1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 51


Pagkatapos ng nangyaring iyon. Iniwasan ko na si Nadiel. Nagagalit ako sa kanya. HE ALWAYS STOLE MY KISS!!! At palagi na lang.. wala akong magawa. Naiinis ako. Lalo na sa mga sinabi niya..


SO GANON PALA NIYA AKO PINAGTATAWANAN NUNG NASASAKTAN AKO KAY BRET!

Bigla kong sinapak yung hugdog ko sa kama. Kunwari si Nadiel daw ito. Bugbog sarado to. ARGGGGGGHHH!!!

Nadiel’s calling..

Tumatawag naman siya ngayon. HMF! Kapal naman ng mukha niya. Wala pa ngang isang araw na nakakalipas dahil sa ginawa niya tapos tatawag tawag siya! >:((

1 new message


'HOY PANGET PAGDI MO SINAGOT ANG TAWAG KO, MALALAGOT KA TALAGA SAKIN!'

Aba! Talagang- AGH!

"Hell--"
"BAKIT BA AYAW MONG SAGUTIN NG TAWAG KO!" napalayo naman ako sa phone. Ang sakit sa tenga ng sigaw nya a. Tss.

"BAKIT BA! Ano bang kailangan mo..?" tsk. Hindi man lang nya naisip kung anung nararamdaman ko ngayon. Halik kaya yun.. tapos di pa normal na kiss. Kawawa naman si lips ko.. Huhu

"Nasa ----- hotel ako ngayon. Bilis punta ka agad dito!-- BEEPPPP~" binaba nya agad. Agh galing talaga nyang mag-utos! Siyang siya na a! ARGH!

Agad naman akong nag-ayos at pumunta dun sa nasabing Hotel. Mga 1 oras din yung byahe. Pagdating ko naman dun, may isang receptionist na nagsabi sakin kung asan si Nadiel. 7 floor, room 717. At pagpasok ko naman dun..

"Wow! Sinong may birthday!?" tuwang tuwa kong sabi. Titikim sana ako ng cake ng mabasa ko ang nakalagay-- (-3- )

"Hehe."

"You can eat all the food." nagsmirk sya sakin.

"Ano bang nangyari? Nasaan ang gf mo? Monthsary niyo pala ngayon." naupo naman ako sa harap nya.

"I broke up with her." tumayo sya at nahiga sa kama habang nanonood ng Spongebob.

"Tsk. Anu pa nga bang ieexpect ko. Oh ilan na ngayon gf mo? At ilan naman ang dadagdag?" kumain naman ako. At wow ang sarap ng mga pagkain. Mukhang lahat ng ito ay handmade. Mukhang ito yung gf niyang chef a. Hayy kawawa naman kung ganon. Panibagong biktima.. Mmm yummy :D



"Nakalimutan mo na ba ang ex mo,



Dahil sa mga halik ko?" nasamid naman ako sa mga tanong nya. Ubo ako ng ubo nang..

"Tubig oh."  (o.O ) nasa harap ko na sya at sobrang lapit pa namin sa isa't isa. Palapit sya ng palapit sakin nang mapapikit ako--

"Kanina pa pala nagba-vibrate cp ko. Hello?" narealize ko yung situation namin. "Oh Krizia. This weekend? Hmm.. okay let's set a date.. " Hmf! Bakit ba ako kinakabahan? Am I expecting na hahalikan ulit ako ni Nadiel. Pero aaminin ko a.. Antakot ko talaga. *nguya**nguya* Buti pa 'tong food ansarap sarap.

"Huy! Bilisan mo ibalot mo na yang mga pagkain. Kailangan ko pang makipagkita kay Pau." tumango naman ako.

Tsk. Hindi ba sya nalilito sa mga pangalan ng mga gf's niya. >:(

Umalis naman kami dun sa hotel. Pero hindi ibig sabihin nun na nakauwi na ako. Kasi pinapunta pa niya ako sa mansion nila para asikasuhin ang iba nyang mga gf's. I mean asikasuhin by chat. Sarap buhay nga ako e, nagcocomputer na ako may nakakain pa. Tapos tawa pa ako ng tawa dun sa mga gf's ni Nadiel. Akala talaga nila na ako si Nadiel. Haha! :D

"Ang tagal naman ata ng mokong na yun?" 1 oras at 30 minutos na ang nakakalipas. Ang boring pala pagwala sya.. I mean ang tahimik! >:|


Again 30 minutes have passed.. may kumatok.

"Hi, Arkin!" paglingon ko, agad akong napatayo. Si Gavin kasama si Mrs. Fortalejo. ( o3o)

"Oh hija, di mo ba kasama si Nadiel--"
"Hi mah!" bigla namang may sumulpot na kabuti e este si Nadiel. Ang kabado ko, hindi ko alam ang gagawin kung wala dyan si Nadiel. Mabuti na lang at dumating agad siya.

“Oh nandyan ka pala. Saan ka ba nanggaling?” halatang nagmadali siya. Gulo kasi yung buhok niya. Pero infernes.. ang pogi parin niya.

“Uhm.. bumili po ako ng brownies. Gusto po kasi ni Arkin.” Sabi niya habang lumalapit sakin at sabay bigay sakin ng brownies. Aba brownies nga! Pero hindi ko naman ito favorite? Tss.. galing niya talaga magpanggap. Kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Errr~ fake! “Ah anu nga po palang kailangan niyo mah?”

“Gusto ko lang idiscuss sayo Nadiel na kailangan mong samahan si Gavin para sa business vacation niyo sa Cebu. Hindi kasi ako pwede, since madami pa akong mga papeles na hinahawakan. At since.. sembreak niyo naman.” Napatingin ako sa reaction ni Nadiel.

“Sige po. Kelan po ba yan?”

“Ngayon mismo.” Medyo nagulat siya. Pero seryoso naman yung mukha niya. Sa mga ganitong bagay, kailangan talaga niyang magseryoso. Masunurin naman pala si Nadiel sa mama niya paminsan minsan. Malaki talaga takot niya sa mama niya 8*))




“Why don’t we let Ms. Ramirez to come with us?” nagulat naman ako sa biglang nisuggest ni Gavin. (O.0)

“Huh?”



“Kayong bahala.” Umalis naman si Mrs. Fortalejo.

Nagkatinginan naman kami ni Nadiel like ‘what the heck!’ GRRR~
HTML Comment Box is loading comments...