Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang ibig sabihin ni Gavin.
Totohanin daw namin ni Nadiel ang pagpapanggap namin? Alam nyo yung feeling na
parang nabo-bobo ka kakaisip?! Hayy.. ganon kasi nararamdaman ko. Lalo na
ngayon na nag-aaral kami tapos kung anu anong kaweirduhan ang kinikilos nitong
dalwa.
"Gets mo na?" sabi ko. Ngumiti naman sya at tumango. Alam niyo
yung weird? Nagpapaturo sya sakin ng simple equation sa math kahit mas matalino
naman sya sakin.
"Ano ka ba Gavin! Bakit ka ba nagtatanong kay Arkin e mahina utak
niyan. Paniguradong mali yang sinabi nya!" ewan ko a kung nang-aasar sya.
>:c Pero weird lang e. Kung nang-aasar si Nadiel, hindi sya tumatawa. Kasi
mukha syang nababadtrip habang sinasabi 'to.
"I think she's right. :) Ah 13x13?"
"Uh 169." sagot ko.
"Thanks." ngumiti si Gavin. Ampogi :D
"Bakit ka naman sumagot? Kaw ba tinatanong!" sigaw ni Nadiel
sakin. Inis na inis nyang sabi. Bigla syang tumayo. At lumabas ng mini library.
Oo tama mini library sa mansion nila Nadiel.
"Haha." 5 araw na silang ganyan. 5 araw na ding nababadtrip si
Nadiel kay Gavin.
Last day of exam ngayon. Nakatanggap naman ako ng text kay Nadiel. Magkita
daw kami.
Pumunta ako sa org nila. Dun lang ako sa labas. Naghihintay sa pinto. Ayoko
pumasok.. Alam niyo na.
Nadiel's calling..
"Oh hello?" tas biglang nagbeep ?? BV talaga ang gagong yun!
Babaan daw ba ako.
"Sinabi na e na hindi ka pumasok sa loob. Tsk. Tara na nga."
hinigit naman nya ang kamay ko.
"Sandali! Saan ba tayo pupunta?"
Higit higit nya ang kamay ko hanggang sa makapunta kaming parking lot.
Kaso..
"Uy Nadiel! Arkin. Saan kayo pupunta?" nakasalubong namin si Gavin
na kakapark lang ng kotse nya.
"Ah ano.." hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Ayaw naman kasing
sumagot agad ni Nadiel.
"Magdedate! Bakit sasama ka?" tanong naman bigla ni Nadiel.
( o.o) ~~> (//.< ) Nagblush naman ako. At nakita ko pang medyo natawa si
Gavin. Hmf.. ano na naman ba kasing sinasabi nitong si Nadiel.
"Ah hindi e. Next time na lang." umalis 'to ng nakangiti. Alam ko
ang iniisip nya. :|
"Tss." binitawan naman nya ang kamay ko at agad syang pumasok sa
loob ng kotse.
Pumunta kami sa isang restaurant. Ang dami nyang inorder pero lahat ng yun
ay para sa kanya lang. (>v< )
"Uh.." ang sasarap pa naman ng kinakain nya. Tahimik lang syang
kumain at hindi man lang tumitingin sakin. >:( Naaasar ako! Pinagtitinginan
na ako ng mga tao. Mabuti na lang inorder nya ako ng tubig, kunwari diet na
lang daw ako. (//.< ) Nakakahiya na talaga.
"Oh heto! Bumili ka ng iyo. Yung kasya lang dyan a." nakataas na
kilay nyang sinabi. Agad naman akong tumayo at kinuha yung 100php niya.
Tsk! Hinilahila nya ang kamay ko tapos yun lang pala ang gagawin nya.
Badtrip sya a! AAAAAARGGGGGHH! Naaasar ako sa kanya! Anong karapatan niya!?
Hmf! Binato ko yung tansan sa harap ko. Pumasok naman ako sa isang
convenience store at bumili na lang ako ng 2 chichiria at coke. Yun lang naman
ang kasya e!
Kinabukasan, pupunta uli akong school. Para narin malaman ko ang result ng
final grades naming at para makapagpapirma ng clearance. Naglalakad pa lang ako
papuntang sakayan ng may tumigil na sasakyan sa harap ko. At alam niyo kung
sino, wag niyo ng itanong. Kapal talaga ng mukha ng isang ‘to! >:(
Pagkatapos ng ginawa niya kahapon!
“Oh!” tiningnan ko lang ang kamay niya.
“Anong oh?”
