang niya akong binitiwan. Lumayo at mas lumayo pa. Ang galing nga
e, automatic na lang na tumigil ako sa paghikbi. Yung mga luha ko, tumigil din.
Nagulat ako sa ginawa ni Bret.
“I’m sorry. Nagkamali ata ako ng pandinig, but anyway.. umuwi na tayo
sainyo! Siguro nagugutom ka na!” umalis siya. Kaya agad kong hinigit ang kamay
niya.
“Bret, narinig mo ako diba? Bret.. gusto kong lumayo ka na kay Heidie
kasi..” heto na naman yung luha ko. Tumutulo. Parang ayoko ng ituloy ang
sasabihin ko.. baka sa gagawin ko.. tuluyan ko ng maiwala si Bret.
Pero kung mahal niya ako, ako ang pipiliin niya diba?.. DIBA! Please Bret,
AKO ANG PILIIN MO! *sob*
“..nagseselos ako Bret.” Mahina kong sabi. Akala ko narinig niya pero iba
ang inaasahan kong sagot niya.
“Bakit?”
“..bakit napakaselfish mo?” </3 napabitaw ako sa kamay niya.
Anong pinagsasabi nya? Nabingi ata ako? Mali ako ng pagkakadinig diba!?
Selfish, alam ko yun. Pero di ba nya ako narinig. Sabi ko nasasaktan ako!
Nagseselos ako kay Heidie.. di ba nya ako kayang intindihin. All this time ba
walang wala syang idea na pinagseselosan ko si Heidie.. :'c
"Bret.. *sob*"
"Pinapipili mo ako? Alam mo kung ano!? Unfair ka. Arkin, kahit na kelan
hindi ako humingi ng kahit na anu sayo. Ito lang ang gusto ko tapos papipiliin
mo pa ako over you." thump.thump.thump. Ang bilis ng tibok ng puso
ko :c "Kin, wala namang ginagawa si Heidie a. Bakit ka ba
nagpapadala sa emosyon mo? Wala ka bang tiwala sakin?
Sa tingin mo ba ganung klase ng boyfriend ako!" this time humarap sya.
Galit si Bret. Sinubukan kong lapitan sya.
"Dala na yan ng emosyon mo. Hindi ko akalaing insecure ka. Ikaw ba yan,
Arkin?"
Tumulo ang mga luha ko. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay
nya pero lumayo naman sya at binawi ang mga kamay nya. Gusto kong tumigil sa
pag-iyak pero di ko mapigilan. Hmm.. nilalayuan ako ni Bret. Sabi na! Masama
ang magiging resulta nito. Nakatingin sya. Disappointed si Bret sakin. Nasaktan
ko si Bret.. Kin! Kin.. magsalita ka. Mag-explain ka.. Bawiin mo ang sinabi
mo.. Kin..
:'c
"I think we need space. Di na natin naiintindihan ang isa't isa."
Ang mga salitang yun.. yun ang pinakaayaw kong marinig galing sa kanya. Ito
ang kauna unahang nagalit si Bret sa 'kin. Ang mga mukhang yun.. seryoso si
Bret. Kahit ngayon ko lang siya nakitang ganyan, alam kong di na niya babawiin
yun.. Mukhang pagsisisihan ko tong malaki.
Pagdating ko sa bahay, ginawa ko lahat para pagtakpan si Bret. Hindi ako
nagpakita ng kahit na anung bahid ng kahinan sa mga magulang ko. Ayokong
mag-alala sila. Kaya naman pagdating ko sa kwarto agad akong nahiga at niyakap
ang teddy bear na bigay ni Bret. For the nth time, umiyak ako. Pero ipinikit ko
na lang ang mga mata ko..







