"Na..diel!.. Ahhhh uwaaaah. Nadiel!" hawak hawak parin nya ang mg
kamay ko habang nakataas 'to sa ere. Iyak ako ng iyak.
"Ano.." malumanay nyang sabi. "TUMAHAN KA NA NGA!"
Agad kong binawi ang mga kamay ko. "Bakit ba ang demo-demonyo ng ugali
mo! Epal ka talaga no! *sob* hmm.." hikbi ako ng hikbi habang kagat kagat
ang ibabang labi ko.
Bakit ba ako umiiyak sa harap ng kumag na'to? Pagkatapos nito siguradong
pagtatawanan nya ako. Ang loser loser ko! *sob*
"Tama! Demonyo ako! Kaya wala akong pake kung umiiyak ka! Pumunta ka
dito mamayang gabi at magdala ka ng mga mamahaling plato! TSK!" agad syang
tumalikod. May pahabol pa syang binulong na hindi ko syur kung tama ba ang
pagkakadinig ko.
"Tss.. antagal kong hinintay 'to. Pero bakit ganto nararamdaman ko..
agh.."
Pang-asar talaga sya! *sob* Kahit ata maglupage ako sa sobrang sakit ng
nararamdaman ko, wala pa rin syang pake. Lagi na lang syang ganyan! Lagi na
lang nyang inaasar yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung bakit
naisip ko na nafall ako sa kanya!
Kumain lang ako saglit sa 7-11. Pagkatapos dumaretso ako sa mall para bilhin
yung mga mamahaling plato na pinabibili nya. At dahil pinadedeliver din nya yun
sa lugar na hindi ko alam.. kaya konti lang binili ko. Yung kaya lang ng braso
kong buhatin. Kaso Epal talaga sya. Aba akalain mong magtext sakin at isang
kahon daw ng mamahaling plato ang bilhin ko. Tsk. Demonyo talaga.. parang di
babae magdadala nung pinabibili nya a. >:c
Sa isang abandonadong building ako ibinaba nung taxi driver. Tinanong ko pa
kung sure sila na yun nga yung building. At sa ayaw ko't sa hindi, yung
nakakatakot na building na yun ang pupuntahan ko.
Umakyat ako sa side stair nung building. Hindi naman sya medyo luma pero to
the fact na walang ilaw tas ang dilim dilim na nga. Syet lang pumili ng lugar
yang Nadiel na yan oh!
boogsh!
"Oh yan na yung pinabibili mo!" sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
Nakasmirk syang lumingon sakin. Tingnan nyo sya, may gana pa syang ngumiti ng
pagkakagwapo. Kala nya maseseduce nya ako. Tss.
Broken Hearted po ako. >>.<<
"Good dog!" sabay pat nya sa ulo ko habang binubuksan yung kahon.
Grr~ "Mamahalin nga. Ang kapal. Ang galing.. 8)"
"Wag mong sabihing dito kayo magdidinner ng isa sa mga gf's mo?"
tumayo sya at nagulat ako nung bigla nyang ibinato yung plato sa pader.
O.o Wats wid him?
"Ang galing. Talaga ngang matibay! Haha. Try mo!" nakangiti nyang
inoffer sakin yung ginagawa nya. O.O Basag sya ng basag. At alam nyo kung
anu.. NAAASAR AKO! >:(
"HUY NADIEL ATHAN FORTALEJO! Pinabili mo ko ng mga mamahaling plato
para BASAGIN LANG! NANGGAGAGO KA BA!?" tumigil sya at tumingin sakin.
Tinaasahan nya ako ng kilay tas nagsmirk >>.<< E gago nga,
magpacute daw ba! >:c
"Di mo lang kaya 'to e." basag lang sya ng basag. Pag hindi man
lang nahahati yung pinggan, kukunin nya 'to at buong lakas na ibabato.
Tinitigan ko si Nadiel. Hindi ko alam kung naglalaro lang itong si Nadiel o may
hinanakit sya. Ang seryoso nya e..
Hindi sya umiimik. Tanging yung pagbasag lang ng mga pinggan ang naririnig
ko. Hindi ko alam kung bakit ganto nararamdaman ko.. pero nararamdaman ko na
naman yung sakit.
"Penge nga ako nyan!" kumuha ako at syang binato.. pero gasgas
lang natamo nung platong binato ko ko.
"Haha. Maliit ka kasi kaya wala ka atang lakas!" agad akong
lumapit dun at kinuhang muli yung plato at binato ko uli. Pero parang platong
kinurot lang ang nangyari.
Kinuha ko ulit. Pero habang hawak hawak ko 'to.. gustong gusto ng pumatak ng
mga luha ko. Naiinis ako! Pati ba naman yung plato ayaw magpabasag sakin.. ayaw
makisama sa nararamdaman ko!
"HMM!! Ibang klase kaya nga mamahalin diba!.." kinuha ko uli yun.
Tiningnan ko yung plato. Buong lakas ko yung binato. >:(
Konti na lang talaga.. iiyak na naman ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko
para wag akong umiyak. Kinuha ko ulit yung plato..
"Bakit di ka na lang kumuha ng bago.. iwan mo na yung mga bagay na ayaw
talaga." tumingin ako dun sa plato. May crack na..
"Kasi!-" sabay bato ko. "Gusto kong tuluyan ko na syang
malimutan!--" o.O Nagulat ako sa biglang lumabas sa bigbig ko.. Nawasak
ang plato..
Pero ang sakit ng puso ko.. *sob*
Kahit mainis ako kay Nadiel. Kahit maamaze ako sa kagwapuhan nya. Kahit
ngumiti pa si Nadiel.. Kahit ilang beses nya ko sigawan at pahirapan..
"Ayoko na.." hinding hindi ko maaalis na nasasaktan ako. :'c
Napaupo ako at niyakap ang sarili ko. Iyak na naman ako ng iyak..
"Hindi ko akalaing.. umiiyak ka pala.. ng ganyan.."
*Fireworks*
Biglang may pumutok na mga mga fireworks. Hindi ko tuloy narinig ang mga
sinabi ni Nadiel. Ang ganda ng fireworks.. *sob* Sobra! :'c
"Kahit na kelan.. hindi ako nagreklamo. Kahit nasasaktan ako noon..
ngayon lang..
Break na kami ni Bret.." napatingin naman si Nadiel sakin.