“Tanga ka ba o stupid talaga!” ano daw? Hahaha. “Ano! Tumatawa ka pa,
papirmahan mo tong akin! Biliss~” inirapan naman niya ako at sumandal lang dun
sa pinakamalapit na pader.
Syempre dahil masunurin ako, sumunod ako. Kahit medyo nagtataka yung ibang
mga estudyante sakin. As in ang lagkit ng tingin nila sakin ng makita nilang
clearance ni Nadiel Fortalejo yung hawak ko. Kaya nakasimangot akong lumabas ng
faculty. Sa lahat ng subject niya, ako ang nagpapirma ng clearance niya. AGHH!
┌∩┐(◣_◢)
“Oh saan ka pupunta?”
“Magpapapirma naman nung sa akin!” inirapan ko naman siya.
“Arkin!” napalingon ako. Ganon din si Nadiel, tumingin siya sa tumawag
sakin. Si Gavin lang pala. Nakangiti ito kaya ngumiti na lang din ako, ng fake.
Alam niyo na diba kung bakit? Medyo natatakot nga ako sa kaniya e. Hindi ko
alam kung ano ng umiikot sa utak ni Gavin at sari sari na yung mga plano niyang
pinagagawa sakin. “Nakapagpapirma ka na ba kay Mr. Alcaraz? Sabay na tayo oh.”
kinikilabutan talaga ako sa mga ngiti niya.
“Uh.. hehe sige—“ (???) Di ko naman natuloy ang sasabihin ko nang biglang
hawakan ni Nadiel ang kamay ko. Problema na naman ng isang ‘to?
“Sasama ka samin?” kinilabutan naman ako sa ginawa niya nung pinagcrossed
niya mga finger naming. Halos magkaholding hands na talaga kami at talagang
hindi ako makawala sa mga hawak niya. Thump.thump.thump. ಠ_ಠ
“Ah.” Halatang nagulat din si Gavin. Tumungo siya at mukhang alam ko na kung
bakit >:(( “Ah sige wag na lang. Mukhang maoOP lang ako sainyo e.” umalis
naman siya. Tinitingnan ko pa lang siya, obvious na agad na natatawa siya sa
pinaggagagawa ni Nadiel.
Agad ko namang binawi ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Nagkasamaan
lang kami ng tingin.
“Ang bilis naman ng iyo! Nakalima ka agad!”
“Syempre ako pa. Wala naman kasi akong problema sa mga teachers.”
“Aww ang yabang mo ah.”
“Aww ang yabang mo ah.”
Napatingin naman ako ng marinig ko ang mga boses na yun. Kaso nagkamali ako,
agad akong umiwas. Bakit ba kasi tumingin pa ako sa kanila kahit alam kong sila
nga iyon! Aggh.
“Ang sakit nun huh! Heto sayo!”
“Aray!”
Nagtatawanan sila habang nagpipisilan ng mga ilong nila. >:(( Ang pula
pula tuloy ng mga ilong nila. AKALA BA NILA MAGANDANG TINGNAN. Mukha silang
tanga.. hmm..
“Halika nga!” hinila na naman ni Nadiel ang kamay ko.
“ANU BA!? Saan ba tayo pupunta! Magpapapirma pa ako! Kita mo bang wala pa
akong napapapirmahan kahit isa!” hindi kami tumigil. Ang sakit na nga ng paa ko
kakapilit maglakad e. Ang bilis pa man din niyang maglakad. Saan naman ba kasi
ako balak dalhin nito.
“Aray! Nasasaktan na ang kamay ko a! HOY! ABA ABA! Dapat pala kay Gavin na
lang ako sumama!” hindi parin siya tumitigil. “ANO BA!!! NADIEL ATHAN
FORTALEJO! NASASAKTAN AK--“ bigla niya akong tinulak sa pader.
“ARAAAAY!!—hmmmmm!!!” sinubukan kong itulak siya pero ang lakas niya. HE
KISSED ME. Hindi smack! Gumagalaw mga labi niya! Shet!!! AYOKO NITO!! Hinampas
hampas ko siya.
Hanggang sa tumigil na siya sa paghalik sakin. “ha.ha.ha.ha.” hingal na
hingal ako. Nang bigla ko siyang sampalin.
Malakas yung pagkakasampal ko sa kanya. Nakaside view siya.. pero bigla lang
siyang ngumiti.
“Naiirita ako nung kayo pa. Ngayong wala na kayo..” tumingin siya sa mga mata
ko. Mga tingin na parang tutunawin ako. “Alam mo ba kung gaano ako kasaya?”