‘Break na kami ni, Bret’
Nakatingin ako sa labas habang nakasakay sa kotse ni Nadiel. Mali pala!
Nakatingin ako ng MASAMA sa labas habang nakahalumbaba at nakatuon yung siko ko
sa may bintana. Naaasar ako! OO! Badtrip na naman ako. Umagang umaga! Kasi
naman.. agang aga niya akong sinundo sa bahay namin. Ito namang sila mama at
papa, pinayagan siya. TSK!
“You make me smile like the sun, fall out of bed. Sing like bird, dizzy in
my head. Spin like a record, crazy on a Sunday night” at ang isa pang
nakakainis. Kumakanta pa siya! Tuwang tuwa talaga siya pagnakikita niya akong
naiinis. Paano pa kaya pagumiiyak ako? Ah. Siguro.. utas na sya kakatawa sa
kanila??? Tangna! AHHHH!! Bakit kasi ako umiiyak sa harap niya!!! >:’c
Maalala ko. Ngayon nga pala yung Big Event nila sa Manila. Si Bret.. sabi
niya isasama niya daw ako. Eh paano naman yun, break na kami. Magkagalit kami.
Tss,, gustong gusto ko pa namang sumama. Hayy.. nasasaktan na naman ako. Tama
na nga. Sobra sobra na yung naiyak ko. Di naman maaari na sa kanya lang iikot
yung buhay ko..
Siguro hihintayin ko na lang na maging okay lahat samin ni Bret.
"Dito na tayo." napansin ko na lang na nakapark na ang kotse niya.
Bababa na sana ako nang may ibigay sya sakin. Paper bag?
"Para saan yan?"
"Pumunta kang cr at isoot mo 'to. Magkita na lang tayo sa lobby."
kinuha ko naman yun habang tinitingnan sya ng 'nakakataka look'
Nauna syang lumabas. Hanggang sa nagtataka parin ako sa binigay nya. Isoot
ko daw? Kaya bago pa ako tuluyang mabaliw sa mga pinaggagagawa nya e agad na
akong lumabas ng kotse. Pumunta akong banyo. At isang simple plain white dress
ang nakita ko. May dollshoes din na kulay skin. At nung tingnan ko sarili ko..
Ang cute ko. Este- ang cute nung outfit ko :D
Pagkalabas ko ng cr. Agad akong dumiretso sa lobby? Wait. Bakit kailangan pa
nga pala sa lobby? Bakit kami andito? Saan ba 'to? First time ko lang dito a!
Lakad ako ng lakad papuntang lobby. Sandali, bakit padami din ng padami ang
tao? At..
Bakit nandito si Bret.. (T.T)
"Bret.." nakatingin si Heidie tas tumingin din si Bret
</3 bakit nandito si Heidie?
"Oh nandyan ka na pala." napatingin ako kay Nadiel na kalalapit
lang sakin. Tas tumingin naman sya sa tinitingnan ko. "Nakita mo na pala
sya." tumingin sya sakin ng nakangiti. Gusto ko syang sigawan ng 'BAKIT MO
KO DINALA DITO!? ALAM MO NAMAN NA BROKEN HEARTED AKO!' Pero tingnan lang
sya ng masama.. di ko rin magawa. Ang nasa isip ko lang..
Bakit magkasama si Bret at Heidie?
"Mr. president?!" napalingon kami sa tumawag sa kanya. Si Bret..
tumingin naman sya sakin.
"Oh Bret." hindi makatingin si Bret ng diretso sakin. Pero panay
ang sulyap nya sakin. Hindi ko sya maintindihan. Pero mas hindi ko
maintindihan..
"Bret, ah. Hi Arkin." ..kung bakit nya kasama ang babaeng 'to. :c
"Ah nga pala. Nakasalubong ko si Ms. Kin. Sabi nya gusto ka daw nya
mapanood.. kaya isinabay ko na sya." ang galing talaga umarte nitong si
Nadiel. Bigla syang naging cool. Tsk.. atsaka ano bang pinagsasabi niya!?
