So ibig sabihin buong sembreak, KASAMA ko ang kumag na’to! >:’(
“Oh anung tinitingin tingin mo dyan!” sinamaan niya ako ng tingin habang
nakapout ako sa kanya.
Umiwas naman ako ng tingin. HUHU! Malas ko naman e. Bakit kasi kailangan pa
akong kasama. ‘Porke girlfriend daw ako’ pero ang totoo.
“Let’s go! :))” may pinaplano si Gavin. At kung ano man yung pinaplano niya
para paglapitin kami ni Nadiel. PWES! Tinataga ko na sa bato! HINDING HINDI
SIYA MAGTATAGUMPAY.
“WOWwwww~ Ang ganda ganda naman dito!!!” sabi ko habang inoobserbahan ang
view sa labas dito sa may balcony ko sa may 12 floor. Ang ganda ganda talaga.
Hindi man ito ang first time ko sa hotel, pero natutuwa parin ako pagnakakakita
ng magagandang view :D Sino bang hindi. Nakakaalis ito ng problema no :D
“So maiwan ko muna kayo.” Tuwang tuwa parin ako sa nakikita ko. Nagpicture
picture muna ako. Ngiti dito, ngiti dyan. Ang gaganda ng kuha ko. “WAH! Ano
ba!” sabi ko sa kanya sabay delete ko naman dun sa photo namin. Kasi naman
bigla bigla na lang siyang sumisingit sa tabi ko. Tapos parang sinadya pa
niyang magpapicture kasama ako ( >.<“)
Pero ang totoo hindi ko naman nidelete, ang ganda ko kaya dun! :P
“Siguraduhin mong sarado ang pinto pag ikaw lang andito a. Hindi lagi na sa
tabi mo ako, pwede ring nasa Office ako ng hotel. Sa kitchen. Sa lobby. Sa
reception hall. O kaya..” tiningnan ko siya ng ‘okay ka lang, men?’ look ( ???)
“O kaya.. nakikipagflirt sa mga receptionist, sa mga secretary, assistant o
customers!” naiisip ko pa lang yun, kumukulo na agad ang dugo ko. Alam niyo na
kawawa naman yung mga babaeng yun! Tss..
“Oo pwede rin yun! Kaya nga sinasabi ko sayo na wag na wag kang lalapit sa
kung sino mang lalaki dyan!” this time nakatingin siya sa mga mata ko.
Nakakatunaw na tingin.
Dun ko lang narealize.. na ang weird.
“Ano bang pinag-aalala mo?” bigla naman siyang namula tapos.. kumunot ang
noo.
“Basta sinasabi ko sayo! Hindi nakakatuwa ang business vacation!” bigla
naman siyang nagwalk-out.
( ??.??) Problema na naman nun? This past few days ang weird weird niya.
Mag-isa lang ako ngayon sa kwarto ko. Halos isang oras na ako dito. Nanonood
ng tv habang kumakain. Napadalhan na kasi ako ng pagkain dito. Ang pinagtataka
ko wala man lang gumugulo sa kwarto ko. Tiningnan ko yung phone ko (phone ni
Nadiel) Walang text. Ano na kayang nangyayari? May nangyari kaya kay Nadiel? O
naoffend yun sa mga sinabi ko? Sandali.. e bakit naman yun maooffend e sanay na
naman yun sakin. o baka naman (o.O ) ~~> ( -3-) Nakikipagflirt
na talaga siya! Err~
Niturn-on ko naman yung camera at tiningnan yung picture namin ni Nadiel.
Biglang akong natawa. Haha Kasi naman obvious pala na sumingit lang sya. Tapos
napakapacute pa nya. Pero parang sinadya nya na magpapicture talaga. Our very
first picture together.. Ayii ang cute namin dito. :D
Tok.tok.tok..
Agad naman akong napatayo at tumungo dun sa pinto. Baka si Nadiel na'to.
Hehe. Kitams sinunod ko yung utos nya na lagi ko daw ilock yung pinto. Haha
"Ano na naman!?" sabi ko na parang naaasar dahil dumadalaw sya.
Pero-- nagkamali ako.. (//.T)
"Wala lang. :)) Haha." parang akong naging bato na pulang pula sa
sobrang kahihiyan.. Akala ko pati siya si Nadiel.
"Ah ganon ba. Sigurado ka na wala kang kailangan?" ngumiti ako.
Pumasok naman sya sa kwarto ko.
"Akala mo.." nanlaki naman ang mata ko ng humiga sya sa kama ko.
