Sinuntok ni Nadiel si Gavin. Ang bilis ng mga pangyayari kaya hindi ko alam
ang gagawin ko. Nagulat na lang ako ng bigla niyang higitin ang kamay ko. At
iniwan namin dun si Gavin. Ayoko mang iwan na lang basta si Gavin dun, pero
wala din akong nagawa.
Higit higit ni Nadiel ang kamay ko hangggang sa pumunta kami sa kwarto niya.
Agad niyang nilock ang pinto.Tapos agad naman siyang pumunta sa kama niya at
naghubad ng suit. Humiga siya at..agad na nagtaklob ng kumot. ???
*silence*
Err..alam ninyo yung feeling na mukha kang tanga. Sandali nga..bakit ba ako
nandito at pinapanood ang mokong na ito!? Aba aba! Nakakainis ah!
Agad akong lumapit sa kanya at hinigit higit yung kanyang kumot.
“Hoy Mr.Fortalejo! Aba aba bakit mo ba ako dinala dito kung hindi mo pala
ako kailangan! Hoy! Ano ba bumangon ka dyan! Bakit mo ginawa kay Gavin yun!?
Bakit mo siya sinunto—“ nagulat naman ako nang bigla niyang inalis yung kumot
sa mukha niya. Nagkatinginan kami.Tapos bigla na lang niya akong hinigit kaya
napahiga tuloy ako. Arrrgh! Ang sakit potek!
Pagmulat ko ng mata ko sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Kinabahan naman
ako.. ( >.\\)
“Uh..ehm. Nadiel—“ bigla naman niya akong niyakap.
“HOY!” sa sobra kong gulat mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sakin.
TANGENENG—aghh..ano ba talagang problema niya. NAKAKAILANG HUH!
Buong gabi kaming magkatabi ni Nadiel. At hindi ko rin matandaan kung anong
oras ako nakatulog. Basta paggising ko nung umaga, wala na siya sa tabi ko.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatulala sa may balcony. Iniisip ko parin
yung nangyari kagabi. Kahit medyo nakakailang yung ginawa namin..para bang
natural na. Ah! ( >.<) Ano bang sinasabi ko!? Ibigkong sabihin..nung
mga sandaling nakatulog na si Nadiel wala na din akong nagawa kundi hayaan
siya. Kahit ang bilis bilis ng tibok nung puso ko nun at gusto kong kumawala sa
kanya, nakakapagtaka at hindi ko yun nagawa.
“*sigh*”
“Goodmorning.”
Lumingon akong walang kabuhay kabuhay sakatabi ko. At nagulat naman ako
nung—
“Hala Gavin anong nangyari dyan sa may lips mo!?” (o.O_) gusto kong hawakan
yung labi niya. Ang pula pula, halatang nagdugo yun kagabi.Pero nakangiti parin
siya kahit ganon. “Nilagyan mo ba yan ng first aid.” Nipoke ko naman yun at
agad siyang napapikit sa sakit.
“Ang sakit nun ah. Haha-“
Agad ko namang tinago ang kamay ko. "Sorry." nakangiti pa rin si
Gavin. Tinanggal ko naman ang pagkakatingin sa kanya.
"Hindi ka pa kumakain?" hindi ako sumagot at dahandahan lang akong
umiling. "Aww..ano bang inaalala mo?" tiningnan ko naman sya.
Nakapanganglumbaba si Gavin. Tsk ang daming pacute sa mundo. ( >.<)
"Kelan ba tayo uuwi?" pumasok naman na ako sa loob at kumain
habang nanonood ng tv.
Agad namang sumunod si Gavin. At dahil ramdam niya ata na wala ako sa
mood kaya eto nagpapapansin sya at humarang sa tv habang nakapanganglumbaba na
naman sa nakatalikod niyang upuan. Err.. bakit ba ako napapalibutan ng mga
gwapong lalaki. Sigh
"Why don't you accompany me? Kesa naman sa mabored ka dito. Pasyalin pa
natinyung ibang parts ng Hotel." Sumubo naman ako at nagtanong sa kanya.
"Basta ipagamot mo muna yang sugat mo. Naaalibadbaran ako e."
ngumiti naman sya at bigla ko namang naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
Tsk. Ang cute talaga ni Gavin.
