"Ano?! Niloloko mo ba si Nadiel? Tinu-two time mo sya? Matagal na ba
kayo nung Bret o sinagot mo lang sya nung kayo pa lang ni Nadiel?" iyak
ako ng iyak. Mas nasasaktan lang ako sa sinasabi niya. "Kaya ba pumupunta
ka sa room ng Org nila dahil kay Bret at hindi kay Nadiel!
Akala ko iba ka.." tatalikod na sana sya pero di ko na napigilan ang
sarili ko.
"Hindi totoong may relasyon kami ni Nadiel!" napatigil sya. *sob*
Sinubukan kong kumalma at pinunasan ang mga luha ko.
"Ginawa lang namin yun ni Nadiel para pagtakpan ang pagiging playboy
niya sa harap ni Mrs. Fortalejo. *sob* Pagpapanggap lang lahat.." iyak pa
rin ako ng iyak. Hindi ko magawang patahanin ang sarili ko.
"Ano pa?" seryosong tanong ni Gavin. Napatingin naman ako sa kanya
at ang seryoso nga niya. Mas lalo lang akong natatakot..
Patay ako kay Nadiel. Sigurado mapapahamak sya pagsinabi ko ang lahat ng ito
kay Gavin. Hindi 'to pwedeng malaman ni Mrs. Foralejo. Pero anu pang magagawa
ko.. nandito na. Nasabi ko na lahat.
"Hindi naman talaga namin intensyon ni Nadiel na lokohin si Mrs.
Fortalejo.. napunta lang talaga kami sa sitwasyong ito ng biglaan. *sob* May
malaki akong pagkakautang kay Nadiel kaya wala akong magawa kundi ang sundin
ang lahat ng gusto niya. Wala akong niloloko.. hindi ko gustong lokohin ang
sino man. *sob*
Maniwala ka Gavin.." hindi parin ako tumatahan. Hindi ko alam kung
paano ko patatahanin ang sarili ko sa pagkakataong ito.. ayokong magalit si
Gavin sakin. Ayokong madisappoint sya sakin. Ayokong mamisunderstood. Natatakot
ako.. :'c
"At nalaman naman ni Bret ang tungkol dito kaya kayo nagbreak.?"
"Hindi..
Nagbreak kami dahil wala na syang nararamdaman sakin." biglang nawala
yung takot ko pagkarinig ko ng tungkol sa break-up. Tuwing maaalaka ko yun..
naiinis na lang ako at the same time nasasaktan. Antanga tanga talaga ni Bret.
>:'c
"Hindi ko alam kung anong totoong nangyari pero mukhang nasaktan ka
talaga." napahawak sya sa batok nya at tumingin sakin ng seryoso.
"Antanga tanga ko na ngayon ko lang 'to napansin. Alam mo ba na pati ako
naloko niyo. Hindi lang si Auntie ang niloloko niyo. Kaya hindi ko 'to kayang
palagpasin lamang." agad naman syang umalis.
thump.thump.thump. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang mga tingin ni Gavin,
ngayon ko lang sya nakitang tumingin ng ganon. Aaminin ko natakot ako. At mas
natatakot ako sa maaaring mangyari. Kasalanan ito ni Nadiel! Pero anong gagawin
ko?! Mas patay ako neto kasi pumatol ako sa kalokohan nya! Hindi pa nga tapos
ang problema ko kay Bret tapos sumunod pa yang problema kay Nadiel. Shet!
Yung feeling na kakatanggap ko lang ng problema tapos nandyan na naman yung
isa pa. Tsk. Ito na naman kasing si Nadiel pinapupunta ako sa kanila. May bago
na naman daw syang ipapagawa. Aggggh! Kung alam lang nya ang mga nangyayari. Pero
wala din naman akong magagawa, kailangan ko syang sundin.
"Ano ng sabi?"
type ako ng type habang naglalaro sya ng angry birds sa psp. Asar nga e.
Pinapachat nya ako sa gf niya. At ito pa ang utos: MAKIPAGBREAK NA DAW SYA! At
ako ang gagawa ng paraan.. Huhu >:'c Hirap naman! Bakit ba lagi na lang
akong nadadamay sa kademonyohan niya!?
"Heto nag iisip pa kung paano mapupunta sa topic na break up!"
padabog kong sabi.
"Haha. Diretsuhin mo na kaya." ganon lang! Ganon ba kadali sa
kanilang mga lalaki na makipagbreak up! >:(
"Parepareho talaga kayo.." pabulong kong sabi.. na mukhang narinig
niya.
"Hindi naman ako nagseseryoso.. mas masakit yung nakipagbreak lalo na
kung 2 years kayo." napakunot ako ng noong lumingon sa kanya. Nagpaparinig
ba ang gagong 'to!? Parang naemphasize yung kayo a. Tsk. Demonyo talaga. Walang
puso!
