1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 48


Back to school na uli. At alam niyo kung anu ang masama sa umaga, yung makita mo yung ex mo na kasama yung pinakabruhang babae sa balat ng lupa. Nakakainis..

"Hi Arkin :D" napalingon naman ako. Nakangiti sya kaya ngumiti na lang din ako.


"Napapansin ko na palaging magkasama sila Bret at Heidie." tumango na lang ako. "Alam mo ba, na siya nga iyong tinutukoy ko sayo nung isang araw."

"Huh?" anu bang sinabi nito nung isang araw?   ?.?

"Yung sinabi ko sayo tungkol dun sa pangit na babae. Haha. Hindi naman ganun kapangit siguro.. pero yung Heidie na yun. Stalker sya ni Bret Lacson." hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. "Ang laki talaga ng pinagbago nya. Kaya wala sigurong nakapansin. Pero sigurado ako na patay na patay sya kay Bret. Hm kaya sinasabi ko sayo! Wag na wag mo silang iwanan na sila lang dalwa! :))" nagkameron ng idea sa utak ko. At kaya siguro madami sya alam tungkol kay Bret. So siguro niplano nyang lahat ng 'to. Gumawa sya ng paraan para mapagbreak kami ni Bret.



"Haha tama ka dyan!" saking paglalakad sa pathway. Nakita ko naman na pinagkakaguluhan ng mga estudyante si Heidre. Iniinterview sya ng mga taga News Organization.

"Ano ba ang tipo mo sa isang lalaki?" at sa di kalayauan naman ay nakikita ko si Bret. Papunta sya.. kay Heidie. >:(

'Wag na wag mo silang iwanan ng sila lang na dalawa!'


"Ang tipo ko sa isang lalaki? Uhm.. simple lang. In short siya si-- BRET!" bigla naman naghiyawan ang mga taong nanonood sa kanila. Ngiting ngiti naman si Bret. Ang tanga walang alam! Tas ang bruha nagbablush! GROSS!

"So totoo ba yung kumakalat na may something sainyo?" nagsimulang maintriga lalo ung mga nakikiusisa.

"Something? Ano bang klaseng something ang gusto nyong malaman? Haha." nakakainis ka Bret. Bakit ka ba tumatawa. Feel na feel tuloy ng babaeng yan!

"BRET!" lahat ay napatingin sakin
"Sino sya?" yan ang tanong ng mga tao.

"Ah! Siya ang girlfriend ni Bret Lacson!" may biglang sumigaw at tinuro ako. Lahat naman e napatingin sakin. Nagbulungan lahat. At may nagtawanan habang sumusulyap sakin.

Bigla namang hinigit ni Bret ang kamay ko. Nagulat lahat ng taong nakatingin samin. Medyo napangiti naman ako. Oo masaya ako dahil siguro ayaw nya akong mapahiya. Pero mali pala ako! </3 Nilayo nya ako dun at dinala sa lugar na walang tao. At alam niyo kung anung masakit, dinala nya ako dun para sabihin ang mga salitang 'to:

"Talaga bang wala ng pride na natitira dyan sa sarili mo!? Palagi ka na lang naghahabol! Diba I told you--"

Agad kong binawi ang kamay ko nang marealize ko ang ibig nyang sabihin.

"Si Heidie na ba?.." tanong ko. Tumingin naman ako sa mga mata nya. Magkasalubong ang mga kilay nya. "Bret, sinisinira ni Heidie ang relationship natin. Matagal na kasi syang may gusto sayo. Kaya gagawin nya lahat para mahalin mo din sya." pumatak ang luha ko. Nagbago ang expression ng mukha nya, hindi sya makatingin sakin.

"Hindi mo ba napapansin yun? Bret.. gusto ka nyang agawin sakin--"

"TAMA NA!" pinunasan ko naman ang mga luha ko. Ayoko na.. hindi na ako iiyak. Ito na talaga ang huli. *sob*

"Lagi mo na lang sinisiraan si Heidie. Alam mo bang hangang hanga pa nga sya satin dalwa. We've been almost 3 yrs. Pero dahil sa insecurity mo, kaya lang tayo masisira. Nakakapagod Arkin. Tama na please.." pinilit kong wag umiyak.

"Sabihin mo Bret.." tumingin ako samga mata nya. At kahit anu palang pilit ko.. Papatak at papatak parin pala ang mga luha ko. *sob*






"Hindi mo na ako mahal." ito na talaga ang huli. Duwag mang masasabi 'to. Ayoko na talaga. Pagkatapos nito, titigilan ko na si Bret.





Ngumiti sya at umalis. Tiningnan ko lang sya. This time wala syang sinabi. Pero ramdam ko.. Wala na kami. Tapos na..

*sob* Hikbi ako ng hikbi. Patak ng patak ang mga luha ko. Iyak ako ng iyak. Hindi ito ang gusto ko pero wala na talaga akong magagawa. Napakaunfair.




"Ms. Kin..



Boyfriend mo si Bret Lacson?" out of nowhere may nagtanong nito.   o.O  At alam niyo kung anong nakakagulat. Ang nagtanong nun ay si..

"Gavin?" umiiyak ako pero mas nangingibabaw ang nararamdaman kong takot. Alam na ni Gavin..  :'[


"Umiiyak ka dahil boyfriend mo yung Bret? E si Nadiel, niloloko mo ba sya?" thump.thump.thump.




Mas lalo lang akong nasasaktan ngayon.. :'c
HTML Comment Box is loading comments...