Sinamahan ko naman si Gavin ipagamot yung sugat niya sa may labi. Nagtataka
din ako kung bakit di man lang sya nagtatanong kung bakit ginawa ni Nadiel yun?
Pero sa bagay wala din naman akong ideya. Hmm.. nagkausap na nga kaya sila--
AH!
"We're only doing what's the best to our company, Mr. Cho." Umayos
naman akong tayo nung magtama ang mga tingin namin.
"Tara na Kin!" nagulat naman akong tumigil siya sa harap namin.
Kinabahan ako.. parang kasing hindi sya yung Nadiel nakilala ko. Ibang iba yung
aura niya.
"Mr. Fortalejo?"
Tumingin naman si Gavin kay Nadiel. Nginitian niya si Nadiel at agad din
namang itong umalis. Wala siyang sinabi kaya medyo nadisappoint ako. ‘Hindi
nakakatuwaang business vacation!’ Ang weird. Yun ba ang ibig niyang
sabihin kaya nagkakaganyan siya? Parang hindi yung Nadiel nakilala ko ang
nakikita ko sa loob ng hotel. Ano bang nangyayari sa mokong na yun at masyado
niya atang tinatake seriously itong vacation na ito?
“Haha.”
Medyo nagulat ako sa biglaang pagtawa ni Gavin. Problema naman ng isang ito?
“Nga pala, punta ka mamaya sa 5th floor room 504.”
Kinindatan niya ako.
Ganong ka bilis ang pamamasyal namin ni Gavin. Kahit magpauliuli kami dito
sa Hotel hindi naman ganong kaboring. Nagtataka nga din ako kung bakit hindi
man lang kami nalabas ng hotel. Tsk. Pero ngayon pupunta na muna ako sa sinabi
ni Gavin. Nakausual clothes lang ako, gabi na din kasi.
Thump.thump. Nagulat naman ako sa una kong nakita pagkabukas na pagkabukas
ko ng pinto.
“ah.”
Humarap naman siya. ( >.\\) Kaya agad akong napatungo. Sandali, ano
bang kinakahiya ko? Siya parin si Nadiel the devil. Err~
Baki siya ang nandito!?
Katahimikan. Hindi ko alam kung nakatingin ba siya sakin dahil nakatungo
ako, pero bakit hindi siya nagsasalita??
“Uhm..” dahan dahan akong tumingin sa kanya. At nakatingin pala siya sakin.
Agad siyang umiwas ng tingin.
“HOY! Bakit ikaw ang nandito—“ tumingin na siya sakin ng nakataklob ang
bibig. “Ahehm. Napapadalas ata ang pagsamasama mo kay Gavin. Sabagay, siya lang
naman ang kakilalamo dito.” Hindi na naman siya uli sakin tumingin. Hmm..ibang
iba ang aura niya kapag nakasuit. Hindi mo aakalain na may masama siyang
ginagawa ( -.-)
“Woy bakit ka ganyan makatingin sakin!”
Oo na. Gwapo na siya. Siyang siya na! Tsk! Nakakainis..masyado akong
attracted sa kanya.
“Wala lang.” bakit ba feeling ko naiilang ako sa kanya. Satingin ko isang
bagay lang ang magtatanggal ng kahihiyan na ito at yun ay ang tungkol dun. “Uhmm..
yung mga girlfriends—“ naputol naman yung sinabiko ng may tumawag sa kanya sa
phone. Agad niya itong sinagot at tumalikod sakin.
“UH oo. Aha.” Habang pinapakinggan ko yung usapan nila. Napagtanto kong isa
sa mga girlfriends niya ang kausap niya. TSK! So kahit ngayong vacation,
kahit hindi sila nagkikita. Nakikipagflirt pa rin siya sa kahit na anong bagay.
Sandali nga, ano ba talagang napapala niya sa pagiging ganyan.
Agad akong tumalikod, aalis na sana ako—
“UY saan ka pupunta?” napatigil ako.Tss so tapos na pala siyang
makipagflirt.
“MATUTULOG!” at agad kong sinarado yung pinto.
Argh!!!! NADIEL FORTALEJO! Kailan ka ba magbabago! Kahit naano pang soot mo,
NAPAKAPLAYBOY MO PARIN >:(