"..kasama mo pala si Ms. Heidie." anu bang balak ni Nadiel..
"Kasama ko.. siya."
"Ganon ba. O sige maiwan ko na kayo." umalis si Nadiel at naiwan
kaming tatlo. Hindi makatingin sakin si Bret. Nga naman.. space nga daw e.
Bakit pa kasi ako dinala ni Nadiel dito e.. :'c
"Magsisimula na ang event Bret. Magready ka na. Ako na ang bahala kay
Arkin." nakangiting sabi ni Heidie. Nginitian sya ni Bret bago 'to umalis.
Niyaya ako ni Heidie na pumunta sa cafe sa loob ng building. At dahil wala
naman akong pera e hindi na ako bumili. Pero binili nya ako ng drinks ganun din
ng snacks. Matagal daw kasi yung event kaya maganda daw kung may makakain
ako.
Magkatabi kami sa loob. Wala din naman akong magagawa. Bukod pa dun, ang
daming tao. Sabi kasi na yung ibang may mga Modelling Org na school dito sa
Manila e makikirampa din gaya ng FMU. Ibig sabihin madaming models na pupunta.
Mga pogi at magaganda :D Excited na tuloy ako.
"Hindi ko alam na gusto mo pala sumama." o.O Nagulat
naman ako nung sabihin nya yan. Alam nyo yung feeling! Biglang kumulo yung dugo
ko! >:[ "Isinama nya kasi ako." watta a fake smile! Ah
ganun. Magpaplastikan lang kami dito! AhhhhGGH! Kapal ng mukha nito! Ako ang gf
kaya di na dapat sya magtaka kung bakit gusto ko sumama kay Bret. At sa
ganitong event na hindi naman sya kasama e may mas karapatan ako!
Debale na lang kung alam na nyang wala na kami ni Bret.. :'c
Nagsimula naman bigla ang event. Asar di man lang ako nakasagot sa sinabi
nya. Malakas pa naman ang tugtog. Tsk. Ang fake talaga ni Heidie. Bakit di
makita ni Bret yun?
Ang saya ng event. Bukod sa patay ang ilaw at hindi ko nakikita ang
pagmumukha ni Heidie. >:D Ang mga models lang ang nakaspotlight.
At expected, ang gogorgeous ng mga models. Ang gagaling nilang magdala ng mga
damit. Pati yung mga taga ibang school mahuhusay din. Kaso napansin ko lang na
mas bongga ang mga fashion style ng fmu, dahil din siguro si Nadiel ang nag
oorganize ng mga isosoot nila. At nung mga pres. at vice na ang mga rumarampa,
halatang halata na walang walang panama ang mga taga ibang school kay Nadiel.
>>.<< ANG POGI NYA! Ganun din naman si Bret. Pero iba talaga impact
ni Nadiel sa audience. Ang appeal nya. Sa lahat ng mga models, sa kanya lang
nagsitayuan yung mga babae at bakla at ang lakas pa ng mga sigawan. Parang nasa
public lang kami a.
Nakatitig ako sa kanya. Seryosong seryoso syang naglalakad. As in parang
nakaglue na ang paningin ko sa kanya. Tinatakluban ko nga mata ko e, kaso
nakabukas naman yung tabi ng mga daliri ko. >>.<< Ang gwapo talaga
ni Nadiel. Tapos tumigil pa sya. Sa pagtigil nya, parang may hinahanap
sya. Medyo humina ang hiyawan, at laking gulat ko ng magtama ang mga tingin
namin. SYET! Ako nga ba?! Madilim kaya! Imposible!
"WAAAAAAAAAaaaahhhhh!!!"
Sakin nga ba sya nakatingin? thump.thump.thump
Pero.. bakit sya biglang ngumiti at.. Kumindat? ( ?.?)
"Ang saya no! :D"
"Shet ang pogi talaga nung pres. ng FMU!"
"Ano kayang name? Gusto kong iadd s fb. Ifollow s twitter!"