Bumalik ako sa pagchachat . Medyo nawiwili nga ako e. Ang sweet kasi nung
mga gf's ni Nadiel. Oo gf's! 3 silang kailangan kong ibreak. Hayy.. kawawa
naman sila.
"Hoy! Baka naglalaro ka lang dyan a! Gusto mong mabato ng unan!?"
tok.tok.tok.tok..
May kumatok (?.? )
"Buksan mo nga yun!" tsk. Ito talaga! >:c Wala na talaga sya
alam kundi ang mag-utos! (=3= )
Tumayo agad ako at binuksan ang pinto. Nagulat naman ako ng makita kung sino
ang nasa harap ko! (o.O ) ~> ( O.O)
Si Gavin at si Mrs. Fortalejo! (T.T )
"Oh good eve hija." nakita ko naman na agad na bumangon si Nadiel.
"Hi mah!"
"Good Eve din po." ngumiti naman sila. Kaya no choice ako..
napangiti ako.. pati kay Gavin. Fake.
"May kailangan kayo, ma?" nakuu.. thump.thump. Ang kosensya ko!
(>>.<< )
"Ah I just wanna have a dinner with you." nakangiti nitong sabi.
Sabay naman kami ni Nadiel pumunta sa kitchen. Magdidinner na naman ako sa
malaking dining table na'to kasama ang mama niya.. Si Gavin. At.. Magpapanggap.
Habang kumakain..
"So hija, musta naman ang school? Masyado bang busy? Nagkakameron pa ba
kayo ng time ni Nadiel for a date?" nakangiting tanong ni Mrs. Fortalejo.
Okay na sana yung unang dalwang tanong, sinundan lang ng tanong about sa
date (>3< ) Tsk.
"Uhm ano po.." tumingin ako kay Nadiel. Tiningnan naman niya ako
ng 'Anung tinitingin tingin mo! Baka mahalata tayo!' look. Hirap naman
nito.. lalo ng nung mapatingin ako kay Gavin tas iniwasan nya ako ng
tingin. Huhu..
"Okay naman po kami. Yun nga lang po, hindi na po kami masyadong
nakakapagdate. Pero may time naman po na nagkakasama kami.." tumingin ako
sa kanya, ganon din si Nadiel sakin. Nginitian nya ako na parang yun na yung
pinakanatural sa lahat, kaya ngumiti na din ako. "..gaya ngayon."
"Haha ang mga kabataan nga naman." Hayy.. Kung alam lang ni Mrs.
Fortalejo na kaya ako nandito e dahil para ibreak ang mga gf's ni Nadiel. Hmf..
"Nga pala, malapit na magtapos semester a. Nag-aaral na ba kayo para sa
finals?" oo nga pala.. Tsk. Isa pang problema. ( T3T)
"Mag-aaral pa lang."
"Sama ako senyo!-"
"-Ayoko nga!" o.O ~> ( ?.?)
"Bakit hijo?" halatang nabigla din si Nadiel sa sinabi nya.
Problema nitong mokong na'to?! (??.?? )
"Ah.. hehe. Sige Gavin sumama ka na. Para tulungan tayo." sabay
bulong niya neto "agh" (~.^ ) Ano kayang nasa demonyong utak
neto ngayon?
Matapos ang kainan. Naunang umalis samin si Mrs. Fortalejo dahil madami pa
daw syang tatapusing papeles. Kaya naiwan kaming tatlo.
"So kelan tayo mag-aaral?"
"Ewan ko! Text na lang kita. Tara na Arkin." nabigla naman ako ng
tawagin ako ni Nadiel. Ngayon pa man din ako nagtatakaw kung kelan wala ang
mama niya. Pero wala din akong magagawa kaya nagmadali na lang ako.
"Ah Arkin pwede ko bang makuha ang number mo?" napalingon naman
ako.
"Ah sandali." bigla naman akong pinigilan ni Nadiel. Napatingin
ako sa kanya. (~.~ ) magkasalubong ang mga kilay niya ??
"Tss sumunod ka na nga lang!" umalis naman sya. Nu na naman kayang
problema nun?
"Haha. Ako na ang kukuha." kinuha naman ni Gavin ang cp ko. At
habang pinapanood ko sya.. nagkamerun na ako ng pagkakataong sabihin 'to.
"Thank you nga pala.."
"Huh?" takang taka naman nyang sabi. Pero agad din naman nyang
nagets. "Ah yun ba. Wag kang mag-alala waka na akong planong sabihin kay
Auntie--"
"Weee :D :D Sabi na e mabait ka!" tuwang tuwa kong sabi kaso..
"Basta totohanin ninyo ni Nadiel ang pagpapanggap niyo." nagsmirk
sya.. At.. NANIGAS NAMAN AKO SA SINABI NIYA.