"..ako si Nadiel-"
"Wag ka dyan!" pero huli na ang lahat at nakuha na nya yung
camera..
"Woah! Ganito na ba talaga kalalim ang pagpapanggap niyo?" inagaw
ko naman sa kanya yung camera.
"Stolen 'to!" inis kong sabi.
"Bakit parehas kayong nakangiti?" tiningnan ko sya ng masama. Pero
nakangiti parin sya.
"Magpalit ka ng attire. Itotour kita sa buong hotel."
Syempre gusto ko din nung ideya niya kaya sumunod agad ako sa kanya. Ang
boring din kasing magstay sa kwarto na yun. Bukod pa dun baka sakaling makita
ko si Nadiel.. na nakikipagflirt. Tss.
"Nagustuhan mo?"
"Hmm! Ang sarap." sa restaurant niya ako unang nitour. At bawat
food may free taste ako. Hehe kanila naman kasi 'tong Hotel.
Next spot, pool! :D
Ang ganda. Ang laki! :D Tas may mga jakuzzi pa! Astig! Kakaenjoy. At habang
naglalaro ako ng tubig sa may pool..
Paglingon ko sa likod ko, nakita ko naman si Nadiel sa loob na may kasamang
mga foreigner at mukhang mga bigateng tao. I mean, mga nakasuit sila. Ang
foformal nila at mukhang tungkol sa business ang pinag-uusapan nila. Di ko man
marinig pinag-uusapan nila sa kinatatayuan ko, pero alam kong napagaling
magsalita ni Nadiel. Matalino sya. At sa itsura niya ngayon.. parang hindi sya
yung Nadiel na kilala ko.
"Busy'ng busy ang tagapagmana natin a." tumingin ako kay Gavin.
"Miss mo na siya?" nakangiti na naman sya ng pang asar. Iniwasan ko
sya ng tingin at agad naman akong tumayo.
"Alam mo ba kung kailan lang ang free time nya."
Lumingon ako sa kanya at sabay inis na sabing.. "Kailan!" POoofF!
MALIII" (//.t ) hindi dapat yun ang sasabihin ko. Dapat 'pake ko!'
kaya nga ako naiinis e!
"Mamayang gabi." nakangiti na naman sya. Bakit pag about kay
Nadiel ang pinag-uusapan, laging nakangiti si Gavin? Err~ nang-aasar talaga!
Spongebob: inside here!
Plankton: Here? In my kidney!? Why is he so obssesed with my organs?
"Haha."
Alam ninyo kung anu. Kanina ko pa tinitingnan si Gavin pero hindi man lang
siya makaramdam. Kanina pa kasi siya dito sa kwarto pagkatapos niya akong
itour. Nood lang naman sya ng nood ng tv. Kanina dora, tapos johnny bravo tas
ngayon spongebob. Adik lang e. Inabot na ng gabi dito sa kwarto ko.
"Gavin, may tv din naman sa kwarto mo diba?" hindi naman sa ayaw
ko na nandito sya. Pero naaalibadbaran kasi ako sa mga pinagkikikilos nya.
Simula kasi ng malaman niya ang katotohanan, nag-iba na rin ang Gavin na
pagkakakilala ko.
"Malungkot mag-isa."
"Tss. Hindi mo ba napansin na kanina ka pa dito at inabot ka na ng gabi
dito!" kalalaking tao, duwag!
"Ayy tapos na ang SB. Malipat na nga ang channel." tss hindi man
lang nya ako pinakinggan. Hanggang sa napunta sa isang romantic movie ang
palabas.
Dun sa scene na naghahalikan yung mga character.
"WOY BAKIT MO PINATAY!"
"Pwede ba bumalik ka na sa kwarto mo." pero imbes na sumunod sya
sakin e lumapit pa sya sakin. ( o.o)
"Ganito na lang! Tanungan na lang tayo!" a-ano daw?
"Para sayo.. ano si Nadiel?" thump.thump.thump. Biglang bumilis
ang tibok ng puso ko. Ang bilis. Daig ko pang hinahabol ng sampong asong askal!
(O.O )
"May pag-asa ba si Nadiel sayo?" papalapit sya ng papalapit
hanggang sa wala na akong maiurong.
"Itry mo kaya ako?" mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita si
Nadiel sa likod ni Gavin.
The next thing I know, nakahiga na si Gavin sa sahig habang duguan ang mga
labi nito. ( o.O)
"Don't you dare touch my girl." at hinigit ni Nadiel ang kamay ko.