Natatawa ako sa mga sinasabi ng mga tao. Haha
"Anung feeling.. ng makindatan at mangitian ng isang Nadiel
Fortalejo?" napatigil ako sa paglalakad ng biglang umimik si Heidie at yan
pa ang tanong.
Nagkatitigan kami. Parang sinasabi ng mga mata nya na 'I got you' yung
tipong parang may nalaman syang napaka big deal. Ang demonyo pala mag isip ng
isang 'to e.
"Arkin!" napalingon naman ako.. si Bret. "Ah este. Heidie
tara kumain, nagugutom na ako." agad syang umiwas ng tingin sakin. At
hinila nya ang kamay ni Heidie. Pero.. ako ang una nyang tinawag..
"Arkin?" hinila ko ang kamay niya.
"Bret, mag usap tayo oh." tumingin sya sa kamay ko. Hindi ko
mabasa ang tingin ni Bret.. pero nasasaktan ako..
"Bret, let's go." tangnang! Epal talaga 'tong Heidie na'to!
Relationship namin ni Bret ang nakasalalay dito. Tapos palet's go let's go pa
syang nalalaman! Mukha nya!
"Tama na, Arkin. Diba I already told you.." unti unti nyang
inaalis ang kamay ko. Shet! Bakit ka ganyan Bret. Aray! Nasasaktan na naman
ako..
Umalis sila. Oo, iniwan na naman nila ako. *sob* kelan pa naging ganyan si
Bret. Shet. Hindi na ako iiyak. Ayoko na nga diba. Hmm.. Tumalikod ako. At
pagharap ko..
"Hindi ka iiyak." umimik ang nasa harap ko. "Halika nga
dito." hinigit nya ang kamay ko at medyo nilayo ako dun. Dinala nya lang
ako dun sa part na hindi dinadaanan ng tao. Nasa tabi kami at medyo
natatakluban ng malaking halaman.
"Hindi kaya ako umiiyak." nakatungo ako.
"Tsk! Akala ko pa naman mapapasaya kita sa ginawa ko
kanina." o.o
"Ginawa mo talaga yun para sakin?!" tiningnan nya ako ng masama.
"E anu naman kung magkasama sila na mas pinili nya sya! Di ka pa
nasanay dun! Tsk." bakit ba sya galit na galit. Pero.. tama naman din sya.
:-\
"Tama ka. Hindi na dapat ako umaasa. Mukhang.. nafall na talaga si Bret
sa bruhang yun." napatingin naman si Nadiel sakin at biglang natawa.
Akala ko tumatawa sya dahil sa sinabi ko pero may bigla syang sinabi:
"Hindi ko sya maintindihan. Pagkatapos nyang pakawalan yung bagay na
pinakamahalaga sa kanya, may gana pa syang umakto ng ganyan.." nagsalubong
ang mga kilay ko. Ano bang sinasabi nya? Ang layo ng tingin nya. Anu bang
tinitingnan ni-- "Papunta sya dito. Dyan ka lang." umalis naman sya.
At narinig ko naman ang boses na yun..
"Uhm mr. president.." si Bret. Si Bret ang tinutukoy ni Nadiel.
:'c
"Hinahanap mo sya?" thump.thump.thump. Ang sakit.. naninikip ang
dibdib ko.
"So ikaw nga yung kausap nya? Nasaan na si--"
"Nakita ko kayo. Si Heidie. Magkahawak kamay kayo."
o.o Nakita din yun ni Nadiel? "May nangyari ba sainyo ni Ms.
Kin?" gusto kong sumilip. Gusto kong makita ang reaction ni Bret. At
bakit.. Di agad sya makasagot..
"Tandaan mo 'to, oras na pakawalan natin yung mga bagay na mahalaga
satin, hinding hindi na yun babalik lalo na kung nasaktan natin yung bagay na
yun.."
Bigla ko na lang nakita si Nadiel sa harap ko.
"Tara na. Tapos na ang event kaya wala ng dahilan para magstay ka
pa dito." Sumunod naman ako kay Nadiel.