1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 45


Paggising ko ng umaga, wala akong nakitang text ni Bret. Sinubukan kong tawagan sya.. pero.. 'cannot be reach'. Bigla akong kinabahan.. baka seryoso talaga si Bret na wala ng kami? :'c

NO! Hindi ka iiyak Arkin.. *sob*

Walang pasok ngayon kaya naisip ko na lang na pumunta sa bahay nila Bret. Pagpunta ko dun..

napatayo lang ako sa labas. Sa harap ng gate.

Yung puso ko parang binibiyak. Magkasama sila. Nagtatawanan. Ang saya nilang tingnan. AGH! E katanga ko palang talaga. Heto na nga yun diba. Kitang kita na ng dalwa kong mata ang dahilan. Tuluyan na ba akong iniwan ni Bret?.

Tumalikod ako at hindi na tumuloy. Agang aga ganto na naman nararamdaman ko. Nakakaasar.. *sob* Ang sakit sakit na talaga.


'Dun ka na lang kay Jhed. Diba may gusto yun sayo!?'
'Talaga? Panu mo nasabi?'
'Ang manhid mo naman!'
'Hindi a. Di lang talaga ako interesado..--' bigla kang humarap sabay sabi nito.
'So hindi ka rin interesado sakin!?'
'Anu kamo? Anu bang pinagsasabi-- Ui nu ba! Bakit mo hinahawakan ang kamay ko!?'
'At dahil magbestfriend tayo hindi ko pwedeng hawakan ang kamay mo ng ganto!?' yun yung unang beses na hinawakan mo parehas ang dalwa kong kamay. 'Arkin, gusto kita! Ramdam mo ba yun? Hindi diba?!' binitawan mo ang kamay ko at agad na tumalikod.

'Edi tayo na! Bf na kita.. ' wala akong kaalam alam na seryoso ka pala sa nararamdaman mo.


Nagcecelebrate pa nga kami ng mga monthsaries.

'Do you love me?'
'oo naman. I love you!' noon mapasaya ka lang, lahat ginagawa ko. Lahat ng matatamis na salita sinasabi ko kasi yun ang alam ko.. pero ngayon ko lang nalaman.. parang lang din naman tayong magbestfriend e. Magbestfriend na naghoholding hands at yakap.. yun lang..

'Bret.. mahal mo ba ako?' that time I'm serious. Minahal mo nga ba ako?
'Of course!' nakangiti ka nga. Ramdam ko nga.. pero bakit di ko narinig.. naramdaman ko nga ba?


Napatigil ako. Pinunasan ko ang mga luha ko. '..pagnag3rd anniversary na tayo. May sasabihin ako sayo!' hmm.. *sob* Wala na ba talagang tayo? Si Heidie na ba? Bakit ambilis naman ata.

Napatingin ako sa nagpatak.. umupo ako para limutin 'to.

'Happy anniversary!'
'Bret! Mukhang mamahalin 'to a.' sinoot mo yung necklace na bigay mo sakin. That time tuwang tuwa ako. Hindi ako materialistic pero ewan ko ba.. parang ramdam na ramdam ko sa necklace na yun na mahal na mahal mo ko..

At ngayon.. sira na. Nasira ng kusa ang necklace. Wala akong ginagawa Bret. Kusang nalaglag ang necklace na bigay mo.. Siguro nga tapos na.. Tapos na tayo. *sob* Letche! Hindi sad story or tragic ang love life ko. Tama na si tears. Ayoko na umiyak oh..

Tumayo ako. At naglakad.. di ko alam kung saan ako patungo.

'Bret, promise mo nga. Wag na wag kang manchichiks. Wag na wag kang makalapit sa mga babae ng di ako kasama. Wag mong sasabihin sa kanila mga personal info mo. As gf, dapat ako lang nakakaalam nito. Wag na wag kang gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin ko! Understood!?' magkacollege ka na nun, pero sa totoo lang wala akong takot na mangyayari yun. laki ng tiwala ko sayo e.

Alam mo yun.. Simula ng maging tayo. Hindi ako nagpakita ng selos.. dahil alam kong mag-aalala ka. Hindi ako nagpakita ng tampo tuwing hindi ka nakakaattend ng date natin.. dahil takot akong hindi tayo magkaintindihan. Kahit na kelan hindi ko inisip na magtatagal tayo.. pero minahal kita bilang kasintahan ko.. isa lang naisip ko. 'I can't afford to lose someone like you.. I can't live without you.. Bret..'

"hmm.. *sob*"

"Miss Kin, hanap nyo po si Sir Nadiel? Naku may problema po ba? Heto po oh panyo. Pumasok na po kayo sa loob."

Iyak ako ng iyak. Pinagbuksan naman ako nung guard ng gate. Narinig ko pa na tinawag nya si Nadiel. Epal talaga yung pangalan na yun. Bakit tuwing malungkot ako naririnig ko ang pangalan na yun. Aixet! A-ah ayoko na! :'c *sob*

Nakatungo ako habang umiiyak. Hinahampas hampas ko ang mukha ko.. baka kasi sakaling tumigil pagdaloy ng luha ko.

Beeeepppp!!!

"hmm.. *sob*"

"HOY! PANGET!!" tigil tigil tigil! :'c ahhhhh.. hmm..





"ANO BA! HINDI MO BA ITITIGIL YAN! PANGET KA NA NGA, PAPASAIN MO PA MUKA MO!" napatigil ako. Bakit nasa harap ko si Nadiel? Bakit hawak nya ang mga kamay ko?



Bakit?..
HTML Comment Box is loading comments...